Thom's POV
Naglalakad parin kami ni Ara papunta sa bahay nila. Ihahatid ko kasi siya, tapos diretso na ako sa amin. Si Teng na raw ang bahala kina Mika and our friends.
"Ara..." Panimula ko. Ang tahimik kasi e. "Oh bakit?" She answered. Hay, nakakatunaw naman ngumiti to si Ara. "Salamat kasi nanood ka." She laughed. "Wala yun! It's my pleasure. Galing niyo nga e. Nag sisisi tuloy ako kasi hindi ako umuwi noon e di sana mas napanood ko pa kayo ng madaming beses." She pouted. Awwwe, she looks cute. "Sira, may mga susunod pa naman e!" We laughed.
Dead air.
"Araaa. May pupuntahan ka ba bukas?" She stopped walking. "Wala naman. B-bakit?"
Itatanan na kita.
Joke lang! Masasapok ako ni Djun!
"Baka lang gusto mong pumunta sa bayan bukas. May pa games kasi fiestahan." Nanlaki naman ang mata ni Ara. "Fiesta na dito sa atin bukas?!" I nodded. "Hala kaya pala ang daming pinamili ni Mama at ni Kuya kahapon."
"Marami kayong bisita?" Umiling iling lang siya. "E kayo, Thomas?" Umiling rin ako. "Ang squad baka pumunta. Lalo na sa pamumuno ni Kimny."
Dead air.
"Vic, sasama ka?" She smiled. "Oo naman!"
Yes! Yes! May date ako bukas!
"I'll pick you up by 2:30? Attend muna tayong mass before tayo pumunta sa bayan." Oo Ara, sa sobrang seryoso ko sayo, ipapakilala kita agad kay God. "Sure." She was about to enter their gate when I spoke.
"Araaa."
"Thomasss."
"C-can I get your number?"
Para namang nagulat siya sa sinabi ko. Tanga, Thomas! Baka na awkward! "Number ko, Thomas?" She sheepishly asked. "Para saan?""Uhhhm balitaan ba. Text mates? Kasi sila Mika meron akong number nila. E siyempre tropa ka so... You know." Ang bobo mo naman mag pa lusot, Thomas. Yumuko lang si Ara. Halaaa. Nainis ata! E kasi ba naman, naririnig ko sa utak ko ang paalala sakin ni Djun na mag madali ako. Kaya ayan, na pressure ako! "Ah, nevermind na lang Ara. I'll---"
"No. Its okay, Thom. I felt bad lang kanina kasi hindi kita nabigyan ng number ko as well as Jeron. Seloso kasi si Tigs e. Pero wala na naman kami so... Give me your phone. I'll put it there na lang." So I did what I was told. Naniwala siya sa palusot ko! Yes!
"Here. Good night, Thomas! See you!" She waved then pumasok na sa loob ng bakuran nila. Feeling ko talaga araw ko tong araw na to! Nag lalayag ang MV ThomAra! Hindi hopia sila Jeron and the squad sa pag ship nila samin ni Ara.
Wala sa sariling napalundag na lang ako sa saya. Then suddenly.... "T-thom? Thomas!" Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Oo, my chinky eyes widened. May ilalaki pa pala sila.
Si Ara. She opened the mathafucking gate. She saw me jumping like a fool. What the hell, Thomas fucking Torres!
"O-oh, A-ara? Hehe." I scratched the back of my head. Help me, God! "Bakit ka tumatalon, Thom? Okay ka lang ba?" She asked. Damn. She saw it nga. "M-may ano kasi. May ipis! Tangna, takot pa naman ako sa ipis!" Nag nod lang siya. Muka namang na convince ko siya sa palusot 101 ko.
"Bakit nga pala?" I asked. She smiled. I fell.... Harder. "Nakalimutan ko kasi kung anong oras mo ako susunduin." She said. "2:30 Ara. Start kasi ang mass ng 3. Para sure na may maupuan tayo sa simbahan."
"Okidoki, Thomsy! Take care!" At pumasok na ulit ang anghel ng buhay ko sa loob ng bakuran nila. Hay, makauwi na nga.
Ara's POV
The moment na niyaya ako ni Thom na pumunta sa bayan bukas, bigla akong kinilig na ewan! Kaya naman pumayag na ako agad. Asdfghjkl! Date with childhood crush tomorrow! Can't wait. Ugggh! Tapos hiningi niya pa yung number ko! Lord, how to chill po? Hahaha!
Grabe malapag pakilig si Thomas! Yun palanh ang hinagawa niya mamamatay na ako sa kilig. Ngayon gets ko na kung bakit kami shini-ship ng nga kabarkada namin! Ugggh! No chill, ThomAra!
Nasira ang pag daydream ko nung umepal si Kuya. "Oh, Ara. Matulog ka na. Wag ka ng tumalon talon diyan, walang ipis. Wag ka gumaya kay Thomas." Cool na cool na sabi ni Kuya at umupo siya sa sofa sa terrace at uminom ng hot choco. Inirapan ko lang si Kuya. Nakakainis! Nahuli ako ni Kuya! Asungot talaga! Carol, ma turn off ka kay Kuya please.
Lumakad na lang ako as if he saw nothing na as if hindi ako napahiya. When suddenly... My fucking brother spoke, "Sleep well. Kunwari di ko alam na kinikilig ka." Then I heard him laughed. What a brat!
But anyways, its a good day after all. Shet! Can't wait for tomorrow na talaga!