Ara
"Grabe, Vic! Ang bigat bigat mo pero ang payat payat mo naman! Ano bang meron diyan? Dinala mo ata aparador mo sa Manila papunta dito e!"
Binatukan ko naman ang madaldal na si Thomas.
"Hala sige! Dumakdak ka pa sa donya. Baka gusto mong masisante!" sagot ko naman.
"Pasensya na po Donyo Victonara."
"Hala madali ka, Thomasino! Bilisan mo at ng makauwi na tayo."
Naka piggy back ride kasi ako ngayon kay Thomas. Aba! Kagagawan niya naman e kung bakit buhat niya ang mundo ngayon.
"Hoy Ara-- este donya papano ko nagising kasalanan aber?"
"Kung hindi mo naisip na maligo tayo sa ulan hindi mangyayare to!"
"Kung nag ingat ka sa pagtakbo, hindi ka makakaapak ng basag na shell at hindi sana matataga yang paa mo." sagot niya naman habang patuloy parin sa pag lalakad habang naka piggy back ride ako sa kanya.
"Kung hindi mo ako niyayang maligo sa ulan hindi ako tatakbo at hindi ako makakaapak ng basag na shell at hindi matataga ang paa ko. Na nanahimik ako kanina tapos dumating ka!"
"Asaaaaaar!" Hahaha naiinis na siya. Makikipagbati na nga ako. Baka mamaya ibaba pa ako neto. Di ko carry lumakad ng dumudugo ang paa. Huhu
"Sorry na. Haha madali ka na nga kasi diba, Thomas. Para makapag palit ka ng damit sa bahay, baka sipunin ka. Sayang ka gwapuhan mo kung tutulo tulo naman sipon mo." I said then laughed. Napatawa din naman si Thomas Christopher sa kalokohan ko.
Nang makarating kami sa bahay ay nakita namin si Mama na nag hahanda ng pagkain sa lamesa.
"Oh kayong dalawa! Naligo na naman kayo sa ulanan anoooo. Nako kayong dalawa talaga!" bungad ni Mama. "At ikaw naman Ara hindi ka na nahiya nag pa buhat ka pa kay Thomas. Wala ka bang paa anak?"
Wow ha ang savage ni mama.
"Nakayapak po kasi siya ng basag na shell kasi nag takbuhan po kami kasi inaya ko po siyang maligo sa ulan. Sorry, tita." sagot ni Thomas.
"Nako hijo hindi mo kasalanan. May pag ka clumsy talaga yang si Ara."
Binelatan naman ako ni Thomas.
Abaaaaaa!
"Djun! Halika nga dito!" Pag tawag ni Mama kay Kuya. Agad namang bumaba si Kuya at nakita niya kami ni Thomas na basa. Tumingin naman siya sa akin at nginitian ako ng nakakaloko.
Hehe sabunot sakin mamaya tong
si Kuya."Bakit, ma?"
"Pahiramin mo muna ng damit tong si Thomas. Baka sipunin. Tapos bumaba kayo agad at mag merienda."
"Bayaw lika na dito! Hahaha." at hinila naman niya si Thomas.
Binato ko si Kuya ng tsinelas. Loko to may bayaw bayaw pang nalalaman. Eto namang si Thomas sumama din kay Kuya.
"Oh anak baka mapunit naman labi mo diyan. Cute ba ni Thomas?"
O____O
"Maaaaa!"
"Joke lang. Masyado kang obvious! Magpalit ka na rin ng damit at pumunta ka dito para sabay sabay tayong mag memerienda."
Hay nako. Kaloka si Mama!
Pagkatapos naming magbihis ay nag merienda na kami gaya ng sabi ni Mama kanina. Patuloy parin si kuya sa mga nakakalokong ngiti niya. Nakakaasar!
"Oy Ara. Di ka ba manonood ng laro namin ni Thomas at Jeron sa court mamaya?" tiningnan ko lang si Kuya. "Ano namang lalaruin niyo dun?"
