Lucky 3

79 3 0
                                        

Ara's POV

Dito na kami sa court nag kita kita nina Mika, Kim at Carol. Pag dating namin dito ay nag wa-warm up palang sina Kuya kaya naman sinamantala na ni Kim at lumabas kami para maka pag tuhog tuhog siya ng fishballs.

"Hoy, Kim! Basketball dinayo natin dito hindi pag kain baka nakakalimutan mo! Napaka timawa mo talaga!" Bulyaw ni Carol kay Kim na busyng busy sa pagkain ng fishballs, squidballs, meatballs at kung anu ano pa.

"Wag mo nga akong pakelaman, Carol! Ganito talaga kapag single!" Sagot naman ni Kim.

"Single din naman ako ah." Sagot ni Carol. Napangiti naman kami ni Mika. "Bakit single ka pa rin baks?" Tanong ko kay Carol.

"E kasi...."

"E kasi ano?"

Yumuko lang si Carol.

"E kasi nga..."

"E kasi nga iniintay niyang magustuhan siya ng Kuya Djun mo, Ara!--- Araaaay Carol!" Sa sobrang kadaldalan ni Kimmy ay inapakan ni Carol ang paa niya. Natapon tuloy yung sauce sa ground.

"Ang daldal kasi e." Sabat ni Daks. "Pero seriously, Carol? Si Kuya Djun padin? Ayiiiiiie!" Pang aasar ni Mika kay Carol. Mga bata palang kasi kami e crush na ni Carol si Kuya. Nag pout na lang si Carol at nauna na pumunta sa loob ng court.

"Tamo to si Carol. Sobrang crush kay Kuya iniwan tayo dito." Napa tawa naman yung dalawa sa sinabi ko at sinundan na namin si Carolina sa loob.

"Oh Vic buti naisipan mong manood?" Bungad samin ni Kuya. "Walang panget sa bahay e. Since andito ka, e di dito ako pumunta."

"Tsaka kashe kuya Djun..." Panimula ni Kimmy na chicken skin naman ang inuupakan ngayon. "Papanoorin niya shi Hubby Thomy niya!" Hahampasin ko sana si Kim pero sinundot agad ni Kuya yung tadyang ko. "Kuya ano ba!" Napatawa naman kami. "Kaya talaga kami nanood kasi papanoorin ka ni Carol!" Sinamaan ako ni Carol ng tingin. "Oh? Hi Carol." Bati ng kapatid ko kay Carol. Matik naman na nag blush siya kaya nagtaka naman bigla si kuya.

"Bakit niyo inaasar si Carol?" Clueless na tanong ni Kuya. "Wala, tanga lang yang mga yan ako na naman ang trip." Sasabat pa sana ako kaso nakurit agad ako ni Carol. Kaya imbis na makaimik ako e na pa cringe na lang ako sa sakit. "Lintik lang ang walang ganti, Victonara!" Bulong niya at natawa kami.

"Bro!" Sigaw ng dalawang gwapong papalapit. Bakit ang hot ata lalo ni Thomas ngayon? "Hi, Ara! Kelan ka pa dito? Miss kitaaa!" Natigil lang ang pag de-day dream ko kay Thomas nung tinawag ako ni Jeron at niyakap ako. Nakita ko naman na hinila siya ni Thomas. Ha? Hinila? "Miss you too, Je! Kagabi lang ako dumating." Inasar naman ako ni Jeron na honored daw siya dahil manonood ako ng game nila. Baliw talaga!

"Hi, Vic." Bati ni Thomas. His next moved shocked the living hell out of me. Bumeso siya sa akin. Kita ko naman na nag yakapan si Kuya at Jeron tapos si Mika at Carol naman ay naghampasan habang si Kim ay nanlaki ang mata habang nakasubo sa kanya ang chicken skin na binili niya. "He-hello." Yun na lamang ang nasagot ko.

Fuck. Bakit ba ako nagkaganito? Parang dumaloy ang milyon-milyong boltahe ng kuryente sa katawan ko. Hindi ko mamalayan na nasa court na pala sina Kuya kung hindi pa ako hinampas nung tatlo.

"A-aray naman! Ano ba kayong tatlo! Mga ungas!" Natawa naman sila.

"Ang taray ni Thomas! Hindi nag pakabog sa welcome hug sayo ni Jeron ko!" Sabi ni Mika na halatang kinikilig.

