*Kristoff's PoV*
Pagkauwi ko sa bahay ay naligo ako at binuksan agad ang laptop ko then sinearch ko si Jewel... May nakita akong bagong upload niya na video at ang title ay Soulmate... I clicked the video and watch it..
Habang pinapanuod ko yung video ay naalala ko yung babaeng nahahalo sa thoughts ko at biglang luminaw ang image niya sa isip ko. Tinignan ko yung nagsasalita sa video.. Siya kaya-
"Kristoff Salvador. You're the smile in my Face and the beat to my heart. Thank you for being there for me I love you." Bigla kong naalala yung babae sa park.. Yung babaeng nasa isip ko at yung nakita ko sa park kanina at itong nasa video na ito ay iisa?!
"Aaaaarrrgghhh!"napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.. And after a second ay bigla kong naalala lahat.. Simula dun sa aksidente hanggang sa mameet ko si Jewel...
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.. Nagcomment ako sa video niya.
'Jewel meet me up in the coffee shop near the park.. We have to talk.'
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang hindi ko alam ang gagawin ko kaya pinanuod ko nalang yung mga videos niya sa youtube. Grabe nakakatawa siya! Ang saya saya niya tapos bigla siyang iiyak..
Lalo tuloy akong naiinlove! Tangna! Ang bakla!
After two hours ay biglang may notification na lumabas.
'JewelFortalejo21 Replied to your comment.'
'Okay.. 1:00 pm..'
Hindi ko alam pero bigla akong napangiti na parang ewan.. Kinikilig ba ako? Shet nakakabakla!
So dahil sa sobrang saya ko ay maaga akong natulog..
*end of Kristoff's PoV*
*Jewel's PoV*
My decision is final.. We need to talk.. I replied to his comment.. Sana.. Sana eto na yung time na sabihin ko sakanya lahat ng nararamdaman ko.
Nagsuot ako ng White na pants at black na T-shirt then yung Black na sneakers ko..
Nagpunta na ako sa coffee shop at nakita ko siya duon sa isang table na nakaupo.. Lumapit ako sakanya at parang nagulat pa siya pero ngumiti rin siya agad kaya napangiti ako.
"You came."sabi niya.
"I'm not good at breaking promises."sabi ko.
"Hindi mo naman pinromise yun eh."sabi niya sabay higop sa frappe niya.. Aba nangaasar ata to ah!
"Lahat ng sinasabi ko promise ibig sabihin."sabi ko.
"So you mean.. Promise mo yung sinabi mong I love You saakin?"tanong niya.. Bigla naman akong namula kaya bigla siyang natawa.
"Mukhang okay na kayo nung ex mo ah."sabi ko at biglang sumeryoso ang mukha niya.. "Magkakabalikan na kayo nyan for sure."parang gusto kong tumakbo at ilabas lahat ng luhang tinatago ko pero hindi ko pinahalata na nasasaktan ako.
"So nakita mo kami sa park kagabi.."sabi niya at tumango lang ako.. "Tapos na ang meron kami.. Kaya please wag ka na ulit iiyak."sabi niya kaya agad akong napatingin sakanya at ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay bigla nalang lumabas.
"Alam mo bang nasaktan ako?! Kasi nagselos ako nung nakita kong kayakap mo siya! Pupuntahan dapat kita nung time na yun pero wala eh naunahan ako! Pero kung siya naman ang magpapasaya sayo.. Palalayain kita.. Kahit masakit okay lang.. Tatanggapin ko yun.."sabi ko habang pinupunasan ang luha ko. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko..
"Bakit ko pa siya babalikan? Bakit ko babalikan yung taong nanakit at nang iwan saakin kung pwede naman akong pumunta sa taong nagmamahal saakin."He said while looking directly in my eyes.. Hindi ko alam sa sarili ko pero bigla akong napangiti.. Parang kinikilig ako na ewan.
"Kristoff stop it."
"Stop what?"
"Stop staring at me coz i'm blushing like hell."sabi ko at lalo pa akong namula. Natawa naman siya at hinawakan ang pisnge ko.
"There is nothing in this world than a soul you can connect with. And i think your soul is connected to mine..Jewel Fortalejo Mahal na Mahal kita.. Don't leave me again."sabi niya at hinalikan ako sa noo ko.
"Aye aye Mr.Salvador."I said and kissed his cheeks. Bigla naman siyang namula dun.
"Uy! Wag masyadong kiligin!"sabi ko sakanya at natawa ako..
After that ay pumunta kami sa park.. Hinanda ko yung phone ko and clicked the Button.
"Hi guys! Again this is Jewel Fortalejo together with Kristoff Salvador.. So guys sa mga may katanungan po nung nakaraan ay sasagutin ko na." Sabi ko habang tawa ng tawa si Kristoff sa tabi ko. Kaya siniko ko siya.
"Paano daw po magmahal ng hindi nasasaktan? Sorry guys pero kahit ako hindi ko alam yan pero kasi ang tunay na nagmamahal ay nasasaktan. Kahit balibaligtarin mo pa ang mundo ganun padin yun."
"Next may forever po ba? Ofcourse! Guys May Forever po nasasainyo naman yan kung gusto niyong makamit ang forever na gusto ninyo basta kailangan lang natin ng love and loyalty sa isa't isa.."
"Galing naman sa isa sa super fan ko.. Paano mo daw malalaman kung siya na ang soulmate mo.. Well based pn my experience, Fate will be the guide for you to meet your soulmate that is destinied for you.. Siya yung nakakaintindi saatin lalo na sa mga babaeng moody kagaya ko at higit sa lahat siya yung magi-stay sa tabi mo no matter what."
"Now let's hear Mr.Salvador A.K.A Mr.Nobody!"masigla kong sabi at tinapat sakanya ang camera.
"H-hello-? Uhmm wala naman akong masabi ehh pero gusto ko lang malaman niyo na ang no.1 idol niyo na si Jewel Fortalejo ay mahal na mahal ko at kami ang magpapatunay na may forever.Alam nyo ba nung una ko siyang mameet dito sa park eh napagkamalan ko siyang baliw.."siniko ko naman agad siya at natawa lang siya ng mahina. "Kasi ako lang daw yung nakakakita at nakakausap niya tapos sinabi niya na kaluluwa nalang siya. At first natakot ako kasi akala ko may third eye ako pero dun ko nalaman na kaya pala ako lang ang nakakakita sakanya dahil parehas lang kami nung situation.. Ang galing nga ni tadhana ehh.. We knew each other for a purpose and i think our souls are connected to each other.. So sa lahat ng nanonood po always think positive kasi hindi mo alam kung kailan darating si Mr.Right or si Ms.Right para sayo."sabi niya at tinapat ulit saakin yung video.
"So Again this is Jewel Fortalejo and Kristoff Salvador on screen.. Bye Guys!"and i ended the video.
"Kainis ka!"
"Hahaha bakit?"
"Quotang quota ka na sa pagpapakilig saakin eh!"sabi ko sabay hampas sa braso nya.
"Ganun talaga pag gwapo.. Araw-araw kang pakikiligin."sabi niya.
"Ang hangin!"sabi ko. Nagharutan kami and everything was like a happily ever after.. Who would have thought that our soul will meet and keep us apart..
YOU ARE READING
Until The End
RomanceThis is A Five short story of different People that tells us what True Love really Means.. "My favorite Place in the World is right next to you.."- Arianne. "Forever is a long time but I wouldn't mind spending it by your side."- Xander. ...