"Ay baka jackstone, Vic! Malamang basketball!" Inirapan ko naman siya. "Ba sa tinagal tagal kong wala dito malay ko ba kung nag ja-jackstone na dito kapag liga!"
Binatukan naman ako ni Kuya. "Sumunod ka na nga lang sa court mamaya!"
Lumabas na si kuya sa kwarto ko. Pinag iisipan ko kung manonood ba ako mamaya.
"Daaaaks!" ka facetime ko si Mika ngayon na kasama si Carol at Kim. Dinumog daw siya nung dalawa sa bahay nila. Haha
"Mikaaaa yung boses!" napatawa naman siya. Hay, miss ko na to.
"Kumusta ka na diyan, Ara?"
"Ha? Sino yung umimik, daks?"
"Ay si Kim pala yun! Carol paki buksan nga yung ilaw.... Yan! Kita mo na ba siya? Aray Kim ah!" E kasi naman patay yung ilaw kanina kaya hindi ko nakita si Kim.
"Okay lang naman ako, Kim. Actually nandito nako sa Pampanga! Kagabi ako dumating!"
"Ahhhh! Finally makaka hang out ka na rin namin Manila girl! Labas tayo mamaya, sige naaaa!" Bukod kasi kay Thomas, Tigno (my ex) at kay Jeron (Pinsan ni Thomas na ka MU ni daks) ay sila yung mga childhood best friends ko na mga babae. Well except for Kim na nag iba na ng pagkatao. Tapos sa aming pito, kami lang ni Tigs yung nag Manila.
"Oo sure! Actually nag yayaya si Kuya na manood tayo ng game nila nina Jeron at Thomas." Nagtinginan naman ng nakakaloko yung tatlo. "Mga gaga yang tinginan niyo ah!" Napatawa naman sila.
"E Yung puso mo, baks?" Tanong naman ni Carol. Kahit kasi napalayo ako sa tatlo e updated kami sa isa't-isa. "Medyo okay na. Ang saya kasi kasama ni Thomas. Kaya nabawasan yung sakit kahit papano. Yung kahit kanina lang ulit kami nag kakita which is by accident e napagaan niya agad pakiramdam ko."
"Ayiiiie ThomAra!!!" sabay sabay naman silang tatlo. -_- "Heto na naman tayo! Best friend ko nga lang yun! Tsaka parang wala naman tayo sa iisang tropa nina Thomas!"
"Best friends? Oh e bakit bigla kang namula?" Daks.
"Baka naman kinikilig kasi nabanggit yung Thomas?" Kim.
"So that explains the rosy cheeks in this blazing heat... I mean blazing fire of love for Thomas." nabatukan naman ni Mika at Kim si Carol. Kung ano ano kasing sinasabi.
"Para kayong mga sira! Bes nga lang kami, kayo talaga! Buti di nasisiraan ng bait sa inyo sila Thomas at Jeron kapag tumatambay kayong lima."
"Hindi talaga. Ang babait kaya namin!" Sagot ni Kim habang kumakain ng gummy bears. "Pero aminin mo crush mo siya noong mga bata pa tayo..."
Oo crush ko siya noon.....
Well hanggang ngayon...
"Hoy Victonara! Day dream ka naman diyan! Ikaw ha!"
"Carol! Hahaha. Osige na bye na sa inyo! Manonood ako ng laro ni Kuya. Kitakits tayo don sa court ah!"
"Ayon naman pala. Sige na. Hoy Kim at Carol, maligo na nga kayo manonood tayo ng laro! Tsaka tong si Ara chi-cheer niya pa si Hubby Thomy niya!"
"Baliw! Umuwi nga kayo sa inyo inyo ng tumino kayo. Sige na bye na!"
"Bye Arabels. See you later!"
Hay, makapag bihis na nga. May papanoorin pa ako.