"Gaga!"

"Omg talaga Ara! Lumevel up si Thomas! Nangamoy selos e noh?" Dagdag pa ni Carol at hinampas si Kim.

"Ikaw Carol binati ka lang ni kuya bully ka na!" Tinawanan lang ako ng gaga sa sinabi ko.

Thomas, ano bang pakana yun?

Nagsimula ang game at all through out ay sina Kuya ang lamang. Napakagaling naman kasi nilang tatlo lalong lalo na si Thomas. Sobrang bilis niya kumilos at mang agaw ng bola. Yung totoo, Thom? May lakad ka ba?

"You know what, I've been watching this team play for years pero parang ito yung pinaka magandang game ni Thomas so far." Komento ni Mika.

I just stared at her blankly. 3 years ago simula nung nag punta akong Manila para mag college ay ngayon lang ako umuwi at nakapanood ng basketball game nila Thomas.

"Para kasing inspired e." Dagdag ni Carol at nagtinginan silang tatlo sa akin. Naka shoot si Thomas sa three point line at tumingin siya sa akin sabay ngiti. "Oh, I see the reason why." Sabat ni Kim at nag smirk.

Thom's POV

100-46

Natapos ang game namin at team namin ang nanalo.

"Naks, bro! Ang galing ah!" Komento ni Jeron habang nakaupo dito sa bench namin at nag pupunas ng pawis. Bigla namang nakisali si Kuya Djun na umiinom ng iced water, "Siyempre, andiyan si Victonara e!"

"Heh, mga sira! Aasarin niyo na naman ako kay Ara. Mamaya mailang yan di na ako niyan pansinin." Tumawa lang si kuya Djun. "Bakit ba kasi hindi ka pa umamin sa kapatid ko? ThomAra shipper kaya ako!"

Napakunot ang noo ko. "ThomAra?" Napahalakhak naman si Jeron. "Yeah. We've been shipping you guys. Thomas + Ara = ThomAra!" Nag apir yung dalawa.

Binatukan ko naman ang intsik. "Lahat na lang ng katangahan, Teng! Sabihin ko nga kay tito ibalik ka na sa Binondo!"

"Joke lang." He replied. "Pero yun nga bro, bakit di ka pa umamin kay bunso? Alam naman nating lahat na gusto mo siya pag ka bata." Dagdag ni Djun. "Djun, kaka break pa lang nila ni Tigno e. Siyempre might as well let her move on first."

Napa "Ahhh" na lang si Djun. "E ikaw Djun.." panimula ko. Napatingin naman siya sakin. "Bakit hindi mo pa diskartehan si Carol?" I smiled devilishly. Nanlaki ang mata niya.

"Papano mo alam na crush ko siya!?" Gulat niyang tanong at siniritan ako ng iced water. Si Jeron naman tawa ng tawa. "Kasi the way you look at her, para kang bewitched or something. May sparks e."

He pouted. "Ang sagwa, bruh!" Komento ni Jeron. Hindi naman nakaligtas ang intsik sa hampas ni Djun. "Mga gago! Po-pormahan ko yun sa tamang panahon. Tsaka siyempre, aalamin ko muna mga likes and dislikes niya sa mga lalake..." If you only knew, Djun. Napasmirk ako habang naiisip ko yan.

Hindi ako nag mamadali. Ikaw, Thomas ang dapat mag madali. Next month aalis na si Ara. Babalik na siyang Manila."

Then reality hit me. Oo nga pala, bakasyon lang siya ngayon. It means, next month babalik na siya don at maaaring mag ka ayos sila ni Tigno.

Next thing I knew ay nasa harap ko na si Ara. "Tulala ka diyan, Thomas? Gandiyan ba kapag nag papaulan ng three points? Wag ganyan! Masyado maganda laro kasi e." Pang aasar niya. Nakita ko naman sina Kim at Carol na kasama ai Djun papalabas ng court as well as Jeron and Mika. Kami na lang pala ang natira dito. I saw Djun looking at us and he mouthed "Its your time to shine."

I just smiled at Ara then ginulo ko ang buhok niya. "Tara na nga. Kung anu ano sinasabi mo." Sabi ko tapos nag lakad na kami. Pero hindi basta lakad....

Inakbayan ko siya. For a pagong like me, big deal yun ah. Took me lots of guts kaya!

ThomAra Chronicles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon