I'm your Fairy, You're my Tale

6 0 0
                                    

     Chapter 1

     *Drake's PoV*

    "Kahit anong mangyari wag kayong hihiwalay. Mapanganib ang bundok na ito."sabi nung Head Teacher namin. Camping kasi namin sa Mt.Vinea.

    "Aye aye captain!"sagot namin.

    "Drake nakatingin sayo si Chelsey oh! Pansinin mo naman!"sabi ni Drew saakin kaya napalingon ako kay Chelsey at bigla siyang ngumiti.. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

    "Drew tumigil ka na nga! Kung gusto mo ikaw nalang kay Chelsey."sabi ko sakanya. Tss. Ang kulit talaga netong Drew na ito.

      Ex ko kasi si Chelsey at nakipag break ako sakanya dahil nakita kong may ka flirt siya kaya ayun.. Tapos ayaw pa rin niya akong tigilan pero hindi ko na siya pinapansin.

     Sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang magandang babae.. Sino yun? Sa pagkacurious ng poging si ako ay nilapitan ko ito na kanyang ikinagulat.

     "A-anong ginagawa mo dito binata?"tanong niya saakin. Grabee ang ganda niya!

     "A-ahh nagka-camping k-kami ngayon dito."nauutal kong sagot.

     "Delikado ang lugar na ito.. Mas mabuti kung lisanin nyo na itong lugar na ito."sabi niya at tumalikod na saakin at sa isang iglap ay bigla siyang nawala.

    "D-drake! Andyan ka pala. Baka maiwan ka."sabi ni Chelsey habang naglalakad palapit saakin. Tinignan ko lang siya at nilagpasan.

     Ang ganda nung babae shet! Ano kayang pangalan niya? Mukha siyang diwata!

     "Hoy! Kanina ka pa namin kinakausap lutang ka na naman."sabi ni Drew.

     "ha? Oo!"sabi ko kaya nagtawanan sila..

     "Tangna! Laftrip ka pare!"sabi niya habang tumatawa. Hindi ko siya pinansin at kumain nalang.

     Kinwento ko sakanya yung magandang babae na nakita ko kanina.

      "Pare nagda-drugs ka ba?! Walang ibang tao dito sa bundok na to kung hindi tayo lang!"sabi niya kaya binatukan ko siya.

      "Gagu! Hindi ako adik! Totoo yung nakita ko!"sabi ko sakanya.

      "Antok lang yan pre! Itulog mo nalang yan."sabi niya at humiga na siya.. Humiga na rin ako at natulog na kami...

      Nagising ako dahil sa isang nakakasilaw na liwanag.. Sinundan ko ito hanggang sa nakita ko ulit yung babae.

     "M-miss! Teka!"Sigaw ko at tumakbo palapit sakanya.

     "Hindi Miss ang pangalan ko.. Ako si Zoe."sabi niya..

     "Ahh ganun ba? Ako si D-Drake.."shit! bakit ba ako nauutal pag kaharap ko siya.

     "Binalaan ko na kayo tagalupa."sabi niya.

     "T-teka.. Isa ka bang... D-Di.. Diwata?!"tanong ko at napangiti siya.

      Sheett!! Sobrang ganda niya!

     "Ipagpaumanhin mo pero ako'y aalis na.. Huwag kang mag-alala babantayan ko kayo."sabi niya at bigla siyang nawala..

   Kung totoo ngang diwata siya... Napakswerte ko! Humiga na ulit ako at hindi pa din ako makatulog hanggang sa nagising na sila at naghanda na rin kami para saaming pag alis..

     May paparating daw kasi na bagyo at delikado para sa amin kung aabutin kami ng bagyo dito.

     Nang nasa bus na kami ay nakita ko ulit si.. sino nga ba? Ah yung diwata! Nakalimutan ko ang kanyang pangalan.. Ngumiti siya at kumaway saakin kaya napangiti ako... Babalik ako.. Babalikan kita..

    'Nawa'y magkita tayong muli Drake.'

     T-teka boses niya yun ah! Napatingin ulit ako sa direksyon niya ngunit wala na siya..

     Dahil mahaba pa ang aming byahe ay natulog muna ako...

     "Drake gising."pagdilat ko ay nakita ko ang mukha nung diwata kaya nagulat ako at nahulog ako sa upuan kaya pinagtawanan ako ng mga kaklase ko... Teka... Napatingin ulit ako sa gumising saakin at si Chelsey lang pala yon..

     "I'm sorry Drake! Omyghad! Are you okay?"sabi ni chelsey at lumapit saakin pero tinabig ko lang yung kamay niya at tumayo ako.

    Nakabalik na pala kami sa school.. Lumabas ako sa Bus at ganun din ang iba.. Nagpaalam na ako sa mga kabarkada ko at naglakad na ako pauwi.. Ayaw ko na magpasundo kay Mang Ruben eh.

     "D-Drake.."agad akong napalingon sakanya at nung nakita ko siya ay nagpatuloy ako sa paglalakad..

     "Drake magusap naman tayo oh!"sabi niya at inis ko siyang nilingon.

     "Wala na tayong dapat pagusapan pa Chelsey! Tapos na tayo."sabi ko at nagpara ako ng taxi at sumakay.

    Tinignan ko sa side mirror si Chelsey at nakita ko siyang umiiyak.. It's her fault in the first place so I don't have nothing to worry about.

     Pumasok ako sa bahay ko at dumiretso sa kwarto ko.. Habang nag aayos ako ng gamit ko ay pumasok yung stepmother ko.

    "Don't you know the word knock?"tanong ko sakanya.

    "Sorry wala sa vocabulary ko yun."sabi niya at ngumiti ng peke.

     "What do you want?"Inis na tanong ko sakanya..

     "Gusto lang kita kamustahin."sabi niya.

     "As if you care about me."sabi ko.

     "Kakamustahin ba kita kung wala akong pake sayo? Look Drake I'm trying to be a good mother to you--"

     "I don't need you to be!Kung wala ka nang sasabihin pa pwede ka nang umalis"sabi ko habang pinapakalma ang sarili ko. She can't replace my mom.

     "Okay.."malungkot niyang sabi at lumabas ng pinto.. Agad akong nahiga sa kama ko at natulog na.

Until The EndWhere stories live. Discover now