"Confirmed! Sabi na e! Kaya palaging pawisan si Thomas kapag nandiyan si Ara! Daig pa natatae!" Sabi ni Jeron pag katapos ikwento ni Mika yung my day ni Thomas. Nakita rin pala nila.
"Kaso lang, bakit naman pa my day my day yang si Thomas? E andito na si Ara oh. Idadaan pa sa my day." Sabi ni Kim. Oo nga naman. "Galing mo Kim naisip mo yon." Sabi ko at binato niya ako ng chips. "Kinilabutan ako nung naisip kong may utak si ate Kim." Sabi naman ni Kianna. Hahahaha!
"Ha! Mag intay kayo. Iba dumiskarte yang si Thomas. Akala niyo lang torpe pero hindi." Sagot ni Kib. Maintindihan.
~~~
Late na ako nagising. Okay lang kasi bakasyon na naman. Ako lang din naman ang tao sa bahay kasi balik trabaho na sila mama, papa at kuya kaya di ako mapapagalitan.
Ting!
Uy, nag chat si Cienne.
( C is for Cienne, A is for Ara )
Cienne Cruz: Ara Hi daw sabi ni Thomas! Yiiiie!
Nanlaki ang mata ko sa aking nabasa.
Ara Galang: Cienne!!! Pati ba naman ikaw!! Huhu
C: aba siyempre! Di porket far away na akesis ay huli na ako sa chika! Go lang girl bagay kaya kayo!! ❤️
A: cienne naman!! Naiilang na nga ako sa thought na inilakad kita sa kanya noon tapos nakikisali ka pa sa pang aasar nila kim
C: gaga! Kalimutan mo na yon! Napaka bata pa naman namin noon e! Tsaka bat ba!! ThomAra shipper ako! Sail sail na!!
At ayon nag offline na siya. Gagang yun, chinat lang ako para asarin ako.
Thomas' POV
Thomas Torres: Ciennnnneeee
Cienne na panget
Hoy pangetCienne Cruz: ano ba bansot!?
T: I hi mo naman ako kay Arsy
C: sinong Arsy?
T: ay wow nakalimot na boo 👎🏼
C: SINO NGA KASI!!!
T: Si Ara Galang ❤️
C: OMG!? 😱
Fo real?
Tangina mo thomas!!!
Bagay kayo!! Ahhhh!
Hoy!!
Seryoso ka ba!?T: oo ano ba
I hi mo nga ako
Head start kumbaga
I'll do the restC: wait
Papano mo muna naging crush si ara??
Arsy pala ❤️T: stop calling her that, ako lang pwede.
C: wow! Jowa mo!?
T: soon 💓
Ilakad moko cienne
My intentions are cleanC: okay, one condition, tell me muna papano mo nga nagustuhan si Ara?
T: okay fine, eto na
Teka kinikilig ako habang nag tatype hihiFlashback.......
"Bro, sali ka ba? May dadayo daw ng basketball." Yaya sakin ni Jeron. "Sige ba. Intayin mo ko diyan sa salas, bihis lang ako." At umupo na ang aking bestieng pikit.
