♀ Clint's Point of View ♀
"Is she really a girl? Ang sakit ng pagkakasuntok niya sa akin. Until now, I really can't believe that someone punched me"
Nandito ako ngayon sa may usual hangout place namin habang nilalagyan ng ice pack yung mukha ko. Kasama ko yung ng mga loko-loko kong kaibigan na walang ginawa kung hindi tawanan at asarin ako.
Pasalamat sya wala ako galos.
Paano na lang ito kagwapuhan ko? Psh.
At the first place, it's not my fault that she's stupid.
"Ouch pare!"may paghawak pa sa mukha nalalaman to si Nate, kung siya kaya suntukin ko, tignan lang natin.
"Masakit ba?"kunwari concern pa to si Tristan pero siya yung napakalakas tumawa kanina nung sinuntok ako.
"Ok ka lang dude?" sabay takip sa likod ko ni Mike.
Kasama ko kasi sila kanina nung nasalubong ko yung tatanga-tangang babae na yun at nakita nila ang lahat. Kaya ayaw nila ako tigilan sa pangaasar.
"CAN YOU PLEASE SHUT THE FVCK UP? Baka gusto ninyo kayo ang masuntok ko?" bulyaw ko sa kanila.
Alam ko din naman na titigil 'tong mga 'to kasi alam nila na madaling uminit ulo ko at alam nila ang pwede ko gawin pag nagalit ako.
"Ikaw man dude binibiro ka lang namin" sabay bawi ni Nate.
"Concern lang naman kami sayo"dagdag ni Tristan.
"Oo nga pala dude, una na kami may klase pa kami"sabay tayo ni Mike at sumunod na din yun dalawa kumag.
Pagkaalis nila maya-maya bumukas yung pintuan, akala ko pa naman matatahimik na ako.
"Brad, nasalubong namin sila Nate, nasuntok ka daw" sabay upo ni Zak sa sofa.
"ng babae." sabay tawa ni Jake.
Zak and Jake are my cousins, we grew up together and studied at the same school, well, except for high school when my Mom and Dad dragged me to California, dapat doon na din ako magcocollege kaya lang pinauwi ako ni Lolo kasi gusto niya daw makasama lahat ng apo niya.
Kaming tatlo hindi lang kami basta magpipinsan, para na din kami magkakapatid. Kilalang-kilala na namin ang bawat isa, kahit yata nunal at balat alam naman kung saan nakalagay. Simula pa nung mga bata kami ay wala makapaghiwalay sa aming tatlo, nakakahiya man sabihin pero dati ay sabay-sabay kami naliligo.
"Hindi sya basta babae, believe me. She's like an... amazona! Tama amazona! Lagi pa siya nakasigaw" sagot ko.
"Is she pretty?" tanong ni Jake
"Hindi."
"Weh?"
Ayaw pa maniwala nito ni Jake. Siya ang pinakababaero at pinakamaloko sa aming tatlo. Wala ako masabi sa kanya pagdating sa mga babae. Kahit yata poste na lagyan mo ng palda, popormahan niyan.
"Oo nga, ask Zak, classmate namin yun."irita ko sagot.
"Wala naman tayo amazona na classmate ha." sagot ni Zak
Way to go Zak, kahit kelan, hindi talaga 'to marunong makisama. Compared among the three of us, si Zak ang pinakamabait at napakafriendly, minsan nga lang may sarili mundo.
"The one who shouted when the bell rang" paalala ko.
"Ah, really? si Klea? She punched you?"mukhang di pa makapaniwala si Zak
"Oo nga!" inis na sagot ko.
"C'mon guys, Is she pretty?" tanong ulit ni Jake
"Yep. Dapat pala hindi na kita pinuntahan, para nakita ko kung paano niya sinuntok si Clint"sabay tawa ni Zak.
Sa totoo lang, may itsura namin yung amazona na yun, pero sabagay lahat naman ng tao may itsura.
Oo na, well, yes, she's pretty, no wonder natandaan ni Zak yung pangalan niya.
Klea Ordonez
I still remember the first time that my eyes laid upon her, well, nastarstruck ako sa ganda niya.
I really thought that she's an angel, because damn, she really look like one. I felt that time that my heart was beating very unusual, I mean, It was beating so fast, at first, I thought maybe because of too much coffee that I took that morning.
She was wearing a white shirt with black cardigan and fitted black jeans.
Her angelic face..
Her smile..
Her..
FVCK!
What am I thinking?
Should I be mad at her?
Nakakahiya kaya yung ginawa niya sa akin, napahiya ako sa madaming tao at sa harap ng mga kaibigan ko. Aanhin niya yung mala-angelic face niya kung yung asta naman niya parang siga?
Parang hindi bagay.
"Malabo ba mata mo Zak?" tanong ko.
"Admit it brad and she seems funny."at tumayo na si Zak.
"So maganda nga? Pakilala niyo naman ako." pangungulit ni Jake.
Naglakad papuntang refrigerator si Zak, kumuha ng soda at bigla nagsalita "Papasok na ako, ikaw ba Clint?"
"Hindi na ako papasok. Tinatamad na ako. Bukas na lang." sagot ko kay Zak, nakakawalang gana pumasok, ayoko makita ngayon yung amazona na yun, enough na nasuntok niya ako.
"Alright. Una na ako. Jake sabay ka?"tanong ulit ni Zak.
"Nope. Tinatamad din ako, wala ako babaeng blockmate." panghihinayang na sagot ni Jake.
"Sipag niyo talagang dalawa." sabay sarado ng pinto ng refrigerator at dumiretsong palabas ng pintuan si Zak.
"Masyado talaga seryoso 'to si Zak takot kasi kay tito eh " sabay tawa niya,
"Maaga pa, so ano na gagawin natin Clint? Let's go to the bar! " dagdag niya.
"She have to face my wrath! Gaganti ako!"
"Ha? Gaganti?" tanong ni jake.
"Lalo ko sya bwibwisitin. Tama. I'll make her pay. Katulad ng ginagawa niya sa akin ngayon!"
Tama! Hindi niya kilala kinakalaban niya.
"Brad, are you sure? Babae yun."
"So?"
"Ang babae brad minamahal, hindi sinasaktan."
"Look who's talking. Eh napakaplayboy mo."
"Lahat naman sila minahal ko." depensa ni Jake.
"Bahala ka nga dyan, I need to to, see you."
► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ►
Author's Note:
Si Clint nasa sidebar :)
◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄
BINABASA MO ANG
Hate Love at First Sight [On-Going]
Teen FictionI have this IDEA, so I can live DIFFERENT from the life that I was brought up, until I met this guy who is insensitive, conceited and spoiled. And now, lahat ng plano ko mukhang hindi matutuloy, dahil sa lalakeng ito :(