27 ♥ Unexpected Trip Part 3/3

480 29 16
                                    

“Fuck! Nag-over heat!” sigaw ni yabang habang nakatayo sa harap ng kotse niya.

Nasaan na ba kami ngayon?

Hindi ko din alam, may dinaanan pa kasi kanina si yabang sa, ewan ko, hindi ko din na matandaan, medyo natagalan din kami kasi hinintay niya pa yung tao at idagdag pa na naipit kami sa bonggang traffic, nung  paexit bayan na dinaanan namin.

Kaya ito kami ngayon, 12:30 am, nasa gitna ng kawalan, alam mo yung feeling na pagod na pagod at gutom na gutom ka na? 

Buti na lang pala nakaligo ako kanina sa sports center bago umalis at nakapagpalit ng damit, kaya from maong short and white shirt na suot ko kaninang umaga naka jogging pants and white shirt na may tatak ng sport's center yung suot ko, medyo may kalakihan pa nga sa akin yung size nung shirt.

Tumingin ako sa sky, walang stars, mukang uulan pa ata. Lumingon ako sa magkabilang direksyon ng kinatitirikan ng kotse ni yabang, walang dumadaang sasakyan o any signs ng mga tao , tanging sounds lang ng mga crickets at hampas ng hangin sa mga naglalakihang puno ang naririnig ko. Medyo natatakot na ako, ganitong-ganito yung napapanuod ko sa mga horror movies eh, naalala ko tuloy yung wrong turn.

Fudge!

Hinila ko yung dulo ng suot niya shirt "Let’s get inside please”

“Yes you must get inside, i-lock mo yung pinto, wag ka lalabas ng kotse, unless it’s me” sabay tulak niya sa akin sa pinto.

No~ way!

Hindi ako papayag maiwan mag-isa dito!

At saan naman siya pupunta?

Paano pag hindi na siya nakabalik at napatay na pala siya?

Oh no!

Ano ba 'to, advance nanaman ako magisip!

Pero natatakot na talaga ako sobra, swear, ganitong-ganito kasi yung napapanuod ko sa mga naiistranded  sa mga liblib na lugar tapos ang ending ay napapatay eh!

“Aaa-yaw ko.” sabay pagpigil ko sa kanya sa pagbukas ng pinto.

“Bakit mamimiss mo ko? Saglit lang naman eh” sabay tawa niya.

“Asa ka naman. Tumawag ka na lang ng kahit sino kakilala mo.” sabay talikod ko sa kanya at binuksan ko yung pintuan ng kotse niya.

“My phone’s drained.” sabay itinaas niya yung hawak niyang cell phone.

Shoot!

Eh dead batt na din yung cell phone ko, sinagad ko na yung battery kakalaro kanina, nabored kasi ako kakahintay.

Paano na ‘to?

“Sama na lang ako sayo”

“Huwag na. Stay here. Baka umulan eh”

“No! Sasama ako kahit saan ka pumunta!” pagmamatigas ko.

“May pagkaclingy ka pala ”sabay ngisi niya.

Hindi ko naman napansin na nakahawak na pala ako sa kanang braso niya, hindi lang basta nakahawak, nakasiksik pa talaga ako, agad-agad naman ako bumitiw pagkapuna niya.

“Natatakot lang ako, nothing else” paliwanag ko.

”Ok. If you said so” sabay kuha niya ng car keys at pinindot yung car alarm button, to make sure na nakalock yung car niya.

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ 

Hindi pa kami masyado nakakalayo ng biglang bumuhos yung ulan, sumilong naman kami agad dun sa mga naglalakihang puno,

“Shit! Naabutan pa tayo ng ulan!” sabi ni yabang habang pilit na pinapatuyo ng kamay niya yung buhok niya.  

Para siyang aso na nagpapatuyo ng balahibo. HAHAHAHA!

Ang sama ko naman magisip. HAHAHA. Pero hindi ko talaga alam, masaya lang ako kasi umuulan.

“Why are you smiling? Nabasa na tayo ng ulan, masaya ka pa. Weird” sabay smirk niya.

Tinignan ko lang siya at tumakbo ulit sa kalsada, tinaas ko pa yung dalawa kong kamay at paikot-ikot sa gitna ng kalsada habang patuloy pa din na bumabagsak yung ulan ng biglang…

“Bitawan mo nga ako!” nagpupumiglas pa din ako habang hinila niya ako sa ilalim ng puno, medyo nababasa pa din naman kami ng ulan, pero hindi ganun kalakas.

“Baliw ka talaga no? Kalsada yan tapos umuulan, baka masagasaan at magkasakit ka!” sigaw niya.

Napatingin ako sa kanya, basa na din siya, as in basang-basa compared kanina.

“Wala nga dumadaan na sasakyan eh, impossible na may sumagasa sa akin! At syempre iilag ako!”

“Baliw ka talaga amazona ka! Paano kung meron? At sa lakas ng ulan na yan, di ka mapapansin, zero visibility kaya yung road!”

“Di yan! Sagasa agad? Atsaka ang KJ mo, parang maliligo lang sa ulan!”

“At ngayon mo pa talaga napili maligo sa ulan? Kung kelan stranded tayo?”

“Eh basta. Atska basa na din naman ako ng ulan eh!”

“Magkakasakit ka niyan! Ang dami kaya nating ginawa kanina! Baka mapasma ka”

“Ok lang yan, nakaligo naman ako kanina after mo ako alilain eh! Don’t tell me hindi ka naligo kanina? Eww ha!”

“Baliw! Of course I did, mahirap lang na magkasakit.”

“Yun naman pala eh” sabay tatakbo na sana ako ulit pabalik sa road, pinigilan nanaman niya ako.

“What?”irita kong tanong sa kanya.

“Baliw ka talaga! Sinabi ko nang wag di ba? Ano ka first time mo maligo sa ulan?”

Makafirst time naman to si yabang, madaming beses na kaya, it’s just, isa ito sa mga gusto ko gawin nung bata pa ako na hindi ko nagawa.

“Hindi no! Maraming beses na din!”

“Really? The way you act, it seems your first time.”

“Hindi nga eh! Pang 5x ko na kaya ‘to! ” sabay roll eyes ko sa kanya.

Tumawa naman siya. Nakakaasar lagi na lang niya ako pinagtatawanan.

“Talagang kailangan may paghawak pa sa tyan habang tumatawa?”

“Ika-w ta-laga amazo-na ka, lagi mo a-ko napa-pa-tawa”at tawa pa din siya ng tawa.

“Ewan ko sayo! Wala naman nakakatawa dun eh!”

“Hindi nga, 5x ka pa lang nakakapaligo sa ulan?”

Tumango ako na nakasimangot. Eh sa totoo na 5x pa lang ako nakakaligo sa ulan. Baka nga pag nalaman ni Daddy, na 5x na ako nakaligo sa ulan. Magalit yung mga yun, mga OA pa naman yun.

“Never mind.(sabay tawa pa din)Oh Tara na?” sabay abot niya ng kamay niya sa akin.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko

“Dun oh”sabay turo niya sa ulan.

► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ►

Author's Note:

Sorry hindi ko na napagsama, wala pa kasi ako tulog, kaya medyo lutang pa ako! :))

Goodnight guys! 

◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄  

Hate Love at First Sight [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon