Chapter 1
*Kristoff's PoV*
Haaayyy buti nalang tapos na ang hell week namin.. And guess what? Pasado ako!
So ayun habang naglalakad ako sa park pauwi ay may nakabangga ako na babae.
"Sorry Miss."sabi ko at inabot ang kamay ko sakanya. Napaupo kasi siya sa lapag..
Hindi niya kinuha ang kamay ko at tumayo siya sa sarili niya at lumapit saakin.
"N-nakikita mo ko?!"tanong niya..
"Whoa! Teka lang miss. Baliw ka ba? Malamang kaya nga kausap kita eh."sabi ko sakanya.. Ang ganda pa man din niya kaya lang may saltik ata.
"Tulungan mo ko please.. Ikaw lang makakatulong saakin."sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Bakit?"tanong ko. Naguguluhan ako dito sa babaeng to.
"Wag ka matatakot or lalayo.. please lang."sabi niya na parang naluluha na.. At dahil Mabait ang Poging si ako ay tumango ako.
"Oh ngayon ano na yung sasabihin mo?"tanong ko. Hindi kami magkakilala pero shet lang talaga kasi ang ganda niya.
"Kaluluwa nalang ako at kailangan ko ng tulong mo na makabalik sa katawan ko.."sabi niya at bigla akong natawa.
"Naka drugs ka ba miss?! Sorry ha pero mental hospital na ang bagsak mo nyan."sabi ko at naglakad palayo.
"Huy! Um-oo ka na tutulungan mo ko diba? Tsaka hindi ako nagbibiro! Ikaw lang ang nakakakita at nakakausap ko."at bigla siyang umiyak at umupo sa gitna ng park. Tumingin ako sa paligid at wala namang nakakapansin saamin
"Huy Miss tumayo ka dyan! Baka isipin nila pinaiyak kita."sabi ko.
"Paano nila iisipin na pinaiyak mo ko eh hindi naman nila ako nakikita?! Huhuhuhu"sabi niya at umiyak na parang bata.
"Paniniwalaan kita kapag na prove mo saakin na multo ka nga."sabi ko.
"HINDI AKO MULTO! KALULUWA AKO!"sigaw niya. Parehas lang naman yun ah! Tumayo siya at lumapit sa matandang nagtitinda ng balloons..
And the next thing i know is she just past through on his body.. I blinked three times and she's right infront of me.
"See?"tanong niya saakin. Tinignan ko lang siya at hindi ako nakapagsalita.. She's telling the truth and I just saw it earlier.
"Nananaginip lang ako."bulong ko sa sarili ko.. tama nananaginip lang ako.
"Ang kulit mo naman! Totoo nga ako! Maniwala ka naman oh! Please.."sabi niya. Ako pa itong makulit?! Grabe tong babaeng to!
"Oo na tutulungan na kita!"sabi ko nalang. Tss. Kung hindi lang siya maganda eh.
"Talaga?"
"Ayaw mo?!"
"Tenkyuu!"sabi niya at bigla niya akong niyakap pero tumagos lang siya saakin at natumba.
"Hahahahaha"grabee nakakatawa siya! Ang kyut!
"Wag mo nga akong tawanan!"sabi niya na parang bata.
"I'm Kristoff Salvador."sabi ko at inabot ang kamay ko.
"Jewel Fortalejo!"sabi niya at inabot saakin ang kamay niya pero tumagos lang ito.
Naglakad na ako pauwi at kasunod ko siya dahil hindi niya alam kung saan siya pupunta kaya sinama ko na siya sa bahay.. Wala naman akong kasama dito dahil naka leave yung mga maids at drivers namin at out of town si mom and dad. Wag kayong Green ah!
"Namimiss ko nang kumain! Gutom na mga alaga ko."sabi niya sabay hawak sa tiyan niya.
"Tiisin mo."sabi ko sabay kagat sa pizza ko at bigla siyang tumalikod.
"I can't stand seeing you eating while i'm craving."sabi niya at nagcross arms.
"Ilang araw ka na bang kaluluwa?"tanong ko. Ewan ko ba curious ako dito kay Jewel eh.
"Magwa one week na."malungkot na sabi niya.
"Do you know what is the cause of your death?"agad naman siyang humarap.
"HINDI PA AKO PATAY!"
"Paano ka naman nakakasiguro na buhay ka pa?"tanong ko.
"Basta! Feel ko buhay pa ako.. But there's a problem."sabi niya.
"Ano naman yun?"
"Hindi ko matandaan yung street namin.. There's a part of my memory that i've forgot.. And I want you to help me.. Please.."sabi niya at lumapit saakin..
Ininom ko yung pineapple juice ko then nagsalita.
"Do you have facebook account?"
"Ewan." Pambihira talaga tong babaeng to oh! Umakyat ako i mean kami pala sa kwarto ko. Wag green ah!
Kinuha ko yung laptop ko then sinearch ko siya sa facebook..
"Jewel Fortlejo. Bakit ang dami mong account?"tanong ko at napatingin siya sa screen.. Madaming Jewel Fortalejo at pictures niya nga lahat yun pero iba iba ng city at lugar na tinitirhan.
"Alam ko sikat ako eh."
"Ang taas mo naman"Mahangin pala itong babaeng to eh.
"Paano ako magkakaroon ng maraming accounts kung hindi ako sikat aber?"tanong niya saakin at pumameywang pa.
Tanginang kaluluwa ito oh! Kung makaasta akala mo buhay.
"Bukas afterclass ko tsaka natin pupuntahan isa isa ang mga address na nakalagay ito okay? Matutulog na ako."sabi ko at humiga na sa kama ko.
"Teka! Wag ka muna matulog!"
"Bakit na naman?!"
"Natatakot ako eh."
Pucha! Kaluluwang takot sa multo.
"Bakit ka natatakot eh kaluluwa ka nalang din?!"tanong ko.
"Ang tahimik kasi ng bahay mo tsaka mukhang haunted.. Tabi nalang tayo!"sabi niya at humiga sa tabi ko.. Teka parang namumula pisnge ko ah.
"Bakit ka namumula?"
"Ah mainit eh."
"Nakabukas naman aircon ah!"
"Mainit pa rin eh."sagot ko.
"Bahala ka abnormal."sabi niya at tumalikod saakin.. Ampupu ako pa ngayon ang abnormal ah!
Di ko nalang siya pinansin at natulog na ako.
YOU ARE READING
Until The End
RomanceThis is A Five short story of different People that tells us what True Love really Means.. "My favorite Place in the World is right next to you.."- Arianne. "Forever is a long time but I wouldn't mind spending it by your side."- Xander. ...