Ilang araw na ang lumipas ay nasasanay na ako sa pang aasar sa akin ng barkadahan. Papano ba naman ako hindi masasanay?
Ultimong si Jeron at tropa niya, inaasar na rin ako kay Thomas. Kapag dadaan yung tao, aasarin nila ako. "Uy Ara, baby mo." Ayan. Kagaya niyan. Tambay kasi kami dito sa court. Wala boring sa bahay e. Wala rin namang ibang nag lalaro kaya cool lang kami dito.
Ilang araw ang dumaan at natuto na rin akong makisakay sa biruan. "Sipag naman ng baby ko." Kita ko naman na nag hampasan sina Jeron at Mika pati yung iba naming mga ka tropa.
Madalas pa, sumasali sa amin si Thomas kahit late comer siya. At matic, sa akin siya kumakampi. Wala e, killer kasi talaga ang tandem namin. May chemistry nga talaga kami 😎
Nag decide kaming mag laro. As usual, dumating na si Thomas.
May magandang receive si Dawn, na naiset agad na maganda ni Thomas sa maganda niyang spiker, ako.
Pero napalakas ang palo ko kaya pumunta ito sa kabilang bakod.
"Okay, daks, limot limot. Baka naman."
"Oo na donya Mika."
Papalabas na ako ng biglang, "Ara, ako na." Sabi ni Thomas at ngumiti.
"Yiiiiie! ThomAra is real!" Pang aasar nila sakin. "Mga engot! Wag niyo ko asarin pag nandiyan si Thomas. Malay ko ba kung naiinis na yung tao. Walang emotion palagi yung muka e."
"Ganyan lang talaga yan si Thomas. Pero mabait yan lalo na kapag naka close niyo." Dagdag naman ni Kib.
Matapos ang mag hapon naming pag lalaro ay nag si uwian na kami. Ang boys daw ay attend ng program ng aming barangay. Bata palang ako ay tradition na yun sa aming lugar. May mga kumakanta, sumasayaw at lahat may malaking chance manalo sa raffle.
Pero dahil tamad ako, di na ako umattend. Ganun din sina Mika. Napag pasyahan namin mag inom. Responsible drinkers naman kami e.
"Oh shot na shot na." Pag aaya ni Kib. "Bat ba andito ka Montalbo?" Tanong ni Des. "Siyempre, you over anything else." Sagot ni Kib at kinindatan si Des. Jusko tong mga to, mag liligawan lang sa harap pa talaga namin e.
"Kadiri. Uminom na nga lang kayo!" Asar na sabi ni Kianna. "Suuus. Di ka lang makalandi sa Dudut mo kasi di pauwiin ng coach." Pang aasar ni Kim at sinamaan naman siya ng tingin ni Kianna.
Maya maya pa, nakita namin na dumaan na ang karamihan galing sa program. Tapos na ata.
"Tagal naman dumaan ng baby mo." Sabi ni Mika na busy mamapak ng pulutan. Baby ko? O baka baby niya. "Yaan mo siya. Malaki na siya. Kaya niya na sarili niya."
"Eww Ara. Wala kang ka sweet sweet sa katawan mo. Duh." Inirapan ko naman si Kim, "Bakit mo alam, Kim? Natikman mo na ba ako?" Nanlaki naman ang mata ng mga kasama namin. "HAHAHAHA! Mga itsura niyo."
"Sino ba baby mo, Ara?" Tanong ni Kib. Binato naman siya ni Mika ng Mang Juan. "Seryoso ka ba Montalbo?"
"Kelan ba pinanganak tong manliligaw mo, Des?" Dagdag ni Kianna, "Kahapon?"
"O baka naman obob lang. Kasama palagi tapos di alam." - Kim.
"Ay grabe sila oh. Nag tatanong lang, puro panlalait ang sagot. Sino nga?" Inis na sabi ni Kib.
"Si Thomas!" Sagot nilang lahat.
"Si Thomas? E may girlfriend yun diba?" Takang tanong ni Kib at nag shot. Natigilan naman sila lahat at nag ka tinginan.
"Oh e ano naman?" Pambasag ko sa katahimikan.
"Bobo ka, Montalbo! Bat ngayon mo lang sinabi?" Galit na tanong sa kanya ni Des at binatukan ito. "Alam niyo, kayong mga intsik napaka mapanakit niyo. Ganyan din yang si Jeron sakin--" di niya na natapos ang sasabihin niya ng piningot siya ni Des. "Sinong jowa ni Thomas!? Walang pwedeng sumira sa ship ko!"
"Yung si Zachy."
"Ahhh" sabay sabay nilang sagot.
"Yun yung dancer sa school diba?" Mika.
"Di naman maganda yun e. Mas maganda pa si Ara." Kim.
"Ang walang taste naman ni Thomas." Kianna.
"Malaki lang joga non." Dawn.
"Ewan ko ba. Kayo ang bobo. Di niyo man lang yun napapansin sa school e tayo tayo na lang magkakasama." Dagdag ni Kib. Sa amin kasing mag kakabarkada, ako lang ang iba ang school.
"Fake news ka naman ata, Kib. Ang alam ko break na sila." Sabi ni Kim. "Ewan, ang alam ko sila e."
"Guys ano ba? Tss yung kay Thomas, biruan lang yon, noh. Wala akong balak seryosohin. Pati acads at volleyball priority ko since pag dating ng January sunod sunod na laro namin. Chill lang guys. shot na!"
Pag katapos kong tumagay, saktong dumaan si Thomas.
Ang sakit.....
Ng ulo ko.
Sa ulo ko tumama ang alak.
Sa puso ko tumama si Thomas.
Wala akong kabalak balak ma fall.
Pero wala andito na ako.
Durog.
Tara?
Shot!
