Nandito kami ngayon sa supermarket, pagkasign na pagkasign niya kasi ng agreement, agad-agad siya nagpasama sa supermarket para daw bumili ng stocks nila para sa tambayan nila.
"Dun tayo sa chips section." utos niya.
At tinulak ko nga yung push cart papunta sa chips section at ako talaga pinagtulak niya, ano pa daw ba yung silbi ko kung hindi ako magtutulak ng push cart anyway neenjoy ko naman pagtutulak ng push cart, naalala ko tuloy nung bata pa ako, mga 6 years old ata ako,yung first and last time ko sumakay sa push cart, nung sinama ako ni Mommy,
Si Mommy, pag naalala ko...
"Oh bat ganyan muka mo? Pinagtutulak lang kita ng push cart ha"
"Masama?" Then tinaasan ko siya ng kilay.
Tumawa lang siya. Ayan nanaman siya parang baliw.
"Bakit ba ang saya mo? Kanina ka pa makatawa dyan ha?" tanong ko.
"Masama?"sagot niya.
Baliw talaga ‘to, ginaya pa yung sagot ko.
"Anong chips kukunin ko?" tanong ko sa kanya.
"Kahit ano, damihan mo."
At kumuha nga ako ng kahit ano, bahala siya kung gusto ba niya or what.
"Andrea Klarisse Perez!" tawag niya
Nakakaasar 'to yabang na to, baka may mapadpad na classmate namin o nakakakilala sa akin na taga school namin dito.
"Hoy! Wag mo pagsigawan pangalanan ko!"
"Andrea Klarisse Perez!" pabulong na tawag niya.
"Baliw ka ba? Tumigil ka nga!" sabi ko
"Hindi ko naman sinisigaw ha, pabulong na nga eh" depensa niya
Ang kulit din pala nito ni yabang, parang sira-ulo.
"Are you crazy?"
"Maybe." and then nagsmile siya.
Wow! Si Clint Marcus "Yabang" Manalac ba 'to kasama ko? Did he just smiled at me? Is it just my imagination? At yung smile niya ngayon walong halong pangiinsulto or pagyayabang.
Well in fairness, magpinsan nga sila ni Zak, parehas sila gwapo,
ANO?
What did I said? Gwapo?
Nooooo!
Magsasalamin na ako, lumalabo na ata mata ko!
"Hoy amazona! Ano ba yang tinatanga-tanga mo dyan? I said let’s go!" bulyaw niya.
Si Clint nga to kasama ko, namalikmata lang ako kanina!
♥♥♥♥♥
Nakabalik na kami ngayon sa tambayan nila.
"AYOKO! Pati ba naman yan!" pagtatanggi ko sa utos niya.
"Para naman masulit ko pagiging alipin ko!" sagot niya.
Ang kalat kalat ng tambayan nila. Nagkalat yung mga chips at balat nito, ang dami in can softdrinks at beer.
"Pati ba naman kasi 'to?"
"Eh ano silbi mo? Kayang kaya mo naman yan amazona ka naman"
As if naman na may magagawa ako.
"Oo na!"
Badtrip. Anong oras na gusto ko na umuwi. Supern napagod ako kanina. May maiutos lang, ang dami pa naman kalat.
"May mga maglilinis naman nito. Sila na lang, iba na lang utos mo." baka sakaling makaligtas ako sa paglilinis.
"Nope. Don't worry sinabi ko sa kanila na kayang kaya mo na linisin yan."
Humanda ka talaga sa akin yabang Manalac! Matapos lang ang deal na to!
"Paano ba kayo kumain? at may basurahan naman dito?"
"May sinasabi ka?" tanong niya
"Wala." sagot ko.
After 2 hours natapos din ako, ang kapal din kasi ng lalaki na 'to, nakatayo lang siya, hindi man lang ako tinulungan, after ko pa maglinis pinaayos niya sa akin yung mga pinamili namin.
"Wow! Finally maayos na! Marunong ka pala maglinis."
Para naman may choice ako diba?
Tinignan ko lang siya ng masama.
Hindi ako kumikibo. Ang lagkit na ng pakiramdam ko. Gusto ko na maligo at matulog. Nakakapagod kaya yung ginawa ko wala na ako energy makipagtalo.
"Bingi ka talaga eh no?" sabay upo sa couch niya.
Tinignan ko ulit siya ng masama.
"Hoy!" sigaw niya
Deadma pa din ako.
"Hoy! Kinakausap kita!" bulyaw nia.
Tinakpan ko yung tenga ko sabay sabi, "Nananananannananananananana~" para kunwari wala ako naririnig.
And then bigla niya ako binato ng unan,
"Problema mo? masakit ha!" bulyaw ko sa kanya
"Malambot yan! Wag ka nga maarte!" sagot niya
Siyempre gumanti ako, binato ko din siya ng unan.
"Oh di ba masakit?" tanong ko sa kanya.
"Baliw ka din eh no, ligpitin mo yan! Bilisan mo. Pagkatapos sumunod ka sa akin!" utos niya.
"Clint naman, almost two months mo pa ako pwede utusan. 11pm na oh, paawat ka na!"
Hindi sya kumibo balik nanaman sa poker face niya at bigla tumayo. No choice. Sinundan ko lang sya, papunta kami sa parking lot.
"Clint, don't tell me papalinis mo din kotse mo?" tanong ko, aba malay ko ba, may sira pa naman ulo nito.
"Sakay." utos niya.
Tinignan ko lang siya. Ayoko nga sumakay baka saan pa ako dalhin nito. Mahirap na.
"Ayoko!" sagot ko.
"Sumakay ka na!" utos niya
"Ayoko nga!"
"Sumakay ka na! Hahatid na kita. Gabi na! " sagot niya
Binuksan niya yung pintuan ng kotse at tinulak ako paupo at agad-agad sinuot sa akin yung seatbelt. Napatulala ako kasi magkalapit na yung mukha namin, tapos ang bango niya pa. Hindi ko na napansin na nasa tabi ko na pala siya at sinimulan na buksan yung engine.
Ihahatid niya daw ako. May puso din naman pala to mayabang na to.
"Ah eh, thank you pala Clint."
"Wag ka magfeeling. Hindi naman ako malupit. Panao na lang pag namatay ka, wala na ako alipin." and he smirked.
Binabawi ko na wala pala 'to puso.
"Ibaba mo na ako! Mas gusto ko magpasagasa kesa maging amo ka."
"You don't have a choice umaandar na tayo!"
"Ibaba mo na ako! Sisigaw ako dito!" pananakot ko.
Hindi niya ako pinansin, kaya binababa ko yung salamin ng kotse niya. Pasigaw na sana ako ng pinigilan niya ako at sinara yung bintana.
"Wag ka nga makulit! Mabubungo tayo nito eh!
At biglang..
SCREEEEEEEEEEECCCCCHHHHHHHHHHH~
► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ►
Author's Note:
At dyan po nagtatapos yung story ko! :)
Hahahahaha!
Joke lang! <3
What happened to them?
◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄
![](https://img.wattpad.com/cover/10107051-288-k68175.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate Love at First Sight [On-Going]
Roman pour AdolescentsI have this IDEA, so I can live DIFFERENT from the life that I was brought up, until I met this guy who is insensitive, conceited and spoiled. And now, lahat ng plano ko mukhang hindi matutuloy, dahil sa lalakeng ito :(