8 ♥ No Match

664 48 43
                                    

Buti na lang 11 am yung class ko, past 10 na ako nakadating sa school, grabeng train yan, sobrang nakakaasar, matapos ako pumila ng napakahaba at makipagsiksikan sa loob nito ay nasiraan pa.


Hindi ko alam yung gagawin ko kung hihintayin ko ba mafix or bumaba na lang ako at maghanap ng ibang masasakyan. Dahil sa natatakot ako malate ay bumaba na lang ako, buti na lang din at nasiraan yung train, one station away sa binababaan ko.

Tapos kanina, lahat ng dumadaan na taxi puno at kung may bakante naman ay nauunahan ako ng ibang naghihintay din, kaya napilitan ako mag jeep.

Hindi naman sa first time ko magjeep, tumakas pa nga ako dati sa mga bantay ko, para lang makapagjeep eh, parang ang cool kasi, tuwang-tuwa pa ako nung sumakay ako kasi ang dami din pasahero, puno yung jeep, kaya lang, natatawa ako pag naalala ko lang yung sinabi ko nung bababa na sana ako,

imbis na "para",

"please stop, bababa na po ako", ayan ung nasabi ko,

nagtinginan lahat ng pasahero sa akin, nasa gitna pa naman ako nakaupo, kaya medyo malakas din yung pagkakasabi ko para marinig sana ni manong driver, pero sa kasamaang palad, hindi niya ako narinig, hindi na lang ulit ako nagsalita, nagsmile ako sa kanila at tumungo, hanggang sa narinig ko yung matandang babae na nagsalita ng para, yun pala yung magic word para pahintuin si manong driver at makababa.

Nung sumakay naman ako ng jeep kanina, sobrang kaba ko, hindi ko alam kung paano ako magpapapara.

Weird na kung weird.

Nung malapit na ako sa may bababaan ko, naginhale and exhale ako.

Babanggitin ko na sana yung magic word, kaya lang, may nauna ng nagsalita.

Pero buti na lang din at may pumarang nauna sa akin, it saved me from future embarrassment.

Dahil sa maaga ako compared yesterday, akala ko swerte ako today pero mukang nagkakamali ako.

"Hey amazona!"I heard a familiar voice.

Oh no!

Bigla ako kinabahan, baka gantihan ako nito dahil sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako or what?

Pero teka, kasalanan naman niya eh!

Basta tama lang yung ginawa ko, kaso pag minamalas ka nga naman...

"Amazona?" then tinaasan ko sya ng kilay.

"Stop looking like that" and then sabay cover sa mukha niya.

"OA ka ha" sinsabi ko habang palayo na sa kanya and then suddenly he grabs my arms.

Bigla nanaman ako kinabahan,

Naramdaman ko na parang may current na bigla dumaloy sa mga braso ko, dahil yata 'to sa sobra kaba baka gantihan ako or sa sobrang asar ko sa kanya?

"You have to pay for what you have done to my perfect face."sabay ngisi sa akin.

Ano daw perfect face?

Napatitig naman ako sa mukha niya.

I have to admit it,well he is cute, no, not just cute, but totally handsome, kahit na yung mukha niya parang nakapermanent glue yung simangkot ng mukha, no wonder these girls are crazy about him, teka ano ba to iniisip ko, dala yata 'to ng gutom dahil wala pa ako almusal.


"Perfect? San banda?" and I laughed.

"Yes. Siguro naman alam mo kung saan banda, kung makatitig ka" and he smirked.

Yabang talaga nito, malamang mapapatingin ako sa mukha niya, hinahanap ko yung sinasabi niya perfect sa face niya.

"You provoked me the other day, you want me to do it again?"

"You!" gigil na sabi niya.

"What about me?" Sabay taas ko ng kilay.

"I really don't get you! Don't you know who I am?"

"I don't care who you are!" sagot ko

"We own this school! I can get you out of this school whenever I want!" he proudly said.

"So?" I responded.

