23 ♥ Accident?

546 26 13
                                    

♀ Clint's Point of View ♀

"Wag ka nga makulit! Mabubunggo tayo nito eh!"

At biglang..

SCREEEEEEEEEEECCCCCHHHHHHHHHHH~

Shit.

Grabe yung kaba ko.

Bigla ako napapreno.

Buti na lang mabagal ang takbo ko, bigla ako kinabahan dun sa narinig namin, may nagbungguan pala mga kotse, 3 cars away mula sa amin, tinignan ko agad 'tong katabi ko na sobrang namumula at nakatulala, hindi ko pa din mastart yung makina ng sasakyan ko, pati ako nagulat sa nangyari. Natauhan lang ako ng may dumaang ambulance.

Tumingin ako ulit kay amazona, "Are you alright?" tanong ko.

She just nodded. Shit, bakit hindi siya naimik.

"Are you hurt?! Are you ok?! Ano tara dalhin na kita sa hospital!" sabay hawak ko sa kanya, tinigan ko mabuti kung may galos ba siya or what.

"HAHAHAHAHA! OA ka ha" at bigla siya tumawa.

Weird. Baliw talaga ito babae na 'to,"Tumigil ka nga! Akala ko pa naman napano ka na!"

Nagkatinginan kami kasi kasalukuyan pa din ako nakahawak sa mga braso niya kaya agad-agad naman ako bumitaw at napahawak na lang sa ulo ko.

"Nagulat lang din ako, akala ko kasi tayo yung maaksidente,

tapos...

ang kulit ko pa kanina...

... sorry Clint." sabay tungo niya.

Kitang-kita ko yung pamumula niya. Para siyang bata kung magsorry. Yung mukha niya hindi ko maexplain, basta ang cute. Hindi ko din ineexpect na magsosorry siya, based kasi sa mga nakuha ko information, may pagkabrat pala 'to amazona na to. Nahirapan nga ako kumuha ng information sa kanya, based kasi sa private investigator ko, malinis yung pagfafake nila ng documents, buti na lang talaga at nakuhaan siya ng mga litrato kasama yung kuya niya at mga kaibigan nito. I am really curious about this girl, para bang, ewan, hindi ko din alam.

"It's ok. Let's go?" tanong ko sa kanya.

She nodded and said "Sana wala nasaktan o namatay sa kanila, kawawa naman sila at yung mga maiiwan nila."

Napansin ko na parang biglang nalungkot si Klea, masyado siguro talaga siya nagulat doon sa aksidente kanina.

"Let's pray na ganoon nga sana."

"Sana."

Weird talaga ng babae na 'to. Ang bilis magshift ng mood.

"Ano tara na?"

Pagkatungo niya ay pinaandar ko na ulit ang sasakyan ko. Dahil sa aksidente, nagdulot ng pagbuhol-buhol ng sasakyan at naipit kami sa traffic, hindi naman kami makaikot agad kasi bawal mag u-turn dito.

"Pwede ba na wag ka palipat-lipat ng station?" tanong ko sa kanya

"Eh ang panget ng mga kanta eh" sagot niya

Almost 1 hour na kami naipit sa traffic at almost 1 hour niya na ginagawa yung paglipat-lipat ng radio station.

"Klea! Hindi ka makatapos ng kanta. Please stop!"

"Ang panget nga kasi ng mga kanta"

Ang lakas din talaga ng kabaliwan ng babae na 'to. Papakinggan yung kanta, ay hindi lang pala pinapakinggan, sumasabay pa siya. Buti ba kung maganda yung boses eh. >.<

"Lahat panget?" tanong ko

"Oo."

At dahil sa nagdridrive ako, wala naman ako magawa at kung hindi pabayaan na lang siya.

♫ So I cross my heart, and I hope to die, that I'll ♫

"Ayan, Ok na yan. Wag mo lilipat Klea!" Pagpigil ko kay Klea, na sa kasamang palad ay nalipat na pala niya.

"Ay sorry nalipat ko na."

"Ibalik mo!" utos ko

"Ayaw, nalipat ko na eh! Ang layo na, nalagpasan ko na!"

Grabe! Ang tigas talaga ng ulo! "Ibalik mo! Dalian mo, matatapos na yun!" utos ko.

"Matatapos na pala eh. Wala na yun." sagot niya.

Tinignan ko siya ng masama kaya hinanap naman niya pabalik yung kanta na tinutugtog sa radio station.

♫ And I know I've said it a million times,

But I'll only stay with you one more night ♫

"Sabi na sayo tapos na eh!" sabi niya

At pagkalipat niya, tsaka naman patapos na yung kanta,"Eh sabi kasi sayo na ilipat mo na kanina pa!"

"Eh lumagpas na eh, malay ko pa kung ano radio station yun." sagot niya

Grabe talaga! Hindi siya nauubusan ng dahilan! "PATAYIN MO NA YAN!" bulyaw ko

"Oo na, Highblood ka naman." Sabay off niya ng radio.

Hanggang sa hindi ko na napansin na tulog na pala siya, natulo pa ata laway. hahahaha!

"Hoy gising!"

Ang himbing niya naman matulog. Sinundot ko pa ng daliri ko yung mukha niya. Ayaw pa din magising. Nakakatuwa pala matulog itong amazona na 'to, ang amo ng mukha niya. Parang hindi bagay sa personality niya.

Hanggang sa hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya, ang ganda pala niya lalo sa malapitan, ang ganda ng pilikmata at hugis ng ilong, yung mga labi niya, parang ang lambot at yung mga mata niya.. Shit! Ano ba 'to iniisip ko, sa hindi malamang dahilan para may kung ano ang humihila sa akin palapit sa mukha niya.

Ang lakas din ng kaba ng dibdib ko. Hindi ko malaman kung bakit ganito, hindi ko mapigilan sarili ko..

Hanggang sa palapit na ng palapit ako sa mukha niya..

At ng malapit na ako sa mukha niya,

♪ Cell phone ringing ♪

♀ Klea's Point of View ♀

♪ Cell phone ringing ♪

Bigla ako nagising ng bigla tumunog yung cellphone ko,

✆Ate Kaye Calling✆

Nagulat na lang ako ng nakita ko si Clint na hawak yung ulo niya, mukang nauntog ata sa bubong ng sasakyan niya.

"What happened to you?" tanong ko sa kanya.

"Wala! Bumaba ka na, nandito na tayo, kanina pa kita ginigising!" bulyaw niya.

Init nanaman ng ulo. Parang tinatanong lang eh.

♪ Cell phone ringing ♪

Tinignan ko yung cellphone, ay si Ate Kaye natawag pala.

"Ah eh. Sorry nga pala ha at thank you na din!" sabay baba ko sa kotse niya.

Agad ko naman sinagot yung tawag sa cell phone ko, ni hindi pa nga ako nakakapasok sa loob ng building,

"Ate Kaye?"

"Klee--aaa"

Wala ako masyado maintindihan, garalgal yung boses niya. Wait. Is she crying?

"Ate! What's wrong? Umiiyak ka ba?"

"Kleea-a, Marco dumped me."

Oh no, but why, I know Marco loves my Ate very much. "What happened"

"Lolo"

► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ►

Author's Note:

Sorry guys at kung ngayon lang nagupdate, nagrevised din kasi ako, kaso sa kasamaang palad, yung iba chapters na nirevised ko hindi nagupdate, dahil din ata sa bagal ng internet connection ko.

T_T

◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄

Hate Love at First Sight [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon