Genesis (I)

238 8 0
                                    

(A/N: in this story, the lady spikers lives in Pampanga)

"Sige na daks! Sumama ka na samin. Maglalaro lang diyan ng voleyball diyan sa court oh!" Pag aaya sakin ni Mika. Ayoko lumaro. Ang lamig lamig kaya tapos gabi na.

"Ayoko, marami pa akong ginagawa." sagot ko.

"Ulul, Ara! Christmas vacation tapos marami kang ginagawa? Wag ako." Sagot ni Kimmy.

At dahil wala akong lusot sa kanila. No choice.

"Sige na sasama na ako."

~~~

Nag start kami ng 7 pm at 10 pm na kami natapos. Ayos din yung laro namin na yon. Nag enjoy ako.

Nag papahinga kami ni daks dito sa gilid habang sila Kim at iba naming tropa ay patuloy pa rin sa paglalaro.

"Uy, Daks! Diba si Jeron yon?" Turo ni Mika kay Jeron na ngayon ay binatang binata na ang itsura at maskulado na siya. Napakalayo niya na sa itsura niya noon na mukang tingting na parang di kumakain. "Pogi niya ngayon ha." Napatingin naman ako ng nakakaloko kay Mika.

"Yung totoo daks, nag abroad ka ba? Parang ang tagal mong di nakikita si Jeron ah." Binatukan niya naman ako. "Gaga! Super busy kaya natin sa school kaya halos ngayon lang ako nakalabas ng ganto. Kung alam ko lang na ganito na ka gwapo si Jeron gabi gabi mag lalaro ako sa court mag isa."

Natawa ako kay Mika. Ang harot talaga! Gabi gabi kasi nag babasketball sina Jeron at mga tropa niya.

"Hoy kayong dalawa. Ang sweet niyo. Kaya kayo napapagkamalan na mag jowa ng mga kabarangay natin e." Puna samin ni Kim.

"Ito kasing si Mika ang landi e. Crush agad si Jeron."

"Uyy selos si Ara." Pang aasar sakin ni KKD.

Binato ko naman ng tsinels si KKD.

"Idol!" Bati samin ni Jeron. Sa sobrang gaslaw kasi ng mga to naagaw namin atensyon nila. "Long time no see ah."

Ngumiti naman ako at siniko ako ni Mika. "Onga e. Jeron, Mika nga pala." Nag hi naman sa kanya si Jeron. To namang si Mika nag pabebe wave. Yuck daks! Hahaha.

"Tapos na ba kayo maglaro? Yayayain sana namin kayo e. Drawing yung mga nakausap namin na dayo sa basketball. Di na dumating."

Tatanggi na sana ako kasi pagod na ako nong siniko ulit ako ni Mika. Di kasi siya makaimik kasi kami talaga ni Jeron ang close. Siya kasi nag turo sakin mag volleyball noong bata pa ako at wala pa akong masyadong kabarkada dito sa Pampanga.

Nagsimula ang game namin. Dapat mag kakampi kami ni Daks. Pero dahil nilamon siya ng love at first sight ay kumampi siya kay Jeron.

"Kim pasaan ka?" Tanong ko kay Kim nung lumabas siya in the middle of the game.

"Di ko na kaya tumuloy. Nasuklo daliri ko." at diretso siyang umupo.

"Pano yan walang setter yung team namin." Tanong ni Carol. "Oo nga." Segunda ko.

"Etong si Thomas, magaling to mag setter." Sabi ni Jeron kay Thomas at ngumuso siya sa direksyon ng team namin. Para namang takot na takot sa kanya si Thom.

Naging setter namin siya at all I can say is magaling siyang mag distribute ng bola.

"Ayos ah. May chemistry!" Pang aasar sa amin ni Jeron.

"Oo nga e. Lahat ng bigay ni Thomas kay Daks, patay!" Dagdag ni Mika at nag apir sila ni Jeron. Moves mo daks, bulok na.

"Mismo naman e. Pag sala si Thomas ang mag bibigay kay Ara, si Ara ang mag bibigay kay Thomas." Pang aasar ni KKD

"Ano yon? Exchange gift? Ako'y sayo at ika'y akin lamang? Ganon?" Dagdag ng negra.

"Oo. Ganon nga Kim. Tapos pag di kayo tumigil, papatayin ko kayo."

Nakakainis kasi. Mukang naiilang si Thomas.

Actually sa totoo lang, close talaga kami niyan noong medyo bata bata pa kami. Yung early years ng pagiging teenager namin. Tapos ako pa naglalakad kay Thomas sa tropa naming si Cienne. Tanda ko noon e may summer league pa. Di makalapit si Thomas kay Cienne kasi nahihiya kay Ate Cha kaya ako ang dumadamoves.

Pero di ko na alam mga sunod na nangyare kasi nag college ako at naging busy. Pero sabi nila basted daw si Thomas kay Cienne. Umalis na kasi Cienne at nag puntang Australia. Pero sabi naman ni Kimmy Dorang chikadora, friends naman daw yung dalawa. hindi ko alam kung bakit awkward kami ni Thomas kahit close na close kami noon. Siguro hindi kami naging in touch.

Nag papahinga na kami nina Mika dito sa basement ng bahay namin. Andito sila ni Kim. Sinamahan nila ako kasi di pa makakauwi sina mama, papa at kuya kasi wala pa silang ticket.

"Daks bagay kayo ni Thomas."

"Onga Ara. Na realize ko yun kanina nung pinapanood ko kayo mag laro. May chemistry talaga kayo." Isa pa tong si Kim.

"Ano baaa. Ang bata bata non tapos inaasar niyo ko don. Tsaka duh, ako naglalakad sa kanila ni Cienne noon tas iaasar niyo ko sa kanya ngayon."

Napatawa naman si Mika at Kim.

"Si Thomas? Bata? Ulul mas bata lang ng one year sayo, daks. Tsaka maliit lang yun kumpara kila Teng, at Kuya Almond pero di na yun bata."

"Tsaka Ara, yung kanila ni Cienne, wala na yun. Tapos na."

"Oh e ano naman?"

"Wala. Ishiship namin kayo nina Teng kasi bagay talaga kayo!" At nagtitili si Kim at Mika. Nakakainis talaga.

Pero sa totoo lang, as years passed na hindi ko nakakausap si Thomas, mas gumwapo siya. Binata na rin siya. Maganda na rin ang katawan niya. Medyo pandak nga lang. Pero pogi--- ay ano ba tong iniisip ko! Di to pwede. Freinds lang kami. Nakakahiya kay Cienne. Tsaka "Ate Ara" tawag niya sakin noon, ate niya lang ako, yun lang. Itutulog ko na lang to. Hays, goodnight.

ThomAra Chronicles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon