A/N:
So eto na yung huling part ng story na until the end..
----------------*Chapter 1*
*Sean's PoV*
Nasaan na ba yung babaeng yun? Sabi niya 5:00 nandito na siya ehh 5:20 na!
Nagulat naman ako sa bilis ng pangyayari at napatulala nalang.. Akala ko mababangga na ako ng motor..
May motor kasi na sobrang bilis at muntik nang dumiretso saakin at buti nalang lumiko agad ito nung nasa harap ko na siya pero t*ngna lang kasi yung alikabok ng lupa napunta saakin.
"Sorry i'm late."sabi niya at tinanggal ang helmet niya at nakita ko ang mala anghel na mukha nung bestfriend ko.
"T-teka kelan ka pa nagkaroon ng motor tsaka marunong ka magmotor? Paano?"sunod-sunod kong tanong sakanya at bumaba naman siya sa motor niya..
"Binili ko ito kanina kaya ako nalate.. Tsaka duh?! Police officer si daddy kaya may motor siya at marunong ako mag motor noh!"sabi niya at pumasok na kami sa Internet Cafe.
"Akala ko kanina masasagasaan mo na ako Jess!"sabi ko at umupo kami sa upuan.
"Open hour po!" Sigaw niya sa cashier.. "Natakot ka dun? Ahaha! Ayos ba?!"sabi niya sabay suntok sa balikat ko.. Itong babaeng to ang ganda pero parang mas daig pa ang lalaki kung kumilos eh.
Naglaro kami ng Crossfire at putspa lang dahil siya lagi ang Ace!
"Sniperan."sabi ko.. Ayun kasi ang kahinaan biya kasi hindi siya magaling sa sniperan pero pumayag siya..
Nung last 10 seconds nalang at dalawa pa ang lamang ko sakanya ay nagulat ako ng bigla siyang pumunta sa computer ko at in-out ako dun sa game.
"Madaya ka! Wag sniperan!"sabi niya at lumabas na rin siya sa game.
"Ikaw ang madaya eh ayaw mo lang magpatalo!"sabi ko sakanya at inexit ko na yung account ko. Pagtingin ko sa relo ay 8:15 na. Tumayo ako at nagbayad sa cashier pero bago pa ako makalabas ay hinila ako ni Jessica.
"Whaat?!"tanong ko sakanya at tinaasan niya ako ng kilay.
"Bayaran mo yung akin!"sabi niya.
"Ano ka chixx?!"tanong ko sakanya.Sinuswerte ata tong babaeng to eh
"Oo! Basta ikaw magbayad! Kuya siya po magbabayad nung rent ko!"sigaw niya. "Bye!"sabi niya saakin at lumabas na sa internet cafe..
"Pambihira talaga tong babaeng to."sabi ko at wala na akong nagawa kundi bayaran yung nirent niya at lumabas na rin ako. Paglabas ko ay nakita ko siyang nakasandal sa motor niya.
"Bakit hindi ka pa umuuwi? Gabi na ah!"sabi ko. Aba may care pa naman din ako dyan sa bestfriend kong may topak.
"Ayaw ko pang umuwi eh! Nag-away kami ni Daddy!"sabi niya at ngumuso na parang bata.
"Oh eh anong plano mo?"tanong ko at tumingin sakanya.
"Foodtrip tayo.. Sagot ko."sabi niya at sumampa sa motor habang sinusuot ang helmet niya. "Sakay"sabi niya at sumakay naman ako sa likod niya.
"Ano hindi ka hahawak? Gusto mong mahulog?!"tanong niya saakin kaya agad akong napakapit sa maliit niyang bewang. At pinaandar na niya yung motor niya..
Akala ko hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa bilis niyang magpatakbo at hindi manlang siya natatakot mapahamak.
"Careful!"sigaw ko sakanya dahil muntik na kaming mabangga ng kotse.. What a reckless driver is she?!
Nakarating kami sa park at doon lang ako nakahinga ng maluwag.. Salamat lord akala ko kukunin nyo na ako eh.
"Langya ka Jessica! Mamamatay ako sayo eh!"sabi ko sakanya.
"Edi maglakad ka nalang!"sabi niya saakin.
"Dadalhin mo ako dito sa park tapos papalakarin mo ako pauwi?! Ayos ka din ah!"sabi ko sakanya at bumaba sa motor.
"Pati ba naman ikaw aawayin ako?!"sabi niya at umupo sa Bermuda Grass..
Tumabi ako sakanya at agad naman akong napatingin sa mukha niya. Ang ganda niya talaga mukha siyang anghel..
"Gustong bumalik ni Daddy sa Seoul.. He wants me to be with him.." pagsisimula niya habang nakatingin sa langit.. "Ayokong sumama kasi mas nasanay na ako dito.. Ayaw ko rin iwanan si Mommy dito mag-isa at ayaw ko ring iwanan yung mga mahahalagang tao sa buhay ko.."sabi niya at napatingin siya saakin..
"Iyak."utos ko sakanya at maya-maya ay bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko at tahimik siyang umiiyak habang nakatingin kami sa Dancing Fountain dito sa Park..
Pagkatapos ng ilang minuto ay pinunasan niya yung luha niya at tumayo.
"Ang drama putek!"sabi niya. "Bili tayo pagkain halika!"sabi niya saakin at hinila niya ako patayo..
Pumunta kami sa Barbeque shop at bumili kami ng Barbeques at isaw then bumili kami ng softdrinks at naupo kami sa isang table sa Park..
"I'm so lucky to have you as a bestfriend.. Thank You."sabi niya saakin at ngumiti.
"Oy wag mo ako daanin sa mga paganyan-ganyan mo ah! Mamaya kaya mo ako nilibre kasi talagang aalis ka na?!"biro ko sakanya at biglang nawala ang ngiti niya at kumain nalang siya ng barbeque.
Ayokong umalis si Jessica.. Ayaw kong mawala ang bestfriend ko.
YOU ARE READING
Until The End
RomansThis is A Five short story of different People that tells us what True Love really Means.. "My favorite Place in the World is right next to you.."- Arianne. "Forever is a long time but I wouldn't mind spending it by your side."- Xander. ...