More than Friends,Less than Lovers

6 0 0
                                    

    *chapter 2*

    *Jessica's PoV*

     Two years na ang nakalipas matapos ng huling pag-uusap namin.. At first, ayaw kong sundin si Daddy pero no choice eh..

     At ngayon babalik na ako sa Philippines.. Sana hindi ka galit saakin bestfriend..

   *two years ago*

     Dumaan muna ako dito sa Motor shop para kunin yung motor na regalo ko sakanya..

     Tinawagan ako ni daddy tungkol sa pag-alis ko bukas.. I hate daddy! Nagdedesisyon agad siya ng mga gagawin ko!

     Pumunta na ako sa Internet Cafe at nakita ko dun si Sean.. Naglaro kami ng crossfire at dahil narin sa inis ko ay in-out ko yung game ni Sean at nung akin.. at sa tingin ko ay nainis siya sa inasal ko kaya sinubukan kong maglambing sakanya sa ibang paraan at niyaya ko siya sa park.

     Nung pagkatapos naming kumain ng Barbeque ay tinuruan ko siyang mag drive nung motor para magamit niya kapag wala na ako.

    Then mga 11:00 na namin napagpasyahang umuwi at siya ang nagdrive at nung hinawakan ko yung bewang niya ay pasimple kong nilagay doon yung letter ko sa bulsa nung jacket niya..

    I'm sorry Sean..

   ****

   Nabalik naman ako sa reyalidad nung nakita kong nagbababaan na yung mga tao sa Airplane.. We're here..

    Bago ako umalis sa Seoul ay pinaayos ko na yung papers ko sa school na papasukan ko dito sa Philippines.

    Bumaba na rin ako sa eroplano at naramdaman ko ang simoy ng hangin..

    Pagkadating ko sa Waiting Area ay nakita ko doon si mama at kumaway siya saakin kaya lumapit ako sakanya at yumakap.

    "I miss you so much mom!"sabi ko sakanya.

    "Me too baby. How's Korea?"tanong niya saakin.

    "It's boring there! Wala man lang Crossfire dun!"sabi ko at nagsimula na kaming lumakad palabas ng Airport.

    "Araw-araw pumupunta si Sean sa Bahay nung umalis ka.. Sinabi ko sakanya na kinuha ka ng daddy mo.. Nagtampo ata sayo yung bestfriend mo."sabi ni Mommy saakin.. Alam ko namang mangyayari yun eh kasi biglaan yung pag-alis ko.

   "Kinuha niya ba yung motor?"tanong ko at nagpara ng taxi at agad naman kaming sumakay.

   "Sinauli niya yung motor."Nalungkot ako sa sinabi ni Mommy na sinauli niya yun.. Regalo ko yun sakanya eh! Sasapakin ko talaga yun pag nakita ko  siya!

    Ngumiti nalang ako kay mommy at tahimik lang kami sa byahe.. Namiss ko itong Manila..

    After 30 mins. Ay nakarating na rin kami sa bahay namin.. Agad naman akong bumaba dahil sa sobrang excitement..

    "Hindi mo naman gaano na-miss yung bahay natin noh?"sabi ni Mommy at tinulungan ko siyang ibaba ang gamit ko at binayaran na rin ni Mommy yunh driver..

     "Yeah.. I miss it.."sabi ko at agad akong pumasok sa loob at umupo agad ako sa couch..

    At bigla kong naramdaman ang pagod kaya umakyat ako sa kwarto ko at talagang nilinis ni Mommy ito ah!.

   "Matulog ka na baby ako na bahala sa nga gamit mo."sabi niya saakin.

    "No mom.. Ako nalang po mag-aayos niyan."sabi ko at tumango lang si mommy saakin at lumabas ng kwarto.

     Humiga ako sa kama at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

    Nagising ako ng 3:00 pm kaya nag-shower ako at pagkatapos ay nagayos na ako ng gamit ko..

    Natapos ako nung bandang 4:30 na kaya nagpaalam ako kay mommy na magko-computer lang ako at pumunta ako sa internet cafe.

     "Open hour po kuya."sabi ko sa cashier at umupo ako sa isang pc dun at naglaro na ako ng crossfire..

     Buti nalang at hindi pa kumukupas ang galing ko dito dahil lagi akong Ace at MVP.

     Bigla naman akong may naramdaman na tumama sa likod ko kaya napatingin ako dun at may lalaking dumaan sa likod ko at nagbayad sa cashier then lumabas na siya sa Internet Cafe..

   Hindi ako pwedeng magkamali.. Siya yung nakita ko.. In-out ko yung account ko at nagbayad na sa cashier at agad akong tumakbo palabas at hindi ko na siya nakita..

    It's him.. Hindi ako pwedeng magkamali...

    Napaupo ako sa labas and my tears started to fall.. I felt tiny raindrops falls in my pale skin..

    Hinayaan ko lang na maulanan ako.. Wala na akong pakielam sa kung anong sabihin ng mga tao.. Siguro nga galit siya saakin..

    Pumikit ako habang dinadamdam ang tubig ulan... Ilang minuto ang lumipas at wala na akong maramdaman na tubig ulan sa katawan ko pero naririnig ko parin ang ulan sa paligid ko..

    Unti-unti kong dinilat ang mata ko at nang makita ko ang taong may hawak ng payong ay lalo akong naiyak..

    "Tumayo ka na dyan."cold na sabi niya.. Hindi ako sumagot at nanatili lang akong nakatingin sa kanya.. How I missed this guys.. I miss him so much..

     "I want to ask you many question but i think it's not the right time.. Baka magkasakit ka."sabi niya at iniwan niya yung payong saakin at umalis na siya..

  Tinignan ko lang ang likod niya habang naglalakad siya palayo saakin..

   Gusto ko siyang habulin at yakapin.. Pero hindi ko magawa... My body resist to move..

Until The EndWhere stories live. Discover now