Author's Note: Eto na po yung pa Halloween Special ko since magiging busy na ako lalo sa mga susunod na araw. Na miss ko lang din mag UD. Thank you rin sa spookify kasi dun ko nakuha yung isa sa mga stories dito. So yun lang. Sana magustuhan niyo po kahit sabaw. God bless! 💖
❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌
"O sige Ara! Ingat ka pauwi ha!"
Pag papaalam sakin ng kabarkada kong si Mika. 1 am na pero pauwi palang ako sa apartment. Kinailangan kasi naming matapos agad ang thesis kasi malapit na ang final defense. Yeah, sleep is life but thesis is lifer.
Mag isa akong nag lalakad sa village. Siyempre 1 am na. Ang lamig tapos ang tahimik. Medyo creepy. Pero buti na lang may nakita akong tao sa labas. Nabawasan ang takot ko kahit papano kasi may kasama ako.
Nung malapit na ako sa "taong" ito, na realize ko na bata pala siya na nag ba-bike paikot ikot dun sa harapan ng bahay nilang patay na lahat ng ilaw. Siguro pasaway tong batang to tapos di makatulog kaya naglalaro sa labas. Nang magkatapat kami ay bigla siyang umimik, "Sobrang lamig" sabi niya at tumawa. Nag madali ako sa pag lalakad dahil ang lamig tapos ang weird nung bata.
"Inuumaga ka ata?" Sabi sakin ni Des, roommate ko. "Kesa naman ginagabi diba?" At sabay kaming napatawa. Dumiretso naman si Des sa cr. Mag sho-shower ata. Baliw talaga tong roomie ko na to, buti di kami nag kaka siraan ng ulo kahit dalawa lang kami dito. Natigil ang pag ka tulala ko ng may nag notif sa messenger ko.
🍻WALWALAN🍻(Group Chat)
Mika: Ara ano naka uwi ka na?
Ara: yes, kayo ba?
Carol: yes mudra home na us!
Kim: tulog ne meh xx
Ara: guys ang weird kanina
Mika: y?
Ara: nag lalakad ako pauwi diba tas may batang nag babike sa harapan ng bahay nila tapos sinabihan ako ng sobrang lamig.
Carol: petmalu ng trip amp 🤘🏻
Kim: hala ara! Mumu yan susundan ka niyan! HAHAHAHA
Ara: tangina niyo damay damay na 'to!🖕🏻
At dahil nainis ako kay Kim ay mas pinili ko ng lamang matulog.
Kinabukasan......
Carol's POV
Hindi ko alam kung anong trip ng prof namin at may Q and A siyang portion. Pero yung sagot mo dapat hindi pang Ms. Universe. Witty dapat. At dahil ako ang pinaka kalog sa barkadahan, ako ang inialay ng mga bruha kong kabarkada.
Prof: And to you, Ms. Carol. Here's your question. Sa kantang paa, tuhod, bakit nilikdangan ang balakang?
Kaloka! Medyo nawindang naman ako sa tanong ni Ma'am. Pero dahil I was born ready ay may maganda agad akong naisip. "Siguro po kasi hati yung katawan ng composer kaya nilikdangan niya ang balakang. I thank you!" At nag palakpakan naman ang aming mga kaklase.
It was 8 pm ng matapos ang class namin. Nag paalaman na din kaming mag kakaibigan dahil pare parehas kaming pagod.
Nag lalakad na ako papunta sa bahay namin ng maramdaman ko na kakaiba ang paligid. Sa tinagal tagal ko ng nag lalakad dito ay ngayon lang ako natakot. Pero dahil pagod na ako at gusto ko ng mag pahinga ay binilisan ko ang aking pag lalakad. Pero may narinig ako....