*Amethyst's PoV*
Nandito ako sa veranda ng kwarto ko at nakatingin sa isang makisig at gwapong hardinero.. Magkasing edad kami nyan ni Eddie.. Dito na kasi yan lumaki dahil iniwan siya nung mga magulang niya.
Haaayyss kung alam mo lang Eddie ikaw yung laman nitong puso ko.
"Magandang Umaga Prinsesa!"bati niya at nag bow saakin.
"Good Morning!"bati ko sakanya at ngumiti napangiti rin siya at nagpatuloy na sa pagdidilig ng halaman..
"Mahal na Prinsesa pinapatawag po kayo ng hari."sabi nung isang katiwala.
"Pakisabi po susunod ako.."sabi ko. Umalis naman yung kasambahay.
"Kasi si Daddy eh! Ipapakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal! I'm sure mag-aaway na naman kami sa hapag kainan!"sabi ko sa sarili ko at padabog na pumunta sa walk in closet ko.
Nasa isang Palasyo kami at tama kayo ng pagkakarinig dahil ako ang Prinsesa ng aming kaharian.
Kinuha ko yung Isang Morning Dress sa closet at nagbihis.. Oo ganyan sa palasyo namin.. Ang Arte kasi ng Daddy ko na kasalukuyang hari ng palasyo and my mom as a queen.
Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na ako sa grand staircase ng aming palasyo papunta sa Dining Room.
"You're late again Amethyst." Eh paanong hindi ako mala-late ang hirap isuot nitong Morning Dress ko?!
"Sorry."sabi ko nalang.. He's my daddy afterall so why bother to be rude.
"Bukas ng Gabi dadating ang Hari at Reyna ng North para pag-usapan ang pagpapakasal mo sa prinsipe."sabi ni Mommy kaya napatingin ako sakanya.
"But Mom i'm not yet--"
"You're a princess and you should marry a Prince!"sabi ni Mommy saakin.
"Pero hindi ko siya ganun kakilala besides i do not love him."sabi ko.
"Matututunan mo rin syang mahalin."sabi ni Daddy.
"Bakit? Talaga bang mahal mo si Mommy? Or napilitan ka din-"isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Daddy. Well hindi ko naman sinasadyang masabi yun kay daddy so I think i deserves that slap.
"You shouldn't crossed the lines! How rude."sabi niya.
"I'm sorry daddy."sabi ko. Tumayo siya at nagsalita muli.
"Fix that attitude of yours Amethyst! I'm expecting a lot on you!"sabi niya at umalis sa hapag-kainan. Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo.
"Kumain ka na.. Ako nalang ang kakausap sa daddy mo. Don't do it again okay?"sabi ni Mommy at sumunod kay daddy..
Yes i know that i'm wrong but this is my life they can't tell me what i want to do with. I'm not a kid anymore and I can handle my self! I can have my Own Decision now but why it can't be.. I wish i'm not a princess anymore!
Hindi na ako kumain at pumunta nalang ako sa Garden ng Palasyo..
Umupo ako sa damuhan at pumikit. Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha sa mata ko. I'm tired.. I don't want to be a Princess anymore. I want to be a girl.
"Masamang umiyak sa gitna ng hardin."Napadilat ako ng marinig ang boses niya.
"Huh?!"tanong ko.
"Mahahawa kasi ang mga halaman at bulaklak sa kalungkutan mo."sabi niya at umupo sa tabi ko.. May inabot siya saakin na panyo at kinuha ko ito.
"Thanks."sabi ko sakanya at pinunasan ko yung luha ko gamit ang panyo.
"At bakit umiiyak ang prinsesa ko?"tanong niya kaya binatukan ko siya.
"Sira ka talaga!"sabi ko at tumawa.. Natawa rin siya at ilang minutong katahimikan ang nangibabaw saamin..
Napatingin ako sa malaking wall clock and it's already 10:30 a.m.
"Bakit ka nga pala nasa hardin at umiiyak mahal na prinsesa?"pagbasag niya sa katahimikan.
"Well i've argued with the king.. Ay oo nga pala don't call me princess again. I hate it."sabi ko sakanya.
"Bakit naman?"tanong niya saakin.
"I just want to be a normal girl.. I don't want to be a princess anymore."sabi ko at bumuntong hininga.
"Many girls want to be a princess.. But the princess don't want to.. Funny right?"sabi niya na ikinagulat ko.
"You can speak english? Kelan pa?"tanong ko sakanya.
"Tinuruan lang ako nung umampon saakin."sabi niya at ngumiti.
"Bakit hindi ka nalang mag-resign as gardener dito sa palasyo?"tanong ko. Well sa pagkakaalam ko mayaman ang nakaampon sakanya so bakit pa niya kailangang magtrabaho dito?
"Okay na sakin yung binigyan nila ako ng matitirhan at edukasyon.. Ayaw kong maging pabigat sakanila so I worked here."sabi niya at tumingin saakin..
Napatango nalang ako sa sinabi niya.. Actually lagi kaming nagkakausap pero hindi kami nagoopen ng topic about sa family matter. Puro biruan at asaran lang.
"Ikakasal na ako.."agad naman siyang napatingin saakin. "Mom and Dad set up a fix-marriage for me and the prince of the North but I don't want to.. Masyado pa akong bata at ayaw kong makasal sa taong hindi ko mahal."sabi ko habang nakatingin sa kawalan.
Magsasalita sana siya pero biglang may tumawag saakin.
"Mahal na Prinsesa Pinapatawag po kayo ng mahal na hari."sabi niya..
"Susunod na ako."sabi ko at umalis na siya.. "Eddie I have to go. Usap nalang tayo mamayang gabi."sabi ko at tumakbo.
"I'll wait for you!"sigaw niya at napalingon ako.. Ngumiti ako sakanya at tumakbo na palayo.
YOU ARE READING
Until The End
Storie d'amoreThis is A Five short story of different People that tells us what True Love really Means.. "My favorite Place in the World is right next to you.."- Arianne. "Forever is a long time but I wouldn't mind spending it by your side."- Xander. ...