Ara
"Oh Daks bakit petiks ka pa diyan? Hindi ka pa ba nakakapag shower?" Tanong sa akin ni Mika habang inaayos niya yung gamit niya. Katatapos lang namin mag training at nakapag shower na kaming lahat.
"Tapos na. Pero mauna na kayo. Dito muna ako." Sagot ko naman.
"Bakit baks? Ikaw ba ang mag lilinis at mag sasara nitong gym?" Tanong naman sa akin ni Carol.
"Sira! Susunduin daw kasi ako dito ni Thomas. Mag di-dinner daw kasi kami."
"Oooh. Ayon naman pala. Lalandi muna." Dagdag naman ni Kim.
"Oh sige, uuna na kami ha. Mag ingat ka. Kapag hindi ka sinipot ni Thomas, text mo kami. Susunduin ka namin." Dagdag ni Carol.
"Sira! Subukan niya lang akong hindi siputin kokonyatan ko talaga yun!" Sagot ko naman.
Matapos non ay umalis na sila.
Matagal tagal din akong nandito sa gym. Iba't ibang sports na ang nakapag training dito pero si Thomas wala parin. Naririnig ko na yung tiyan ko. Gutom nako. 😥
"Shit. Mukang nagkatotoo ang sabi ni Carol ah. Mukang di nga ako sisiputin ng unano kong boyfriend."
At dahil 9 na ng gabi, hopeless na ako na sisiputin ako ng unanong yun. Aba 6 pa lang andiyan nako! At ang masama pa, hindi man lang nag tetext kung asan na ba siya! Hmmmp! Makauwi na nga lang sa dorm at don na lang ako kakain.
Nakalabas na ako ng school grounds ng biglang may kumulbit sakin out of nowhere.
"Anak ng kabayo! Oh lalakeng best friend ni Dagul pag dating sa height! Ang lakas ng loob mong kulbitin ako matapos mo akong pag intayin ng matagal sa gym!" Singhal ko sa nakakainis na pag mumuka ni Thomas Torres!
"Sorry na, baby. I had to do research pa sa library for our thesis e. Biglaan."
"Hoy! Wag mo akong ma baby-baby! Hindi mo ako anak! At mas lalong hindi kita tatay dahil ang pandak mo! So yun na yon? Hindi ka man lang nag effort makitext? Tsaka anong galing ka sa library? E 8 palang sarado na yun! 9 na oh! Wag mong sabihin na ikaw ang nag sara ng library! Thomas Torres wag mo akong ginagago ha!"
"E kasi nga Ars, nag rese----"
"Wag mo akong sinisigawan! At tigilan mo ako sa mga rason mong yan!" Pag mamaktol ko at mas binilisan ko pa ang paglalakad.
"Wait lang Ars!"
Che. Bilisan mong maglakad para makahabol ka.
"Ara! Wait lang naman!"
"At sayo pa nang galing yang wait na yan Thomas ah! E kanina pa akong nag iintay sayo!"
"Okay fine! Kung ayaw mo akong intayin sa paglalakad, umuwi kang mag isa mo Victonara!" Sagot sa akin ni Thomas at umalis na siya.
"Ikaw pa galit ah! Kapal mo! Unano!" Sagot ko pabalik at nag martsa na papunta sa dorm namin.
~~
"Grabe Vic! Dahan dahan naman sa pagkain! Baka pati kutsara makain mo na rin!"
"Wag mo akong pakealaman, Kim! Gutom ako! Kutis mo yang pakealaman mo!"
"Ay winner yun teh!" Sagot naman ni Carol kaya nabatukan siya ni Kim. Hahaha gatong pa more!
"E bakit daw ba hindi ka sinipot, daks?"
"E kasi nga he had to do some research pa daw for his thesis! Diba't mag ka group sila don ni Papa Jeron mo?" Tanong ko at nakita ko naman na napakunot si Miks.
"E diba andito kaninang 7 si Jeron. Kasama pa nga niya sina Kib, Ricci, Aljun at Dyke. Dahil manliligaw daw si Dyke kay Aduke." Sabat naman ni Kim.