Thomas
"Hay nako! Kahit kailan talaga Thomas na paka bagal mong kumilos!" Yan ang napaka sweet na bungad sa akin ng bestfriend kong si Ara. "Hindi ko naman kasi kasalanan kung mabagal gumamit ng banyo 'tong si Kath! Alangan namang hindi ako maligo ng maayos diba?" Sagot ko at hinampas niya lang ako. "Sabi ko nga e ang bagal ko."
Ganito ang routine naming dalawa simula pag ka bata. Dadaanan niya ako para sabay kaming pumasok at ako naman ang mag hahatid sa kanya pauwi. Oh diba.
"Ara mamayang PE class, manood ka ah. Dun ka umupo sa may bench namin." Mag ka klase kasi kaming dalawa sa PE. "Sus! Pag bi-bitbitin mo lang ako niyang mga towel mo!"
"Hmmm parang ganun na nga." Sinamaan niya ako ng tingin. "Saka siyempre para makita mo mga swabe kong moves." Pag yayabang ko at kunware pa e nag dribble ako ng bola sa harapan niya. "Thomas ang gaslaw gaslaw mo! Oh akin na yang bag ko dito na room ko. Daanan mo na lang ako mamaya para sabay tayong pumunta sa gym." Pag papaalam niya. "Bye!" I said then winked at her.
Ara
"Uyy! Namula siya! Kitang kita namin, Ara! Wag kang tatanggi!" Pang aasar sa akin nina Kim at Mika kahit hindi pa man ako nakakaupo. "Ano ba kayong dalawa? Bestfriends nga lang kami!"
"Bestfriends pero mahal mo." Singit ni Kim at sinamaan ko naman siya ng tingin. "E bakit kailangan mong ihilamos sa muka ko na mahal ko ang bestfriend ko?"
"Para matanggal ang muta mo." Sasagot pa sana ako ulit kaso dumating na ang teacher namin.
Matapos ang mahaba habang kalbaryo sa walang sawang pakikinig ay sa wakas PE class na namin.
"Naks! Girlfriend ang datingan!" Pang aasar sa akin ni Mika. Nag lalaro na kasi si Thomas at heto nga, taga cheer at taga bitbit ako ng tuwalya niya. Pero okay lang, feel na feel ka pagiging girlfriend kunwari.
"Anak ka ng moves mo, Torres! Wooooh!" Sigaw ni Kim at inaalog alog ako! E kasi naman nung naka three points si Thomas, kinindatan niya ako. Punyemas, nakakakilig!
Natapos ang PE class at heto na nga, pauwi na kaming dalawa ni Thomas ngayon.
"Ahmm, Ara.. May itatanong sana ako sayo." OMG Thomas! Kung itatanong mo kung pwedeng manligaw e hindi ka pa man nag sisimula e sinagot na kita! "Sige. Ano ba yun?" OMG!
"Kung bibigyan ka ng regalo, anong gusto mo?" Shet shet! Kapag ba manliligaw kelangang kelangang mag regalo? "Siguro, kwintas na lang tapos yung pendant e yung pangalan ko." Sagot ko at ngumiti siya. Kanino niya kaya yun ibibigay? Ayaw ko naman tanungin. Baka sabihin niya feeling ko sa akin kahit kanina pa akong nag fi-feeling!
**
Sabado ngayon at kahit naka pajama pa lang ako ay bumili ako sa tindahan ni Aling Marie ng mantika. Si Kuya kasi ang mag luluto ng almusal dahil wala si mama.
Habang nag lalakad na ako pauwi ay napa daan ako sa court kung saan kita ko ang topless na si Thomas na papalit sa akin. Susmiyo Marimar! Ulam beh!
"Goodmorning, Thom!" Bati ko sa aking oh-so-yummy na bestfriend. "Mas good ka pa sa morning, Ara!" Sagot niya.
"Ang aga mo naman ata namili, Ara? Akin na nga yang bote ng mantika ako na ang mag dadala." Napaka gentleman mo namang talaga! "E kasi ako ang inutusan ni kuya na bumili neto at siya ang mag luluto ng almusal. Wala si mama e. Saka wag na, ako na mag dadala nito."
Oo Thomas ako na ang mag dadala para naman hindi maharangan ng mga bote ng mantika yang abs mo. And being my bestfriend, hindi niya na ako pinilit pa kasi alam niyang naiinis ako kapag pinipilit ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/69545056-288-k188984.jpg)