"So you better watch you're attitude" and then umalis sya.

Duh.

Like I'm scared. So what kung siya may-ari ng school,may mga grounds para makick out ako, baliw ba sya, hindi ako papayag na ganun-ganun lang.

Badtrip! He reminded me of my Kuya Kai. Speaking of my Kuya Kai, need ko na din magready sa paguwi nila galing sa business trip, malalagot ako dun at baka pilitin pa ako umuwi sa bahay.

Ang dami ko dapat isipin kaya dapat hindi ko masyado pinuproblema to Manalac na to.


♥♥♥♥♥♥


Mukhang masasayang pagpasok ko ngayon, may halimaw na sumalubong sa akin kanina tapos wala kami professor kaninang umaga at wala pa din ngayon, pero ok lang it means hindi ko makikita si yabang,

(^_^)

mukang stress free ako ngayong buong maghapon kaso hindi ko din makikita si Zak,

(-_-)

kaya buti pang mag aliw-aliw muna ako!



Gusto ko nga sana isama si Diane kaso need niya pa daw magduty sa registrar.



So loner ako ngayon..



ulit, sabagay sanay nanaman ako.




Lakad dito



Lakad doon



Lakad dito



Lakad doon



Hanggang sa nakita ko si Zak!


Si Zak nga! Pumasok siya sa gym, oo nga pala, member siya ng basketball team ng school namin baka may practice sila ngayon.

Syempre, pumasok ako sa loob, pagkakataon ko na ito mapanuod siya magbasketball.

Pagpasok ako ng gym, marami din ang nanunuod, puro babae. Naupo ako sa bandang taas nung mga nagkukumpulan na babae, pmwesto ako malapit sa poste para hindi ako makita ni Zak.

Pagkaupo ko hinananap ko kung nasaan siya at maya-maya nakita ko siya na. nagdridribol ng bola.

Bawat shoot at pasa niya ng bola sinusundan ko ng tingin at bawat shoot niya din, tilian ng tilian 'tong mga nasa baba ko, akala mo championship ung pinanunuod nila, eh practice lang naman.

Nang matapos yung practice nila, dali-dali ako lumabas ng gym, ayoko malaman ni Zak na nanuod ako ng practice nila, nakakahiya.

Dahil sa pagmamadali ko, hindi ko napansin na may pasalubong pala na naglalakad papasok naman ng gym at sa kasamaang palad,



BO~GSH



Next time I knew parehas kami nagkabanggaan, kaso ang malas nga lang kasi nabagsak yung cellphone nung nabungo ko, mukang nagtetext siya kaya hindi niya ako nakita na naglalakad.

Pinulot ko agad yung cellphone niya at ..

"IKAW!" sabay kami napasigaw



Sino pa ba? eh di si yabang nanaman.

"Grabe, hindi ka ba talaga marunong tumingin sa dinadaanan mo?" bulyaw niya.

Magsosorry na dapat ako, alam ko naman na kasalanan ko pero tama ba na sigawan niya ako.

"AKO? eh kung hindi ka nagtetext habang naglalakad, hindi sana hindi tayo magkakabunguan!" sagot ko.

"Ako pa ngayon may kasalanan? Eh ikaw na lang ang nakabunggo?" bulyaw na tanong niya

"Oo na! Dalawa na tayo may kasalanan" sagot ko

"Anong dalawa? Ikaw lang!" pagmamatigas na sabi niya.

"Hoy! Dalawa tayo! Kung hindi ka sana nagtetext malamang hindi tayo magkakabunguan!" sagot ko.

"YOU!!!!!!!!" gigil niya pagkakasabi.


Tinignan ko lang siya ng masama at umalis na ako.

Alam ko naman na may kasalanan ako kaya lang nakakaasar kaya, nakakawala gana magsorry, bahala siya!









► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ►



Author's Note:



Thank you po sa nakakaappreciate ng ginagawa ko :)



◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄

Hate Love at First Sight [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon