30 ♥ Party at New York

496 24 14
                                    

"Klea, we're here!" 

"Klea?"

"Ay sorry, Kuya Kai!"

"Are you sure that you're alright? Ok lang sa akin na ako na lang ang pumasok sa loob."

"Yes kuya, ok lang nga ako."

"Good. Kasi kung nagkataon sayang naman pagpunta mo dito sa New York at paghihintay ko sa pagbibihis mo ng almost 3 hours."sabay tawa sa akin ni Kuya Kai habang kinukuha yung susi ng kotse at tinatanggal yung seatbelt niya.

Nandito ako ngayon sa New York, just to do a cover for my Ate Kaye, dapat kasi siya yung kasama ni Kuya Kai dito ngayon, kaso may prior commitment na daw siya, so since start na ng semestral break ay umuo na lang din ako at wala din naman akong magagawa.

Tinignan ko lang si Kuya Kai na nasa bandang kaliwa ko at sabay pagtanggal din ng seatbelt ko.

Tumigil siya sa pagtawa at tumingin sa akin na nakakunot ang noo, maya-maya ay pinatong nito ang mga kamay niya sa noo at leeg ko.

"Weird, wala ka namang sakit."sabay baba ng kamay niya.

Ewan ko ba, tinatamad lang din siguro ako kasi, sembreak na. Ang bilis lang pala ng isang semester. Sa loob ng isang semester, ang dami na din nangyari, well, I think somewhat, nakamove on na ako kay Zak, na friends lang talaga kami, feeling ko din mas naging matured na ako, medyo sanay na din ako magcommute at at ang dami ko din natutunan like nakakapag-pabait pala ng tao yung pagkain ng chinese food malapit sa school. After kasi ng pagtake-out namin at pagdinner namin ni Clint sa may rooftop ng Department of Physics sa school  ay kinabukasan pinacancel na niya yung deal namin about dun sa pagiging slave ko at wala siyang pinagsabihan about sa pagiging “Perez” ko. Oh diba, napaka-powerful nung chinese food, kaya eversince, yung dinner namin nun, nasundan pa ng nasundan, minsan hindi nga lang dinner kami magkasabay, may mga times na pati breakfast and lunch. Feeling ko tul---

"Klea! Are you daydreaming again?" sabay yugyog sa akin ni kuya Kai.

"Kuya naman eh! Please don't do that again, nakakairita kaya, feeling ko matatangal yung braso ko sa katawan ko eh, atska yung damit ko, baka mapunit sa lakas ng pagshake mo sa akin"  sabay ayos ko ng suot kong kulay asul na cap-sleeve gown.

"Tulala ka kasi. Ano ba yang iniisip mo? Ilang araw ka na ganyan? Hmm. Wait, are you seeing someone?" pasigaw na tanong sa akin ni Kuya Kai na halos ikasira ng ear drums ko.

"Ha? Ano? OA ka nanaman kuya eh. Wala nga, may jetlag lang ako. Let's drop it, ok? Jetlag lang 'to!" sagot ko sa kuya kong OA kung makareact. 

"Hmm.." sabay tingala niya sa salamin na nakasabit sa unahan ng kotse at inaayos yung bow tie na suot niya,

".. Ok if you said so. Tara na!" at binuksan niya yung pinto ng kotse sa bandang kaliwa niya at binuksan ko na din yung pintuan sa may kanan ko at bumaba.

♥ ♥ ♥ ♥ ♥

"Good evening!  May I know your names please?" bati sa amin ng isang babae na naka white long sleeve na nakatuck in with her black pencil cut skirt.

"Anthony Kai and Andrea Klarrise Perez please. " sagot ni kuya.

Tumango ito sabay ngiti  at tumingin sa amin, sabay tingin ulit sa ipad na hawak niya at binalik ulit sa amin ang tingin at binati kami "Welcome to Adelson Residence, Mr. and Miss Perez! Enjoy the party!"

"Thank you!" sagot ulit ni kuya.

Pagpasok naman sa pintuan ay iba't-ibang nationality ng tao ang bumungad sa amin, may mga french, english, american, japanesse, chinese, korean, indian, at madami pa iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate Love at First Sight [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon