Sitsit

226 9 4
                                    

Ara's POV

Grabe naman. Antok na antok na ako. Bakit ba kasi nauso pa ang hanggang 8 pm na class? Malamang lamang kami na lang yung natitirang estudyante dito. 😑

*Ms. Ara Galang, care to share us your thoughts?*

Kapag minamalas ka nga naman, inaantok ka na, napuna ka pa ng prof niyo.

"Nothing, Miss."

Inirapan naman ako bigla ng prof ko. Kala mo naman maganda siya. "O sige. I'll dismiss you na. Nakakahiya naman kay Ms. Galang. Inaantok na ata siya."

Na pa roll eyes na lang ako. Bwiset na prof yan!

"Akala ko di na matatapos yung klase e. Kaasar di tuloy makagala. Parang gusto pa naman ng katawan ko na gumawa ng something. Yung di ko pa na ta-try." sabi nito habang nag uunat unat. Halatang antok na antok ang gaga.

"Sure ka?" Tanong naman ni Kim na nag aayos ng buhok niya.

"Oy, negi! Ano na naman yang naisip mo?" Sabat ni Carol na nag aayos ng sarili.

"Exciting to! Wag kang sasama ha! Tinawag mo akong negi e!" Sagot ni Kim kaya naman inirapan lang siya ni Carol "Arte mo."

"Pero guys, lets do something or go somehwere nga. Di ko pa feel umuwi. Gusto ko yung may thrill. Yung di ko makakalimutan." Sabi naman ni Thom. Shet pogi niya talaga! Huhu my whoremones won't seem to stop! Yummyness naman kasi e!

Ngumisi naman si Kim. "Gusto niyo ng may thrill? Then let's do this."

Mabilis pa sa kidlat kaming nag sitayuan at sumunod kung saan pupunta si Kim.











"Puta? Anong ginagawa natin dito? Gago diba haunted building to?" Takot na tanong ng intsik.

"Ang duwag mo naman Jeron! Nakaka turn off ka!" Asar na sabi ni Mika sa higante niyang manliligaw.

"Yuck bro. Ang angas mo sa court tapos dito wala kang bayag? Pota ka turn off nga." Sabi naman ni Thom kaya napatawa kami.

"Ano? Pupulaan niyo na lang ba yang intsik beho na yan o papasok tayo sa loob?" Tanong ng naaasar na si Kim.

"E ano ba kasing ginagawa natin dito Kim? Mag 9 pm na oh. Baka mapagalitan tayo." Tanong ko. Sa totoo lang, di naman ako takot sa dilim. Takot akong mamura ng kung sino man lalo't graduating na kami.

"Hindi tayo mapapagalitan dahil malamang sa malamang, yung guard na lang sa mga gates ang natitira. Tsaka sino ba namang roronda dito sa building na to e isolated to sa campus."

"Daming satsat e! Tara na nga sa loob. G na G na ako!" Satsat ni Carol kaya pumasok na lang kami sa loob.

Ang building na to ay mayroong seven floors. May mga nag kaklase naman sa building na to pero di sila nag papaabot ng gabi dahil may mga nag paparamdam nga daw dito lalong lalo na sa 6th floor.......kung saan kami papunta ngayon.

Nag pauli uli kami sa hallway pero wala namang kaming naramdaman or nakitang nakakatakot. Well wala talaga akong makikita or mararamdaman dahil ako lang ang hindi pakitain o paramdamin ng multo sa aming anim.

"Wala namang creepy e. Chika lang ata nila yun para may makapag momol ditong mag syo-syota." Sabi ni Jeron.

"Tara na. Ang boring naman e. Akala ko ba Kim may thrill? Pota nahilo lang sa elevator." Dagdag ni Carol kaya napakamot na lang si Kim sa ulo niya. "E yun ang sabi sabi e."

Nasa loob na kami ng elevator. Pinindot na namin ang ground floor button dahil uuwi na lang kami. Pero sa halip na sa pababa ang punta ng elevator, nag stuck ito sa 7th floor.

ThomAra Chronicles Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon