**chapter 5**
***Zoe's PoV***
Kailangan ko nang bumalik sa Vinea kasi ayaw ko nang guluhin ang pamilya ni diwata Tayra.. Alam kong hindi pa sila nagkakaayos ni Drake pero darating ang araw na masasabi rin ni diwata Tayra ang totoo..
Maghahating gabi na at alam kong tulog na sila.. Pumunta ako sa kwarto ni Drake..
"Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sayo ng maayos ah.. Baka kasi pag kaharap kita hindi ko magawang umalis... Drake Mahal kita.. Sana hindi mo ako makalimutan. Ikakasal ako kay Ghaldounie sa ayaw at gusto ko.. Alam kong labag sa batas ng mga diwata ang magmahal ng tao pero hindi ko pinagsisihan na nakilala kita at minahal kita.. Paalam.."And my tears started to fall.. I kissed him on his forehead and left his room..
Pumunta ako sa garden ng bahay nila at umiyak ako ng umiyak.. Ang sakit.. Ang sakit isipin na aalis na ako sa tabi niya.. Ayaw kong lumayo kay Drake pero alam kong bawal yun sa Vinea..
Hindi ko akalain na iibig ako ng isang tao.. Pero masaya ako na nakilala ko siya at minahal ko siya.. Kahit sa sandaling panahon ay nagkasama kami at nakita ko ang matatamis niyang ngiti..
Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na. Sa huling saglit ay tinignan ko ang bahay nila.. Salamat sa lahat Drake..
-------
"Zoe! Buti at bumalik ka na!"bati ng mga bulaklak saakin.. Binigyan ko sila ng pilit na ngiti..
Pumunta ako sa Eremitia para kausapin si Inang Podmon.. Nung nasa tapat na ako ng pintuan ay nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko o hindi.. Pero binuksan ko rin ang pinto.
"Inang Podmon.."tawag ko at napaharap siya ng nakangiti pero tumingin siya sa likod ko na parang may hinahanap.
"Zoe nasaan si diwata Tayra?"tanong niya.. Yumuko ako.
"Pasensya na po Ina pero hindi ko po siya nakumbinsing sumama saakin dito.. Patawad."sabi ko.
"Paanong hindi nakumbinsi? Hindi ba't kaibigan mo ang kanyang anak?"tanong niya pero hindi ko nagawang sumagot..
"Bukas na ang kasal niyo ni Ghaldounie at bilang kaparusahan ay hindi ka pwedeng umatras sa kasal niyo.. Maari ka nang umalis."sabi niya.. Umalis ako ng Eremitia at bumalik ako sa Vinea.
Pumunta ako sa kwarto ko at umiyak.. Ikakasal ako kay prinsipe Ghaldounie na hindi ko naman mahal.. Ang sakit.. Ang kasal na pinapangarap ko ay para sa taong nagmamahalan.
"Zoe nandito ka na pala hindi mo ko ininform- teka bakit ka umiiyak?"sabi ni Kirsten nung pumasok siya sa kwarto ko at tumabi saakin.
Kinwento ko sakanya lahat at sinabi ko rin ang nararamdaman ko kay Drake.
"Sundin mo kung ano ang sinisigaw ng puso mo Zoe.."sabi niya saakin.
"Ngunit bilang kaparusahan ay hindi ako pwedeng umatras sa kasal namin... At ayokong saktan si Ghaldounie."sabi ko.
"Itatakas kita dito.. Pumunta ka sa mundo ng mga tao.."sabi niya saakin.
"Delikado Kirsten.. Baka madamay ka pa at mawalan ka ng pakpak.."sabi ko.. I guess wala na akong magagawa kundi ikasal kay Ghaldounie.
-------
"Zoe eto na ang damit mo."sabi nung isang diwata at binigyan ako ng isang puti at mahabang damit na may kulay ginto na disenyo.
Sinuot ko yun at humarap ako sa salamin.. Napakaganda ko sa damit na ito.. Pero bakit parang hindi ako masaya?
"Zoe?"at biglang pumasok ai Ghaldounie..
YOU ARE READING
Until The End
RomanceThis is A Five short story of different People that tells us what True Love really Means.. "My favorite Place in the World is right next to you.."- Arianne. "Forever is a long time but I wouldn't mind spending it by your side."- Xander. ...