I went to my room,
naligo,
changed cloth,
namiss ko itong walk-in closet ko, meron din naman ako sa unit ko kaso mini version nga lang.
I grab my blue dress, pair of a plain black doll shoes and a black sling bag, I need to get ready for a dinner, Kuya Van will treat us, as a celebration na din sa pagkakapublished ng new book niya.
I totally miss my room especially my bed and my babies. Kawawa naman sila hindi ko na sila dinala nung lumipat ako. Nahilig din kasi ako sa stuff toys, since malaki yung bed ko, lahat ng stuff toys ko, tinatabi ko sa pagtulog. I want to take a nap sana ng biglang may kumatok.
"Yes come in"
"Young Lady, hinintay na po kayo ng mga young master sa baba, pinapasabi din po nila na bilisan niyo." said by a woman wearing a black skirt and white long sleeves.
"Alright. Thanks." I responded.
And she left.
As if I have a choice, magagalit yung mga yun pag nalate ako, I stand up and bumaba ako.
♥♥♥♥♥♥
I asked Michael, kung nasaan na sila, he told me na nauna na sila kasi ang tagal ko daw at may dadaanan pa sila,
"Silang apat?" I asked
"Yes young lady" sabay ngiti niya.
I sighed.
Badtrip kanino ako ngayon sasabay alam naman nila wala ako sasakyan.
Since kasi nagdecide ako bumukod, kahit masakit sa loob ko hindi ko nadala ang baby cab ko, a Maserati Granturismo Convertible Cabrio Fendi Special edition, regalo sa akin ni daddy nung 16th birthday ko, kinuha ni kuya Kai and pinanakot niya, hindi niya daw yun ibabalik sa akin hanggang hindi ako umuuwi sa bahay. Inaalam ko nga kung saan niya tinago pero no luck, hindi ko makita.
And then suddenly may inabot sa akin susi si Michael,
"Porsche?"
"Yes young lady, gamitin mo daw po muna sabi ni young master."
Paglabas ko, porsche nga, 2014 porsche 911 Carrera, how did I know? Ito kasi yung car na niregalo ni Ate Kaye kay Kuya Kai nung last birthday niya.
Pagsakay ko may note na nakalagay,
Same place, don't be late, nauna na kami.
PS: Please no scratch, or else I will do the same thing to your car.
♥♥♥♥♥
Pagdating ko sa place, nakareserved kami sa same dine area kung saan kami lagi nakapwesto and as I expected, ako ang nauna.
"Badtrip naman, sabi na eh, wala pa sila." and then I dial my phone.
"Kuya Van, Nandito na ako. Late kayo." I said with an irritated tone.
"Maaga ka lang. I'm on my way may dinaanan lang din ako, don't worry nakausap ko na sila tatlo malapit na din daw." he answered back.
"Ok."
"Alright, make yourself busy" Tumawa siya at binabaan ako.
Great.
As usual, pinagmamadali nila ako pero wala pa sila. Pero pag ako nalate, ako big deal.
After few minutes, dumating na magkasama sila Kuya Kai and Kuya Harvey and sumunod na din si Kuya Van and Kuya Xy with their date.
"Hello everyone, this is Joselle." pakilala ni Kuya Xylar.
"And this is Jane" pagsingit ni Kuya Van.
Tumango lang ako at ngumiti. Kaya pala natagalan, may sinundo pa. Well from their looks, mukhang mga models sila.
Sobrang saya na ng dinner namin, they asked A LOT of question about my new school and how's me being independent.
"So Klea, tell us, ano ba talaga yung dahilan mo bakit mo naisip yang kahibangan na yan at gusto mo na magpakaindependent?" asked by Kuya Kai
Ito nananaman yung walang kamatayang topic namin for the past months. Si Ate Kaye and Daddy pumayag about this, pero 'tong mga kuya ko ayaw pumayag, wala tiwala sa akin na kaya ko magisa.
Actually, we have also decided na wag sasabihin 'to kay lolo. We don't want to give him heart attack, well hindi din naman nagsumbong si Kuya Kai kay Lolo, takot lang niya kay Daddy.
"How many times do we have to talk about this, same reason kuya, I want to explore and have fun."
Tumawa si Kuya Xylar at sinabi "Explore and have fun. Kakapanuod mo yan ng Dora eh"
At tumawa sila ng tumawa.
"Whatever." sagot ko.
"Pero seriously, Hindi ka ba masaya? You get all you want." sabi ni Kuya Xylar.
"Exactly kuya. Hindi ako masaya."I answered back,
Tumahimik sila at nagkatinginan.
"Actually, nagsimula ko 'tong maisip nung pumuntang New York si Ate Kaye, tapos kayo naman naging busy na. Nalungkot ako sobra, alam niyo naman na wala akong kaibigan, maliban sa inyo. Bigla nanaman nagsink in sa akin yung nangyari nung bata pa ako. Natatakot ako na baka dumating sa point na maiwan nanaman ako,I need to get out of my box ngayon pa lang and explore new things para hindi ako matrap." .
Wala sa kanila nagsasalita.
"You know how much I love you guys, its just natatakot ako, hindi naman forever na kayo lang kasama ko. Sooner or later you will start your own families and ako, hindi na ako yung princess niyo." dagdag ko.
Tumungo ako, kasi alam ko any moment baka tumulo na yung mga luha ko.
► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ►
Author's Note:
Hindi naman masyado madrama diba? :)
Ano kaya yung nagyari kay Klea nung bata pa siya?
Nasa sidebar si Klea with his Kuya Kai :)
Enjoy reading guys!
◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄
BINABASA MO ANG
Hate Love at First Sight [On-Going]
Teen FictionI have this IDEA, so I can live DIFFERENT from the life that I was brought up, until I met this guy who is insensitive, conceited and spoiled. And now, lahat ng plano ko mukhang hindi matutuloy, dahil sa lalakeng ito :(