I'm your Fairy you're my Tale

7 0 0
                                    

     Chapter 2

    *Zoe's PoV*

     "Iba ata ang ngiti mo ngayon Zoe ah!"sabi ni Kirsten.. Diwata siya ng mga hayop at ako naman ay diwata ng Hangin.

      "May nakilala kasi akong tagalupa."sagot ko at agad niya akong sinundot sa bewang.

     "Ikaw Zoe ah! Pumapagibig ka na!"sabi niya.

     "Huwag ka nga maingay! Tsaka alam mo bang bawal umibig ang isang diwata sa tao?"sabi ko at napatahimik naman siya..

    "Ay oo nga!Para ka lang kay Prinsipe Ghaldounie!"sabi niya kaya tinakpan ko yung bibig  niya.

    "Ang ingay mo! Bahala ka na dyan!"sabi ko at iniwan ko na siya sa Eden. Pumunta ako sa aking kwarto at nahiga..

     Hindi parin mawala sa isip ko ang mukha ni Drake saaking isipan.. Ewan ko pero bigla akong napangiti..

    "Zoe? Pinapatawag ka ni Inang Podmon.."sabi nung isa sa diwata.

    "Susunod ako. Salamat diwata."sabi ko at inayos ko ang aking sarili tsaka ako pumunta sa Eremetia.

    "Magandang gabi Ina. Pinatawag nyo daw po ako."sabi ko at yumuko ng bahagya..

    "Kailangan mong pumunta sa Lupa.. Maninirahan ka sa mundo ng mga tao.."sabi niya na ikinabigla ko..

    "Ngunit bakit po Ina?"tanong ko..

    "Kailangan mong hanapin si Tayra. Ang Diwata ng pag-ibig."sabi niya saakin.

    "Tinatanggap ko po ang misyon ngunit hindi ko po alam kung saan ko siya hahanapin."sabi ko kaya napangiti siya.

    "Kilala mo ang kanyang Anak.. Nakilala mo siya kagabi hindi ba?"sabi niya..

     "Si Drake po?"sabi ko at tumango siya..

     "Magpapanggap kang tao at kailangan mong mapapayag si Tayra na sumama sayo pabalik."sabi niya.

    "Kung yan po ang gusto niyo.. Malugod ko pong tinatanggap ito."sabi ko at yumuko ng bahagya.

    "Maraming salamat Zoe.. Ikaw ang napili ko dahil alam kong magagawa mo ito ng mabilis.. Malapit na ang pag-iisang dibdib niyo ni Ghaldounie.. Kapag napabalik mo si Tayra ay mas lalalim ang pagiibigan niyo."sabi niya at ngumiti..

    Ngumiti rin ako kay Inang Podmon at nagpaalam na.. Pumunta muna ako sa Eden para makapagpaalam sa mga kaibigan kong bulaklak.. Ang Eden kasi ay isang malaki at malawak na hardin.

    Ang Eremitia naman ay ang tahanan ni Inang Podmon at kaming mga diwata ay sa Vinea.

     "Mga kaibigan... Saglit lang akong mawawala ah! May misyon kasing binigay saakin si Inang Podmon."sabi ko at malungkot na ngumiti.

      "Misyon saan?"tanong ni Gumamela.

      "Kay Diwata Tayra.. Gusto siyang pabalikin ni Inang Podmon saating kaharian."sabi ko.

      "Bakit Ikaw pa?! Pwede namang iba eh!"sabi ni Santan..

      "Yung kinwento kong tagalupa na si Drake.. Anak ni Tayra.."sagot ko.

      "Basta mag-iingat ka dun! Maraming Bad Peoples dun!"sabi ni Sampaguita.

      "Alam ko namang hindi ako pababayaan ng panginoon sa aking paglalakbay kaya wala akong dapat ikabahala."sabi ko at tumango lang sila..

     "Parating si Prince Ghaldounie!"sabi ni Rose kaya napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Ghaldounie na palapit saakin..

      Inayos ko ang sarili ko at humarap sakanya..

     "Magandang gabi prinsipe."sabi ko at bahagyang yumuko.

     "Ano ka ba Zoe?! Hindi mo na kailangang gawin yan tsaka malapit na rin tayong ikasal."sabi ni Ghaldounie at ngumiti ng napakalapad.

     "Ipagpaumanhin mo prinsipe pero masyado pa tayong bata para dyan.. Ayaw kong biguin ka ngunit hindi pa talaga ako handa. Patawad."sabi ko at yumuko ulit.

     "Hindi naman sa minamadali kita pero ayun ay kahilingan ng aking ama."sabi niya at naupo sa isang upuan sa hardin.

      Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang kanyang kamay.

     "Ayaw kong suwayin mo ang iyong ama at ina pero ako'y walang nararamdaman na pag-ibig sa iyo.. Bukas ng umaga ay pupunta ako sa lugar ng mga tao para hanapin si Diwata Tayra."sabi ko.

     "Ang diwata ng Pag-ibig?"sabi niya at tumango lang ako.

     "Baka sakaling pagbumalik si Diwata Tayra ay magkaroon ako ng pag-ibig sayo."sabi ko kaya napangiti siya..

     "Hihintayin ko ang iyong pagbalik Diwata Zoe."sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

   Nagpaalam na kami sa isa't isa at bumalik na siya sa palasyo at pumunta na rin ako sa Vinea.

    Si Prinsipe Ghaldounie ay mabait at mapagmahal na prinsipe ng mga diwata.. Magkasabay kaming lumaki at parehas kaming magkaibigan at si Haring Duther ay pinili ako para maging asawa ni prinsipe ngunit hanggang kaibigan lamang ang tingin ko sakanya..

     Biglang pumasok si Kirsten sa kwarto ko.

    "Zoe aalis ka daw? Sama ako!"sabi niya at tumabi saakin sa kama.

    "Hindi maari Kirsten! Misyon yun na ibinigay ni Inang Podmon."sabi ko at ngumuso siya na parang bata.

    "Sayang! Turuan nalang kita kumilos ng tao!"sabi niya.

     "Magandang ideya Kirsten!"sabi ko.

     "Naku! unang una yan! Iwasan mo ang pagkapormal mo sa mundo nila dahil mahahalata ka niyan!"sabi niya.

     "Ha? Anong gagawin ko?"sabi ko at napakamot sa ulo.

     Bigla siyang tumayo nang diretso at tumingin saakin.

     "Gagayahin mo ko."sabi niya at tumango ako. Tumayo rin ako at ginaya ko siya sa kanyang paglalakad.

     "Kailangan mo rin mag-english dun kahit kaunti."sabi niya.

     "Marunong ako mag-english noh! Sanay lang ako sa wikang tagalog."sabi ko.

     "Edi sanayin mo rin mag-english duh?!"sabi niya sabay irap.

     "I'm not stupid as you thought duh?"sabi ko at bigla siyang namangha..

      "OMG!! As in wow! Paano mo nagawa yun?"sabi niya.

      "Kasi nga marunong ako duh?!"sabi ko at ginaya ko siya umirap din ako sa hangin.

      Nagkwentuhan lang kami saglit at nagpaalam na siya na magpapahinga na at natulog na rin ako.

Until The EndWhere stories live. Discover now