14 ♥ Business Proposal

578 27 21
                                    

Almost 3 hours din kami nagmeeting, buti na lang matatapos na dahil gutom na gutom na ako. Nagvolunteer na ako na ang tatapos ng proposal na ipapasa para macheckan na agad ni Miss Sy at gagawa ng reports dahil sa baka mapasama pa ako dun sa bibili ng mga kakailanganin namin. Nakakatamad at nakakapagod kaya maghanap ng kung ano-ano. Buti na lang pumayag sila at laking tuwa ko na sana kaso, bigla nag volunteer din si yabang na sa documentation din sya. Ayaw din niya siguro sumama sa pagbili. Sabagay nakakapagod nga naman talaga.

"Wag na Clint, sama ka na lang sa pagbili" pagpilit ng isa naming kagroup na babae, na nakapout pa habang pinipilit si yabang.

Talagang nakapout ba siya? Hindi naman bagay, buti na lang at tinignan lang siya ni yabang.

"Oo nga Clint, hayaan mo na yan si Klea, kaya na niya yan"  dagdag naman ng isa pa naming kagroup na babae na pumipilit kay yabang, buti na lang, hindi siya nagpout, mas hindi kasi bagay sa kanya.

Tinignan lang sila ng masama ni Clint, magsasalita sana ‘to ng bigla nagsalita si Zak,

"Hayaan niyo na lang, ako na lang sasama sa inyo girls."

Bigla naman nagningning yung mata ng mga classmate ko.

WHAT??????

Ayoko na din magdocumentation, sasama na ako sa pagbili! Kahit saan pa yan at kahit mapagod pa ako ng bongga! Pagkakataon ko na 'to makabonding si Zak! Hohoho!

"Sige para walang away, sa documentation na lang kayo dalawa at ako na lang sasama kay Zak!" dagdag ko.

Sa akin naman tumingin ng masama si Clint na parang any moment ay kakainin niya ako ng buo,

Problema nun?

Bigla naman nagsalita ulit si Zak, "Kami na lang Klea, mapapagod ka lang" at ngumiti sya.

Kinilig naman ako doon na ewan. Parang kasi na ayaw niya ako kasama at mas gusto niya pa na kasama yung mga babae na yun, pero baka, kasi ayaw niya lang ako mapagod at mas gusto niya pahirapan yung mga babae na yun. Sabagay, mas bagay sa kanila yung mapagod. Napaoo na lang tuloy ako, at least concern pala sa akin si Zak.

Hanggang sa natapos na yung meeting namin at nakaalis na sila, bigla naman ako hinatak ni Yabang,  gusto ko pumiglas kaso wala na ako lakas dahil sa gutom ko. 

"What's wrong with you? Kailangan may paghatak?" tanong ko

Tinignan niya lang ako. Baliw nga talaga ‘to, kanina tinatawanan ako ngayon naman wala kareaction-reaction.

"San ba tayo pupunta? Bitawan mo nga ako!" 

"Gagawa ng proposal." sagot niya

 And then bigla tumunog ung tyan ko.

Awwwwwwwwwkard. 

Bigla siya tumawa at nabitawan ang braso ko.

"Whatever! Ngayon ka lang ba narinig na tumunog ang tyan sa gutom?" pagtataray ko.

Bigla niya ako nilapitan and drag me to the nearest restaurant inside our school. Sa sobra ko gutom ay agad-agad ko kinain yung hinain sa amin.

"Ako na gagawa ng proposal. Ikaw na lang sa reports." sabi ko habang kumakain. 

 "Daya mo naman. Madali na lang sa proposals may concept na tayo eh" sagot niya.

"O sige, ako na din sa reports." sagot ko

"Eh ano gagawin ko?" tanong niya ulet. 

Hindi ba obvious na ayaw ko siya kasama.  

"Wala! Kaya ko naman eh,  tumulong ka na lang sa pagset up ng booths."

"Eh ayaw ko dun." Sagot niya.

Sabi na nga ba, tamad din 'to kagaya ko.

 ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ 

After namin magdinner, niyaya niya ako para simulan na yung proposal. Dun daw kami gagawa sa may tamabayan nila para daw comfortable siya, since sila ang may ari ng school, bongga yung tambayan nila,  may flatscreen 72" TV plus gaming console, may mini kitchen din at study table sa gilid. Naglabas siya ng chips and sodas and then turn on yung tv, naupo siya sa sofa.

Tinignan niya lang ako and sabay sabi, "Please make yourself comfortable" 

Padabog ako lumapit sa study table at nilabas yung laptop ko.Gusto ko sana umuwi na lang at tapusin ito kaya lang, sayang sa oras at baka makatulog ako pag umuwi ako.

After niya manuod ng DVD, lumapit sya sa akin at may hawak na siyang laptop.

"Oh buti naman naisipan mo din tumulong" I said sarcastically.

"Bakit? Pinakain na kita ng dinner at pinastay dito, hindi pa ba tulong yun?" sabay patong nung laptop niya sa table and kumuha din ng isang upuan.

Tinignan ko sya ng masama and binalik ko ung atensyon ko sa ginagawa ko.  Sayang oras pag nakipagtalo pa ako

Finally..............! 

Natapos ko din. 

Email sent! 

And yung katabi ko? 

Tulog na.

Hindi ko na sya ginising at umuwi na ako.

► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ►

Author's Note:

Ayan si Clint, natutulog sa sidebar!

◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄

Hate Love at First Sight [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon