Monday nanaman.
Lumulutang pa din isip ko, may hangover pa ako ng weekend activities ko.
I spent my weekend sa bahay as requested by Kuya Kai kasi kailangan niya bumalik sa New York by monday, magstart na din yung tour ni Kuya Xylar para sa pagpromote ng book niya, maiiwan lang si Kuya Van and Kuya Harvey and for sure magiging busy na din ulit sila. Pero super saya pa din kasi ang tagal na din namin hindi nakakapagbonding ng ganun at for sure matatagalan nanaman ulit na mangyari yun.
Bigla naman ako nagulat ng bigla nagsalita si Miss Sy,
"Guys I want to remind you na, next week ay college week na natin." sinasabi niya habang palakad-lakad sa harapan ng classroom.
Ang tahimik na classroom, biglang umingay, usually daw kasi may college week ay wala klase at puro activities lang.
Sa wakas makakapagpahinga ako.
"Quiet guys, meron pa ako additional announcement." nakangiti sabi ni Miss Sy.
Lahat naman kami ay kinig na kinig at tutok na tutok, "In two weeks naman ay midterm exams niyo na " mas lalo nagwide yung ngiti niya.
Sadista ata to si Miss Sy eh, mas umingay yung classroom namin kesa nung unang announcment, itong mga classmate ko naman makareact, eh kahit ano namang mangyari mag eexam kami.
"Here's the bonus for you guys..
Tumahimik ulit.
" .. since maganda naman performance ng block niyo, may ibibigay ako sa inyong bonus."
"Your class will be divided by three groups, 10 members each, you need to come out with a business proposal, which you will submit this Friday, once your group proposal has been approve, you can now proceed to your business execution which will be next week Friday, you have to meet your expected earnings that was predicted based on your proposal. The group that will meet their expected earnings will be exempted this midterm exam."
Akala ko naman kung anong bonus, sana nagexam na lang, mas nakakapagod kaya pag ganito.
"Now, count 1-3" utos ni Miss Sy
Bigla nanaman umiingay.
"Sana makagroup kami ni Clint." sabi ng babae na kasing pula ng labi niya yung suot niyang pulang sleeveless na blouse niya.
"Ay sana ako din." singit naman ng katabi niya na parang pangkasal yung make up niya.
"At sana kagroup ko din si Zak." sabi ulit ng babae na mapula yung labi.
ANO TO?
Bakit pati si Zak ko, nadamay sa pagiilusyon ng mga babae na 'to.
"Ako sana silang dalawa!" sabay singit naman ng babae nasa gitna nila.
Lumingon ako sa likod ko, nakita ko si Diane, nagkatinginan kami, parehas namin tinaas yung kamay namin at nagcross finger.
Sana kagroup ko si Diane.
Sana..
Sana..
At siyempre pati sana si Zak.
"Sana talaga kagroup ko si Diane" habang nakacrossfinger ako na nakatungo.
"Baliw" bigla nagsalita naman yung katabi ko mayabang.
Buti na lang zero percentages na magkagrupo kami. Pasalamat siya good vibes ako ngayon at dahil sa ayoko masira ang araw ko, nginitian ko na lang siya.
And suddenly nagbell,
"Guys, since time na at nagmamadali ako dahil may faculty meeting kami, kung sino na lang yung magkakarow ay sya ung magkakagroup."
WHAT THE???!!
Oh no!
♀ Clint's Point of View ♀
Last class na namin ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na nginitian ako ni amazona, usually pag nakikita ako nun lagi na lang ako tinatarayan, pero kanina mukhang in good mood siya, yung smile niya..
NJASHAGSHFAHJSHJSHJH!!!!
Ano ba to iniisip ko,
Kaasar, bakit kaya ang saya niya?
Nakakapanibago, pero mas bagay pala sa kanya pag nakangiti, baka naman inlove yun, pero kanino? Hindi ko naman siya nakikita na may kasamang ibang lalaki.
&*^SJHAHSGHAGSHGAHSGA!!
"Brad"
"Brad"
"Brad" sabay tapik sa likod sa likod ko.
"Bakit?" tanong ko
Paglingon ko si Zak pala.
"What's wrong? Bakit parang galit na galit ka?" tanong niya
"Hindi ha." pagtatanggi ko
"Kaya pala" sarkastiko pagkakasabi niya,
"Tara na!" yaya niya.
"Saan?"
"Di ba may meeting tayo, para doon sa special project."
"Special Project?" tanong ko.
"Oo yung para sa college week." sagot niya.
Oo nga pala may group project kami at kagroup namin si Amazona.
Hindi ko alam pero parang napangiti ako ng nalaman ko kagroup ko si Klea, maybe because para mabwisit ko siya or baka dahil sa makikita ko nanaman siya?
SHJAHSJAHSJAHSJAHJSAHSA!!!
► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ►
Author's Note:
Ano ba talaga Clint?
Enjoy reading guys!
◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄
![](https://img.wattpad.com/cover/10107051-288-k68175.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate Love at First Sight [On-Going]
Teen FictionI have this IDEA, so I can live DIFFERENT from the life that I was brought up, until I met this guy who is insensitive, conceited and spoiled. And now, lahat ng plano ko mukhang hindi matutuloy, dahil sa lalakeng ito :(