Soulmate

6 0 0
                                    

     Chapter 4

     *Jewel's PoV*

    Isang linggo na ang nakaraan simula nung magising ako sa ospital.. Nakita ko yung katawan ni Kristoff nun.

    *flashback*

   "I want to see him please."sabi ko kila mommy at daddy at wala silang nagawa.. Sinakay nila ako sa wheel chair dahil sobrang fragile pa ng katawan ko.

     Nakita ko ang isang lalaki na may benda sa ulo at puno ng sugat at pasa ang katawan.. Nilapitan ko siya at biglang tumulo ang mga luha ko. Bali ang kaliwang kamay niya at ang kaliwa niyang paa.. Sinabi saakin nila mom and dad ang nangyari saamin..

     Siya yung nakasagasa saakin at nasagasaan rin siya ng truck nung time na yun..

     Sabi nila Mommy buti nalang at si Kristoff yung nakasagasa saakin dahil konti lang ang natamo kong sugat at injuries.. Kung hindi ako nasagasaan ni Kristoff baka yung truck ang makasagasa saakin at malaki ang chance na mamatay ako dun.

     Hinawakan ko yung kamay niya.. Hindi ko lubos na maisip na makikita ko siyang nagaagaw buhay.

    "Thank you for saving me.. For helping me na makabalik sa katawan ko.. Lumaban ka please.. Hindi ko kayang mawala ka sakin Kristoff. Kahit sandali lang tayo nagkasama naramdaman ko ang tunay na Pagmamahal dahil sayo.. Please lumaban ka.."sabi ko..

   *end of Flashback*

    Pero after that day ay nilipat daw siya ng ospital para operahan ang paa niya at ayaw ipaalam ng Doctor kung saang ospital siya nilipat.

     Hinanda ko na yung phone ko at kinlick ang Button..

    "Hi Guys! This is Jewel Fortalejo! Namiss nyo ba ako guys? kasi namiss ko kayong lahat! I'm better now at still nagpapagaling dahil sa nangyaring accident but I just want to share something on you guys.."

    "When I was on a comma, I met a guy.. He's kindhearted.  Kahit hindi kami magkakilala ay tinulungan niya pa rin ako.. Gwapo siya, Matalino.. Halos lahat nasa kanya na eh. Pero hindi ko inaasahan na dahil sa pangyayaring yun ay makikita ko ang tunay na pagmamahal.. Bumibilis yung tibok ng puso mo.. Parang slowmotion yung paligid tuwing kasama ko siya.. Parang ang saya ko araw araw.. Ngumiti lang siya nawawala na lahat ng lungkot ko.."

      Hindi ko namalayan na may pumapatak na palang luha sa mata ko..

      "And I think i've fallen for that guy.. Pero nung nagising ako.. Wala na siya ehh.. Wala na yung lalaking nagpasaya saakin sa sandaling oras. It was like i've fallen into a deep sleep and he's the sweetest dream i ever had.." At bigla akong napahagulgol..

     "I miss him so much.. Sana.. Sana kung may pagkakataon masabi ko sakanya itong nararamdaman ko.. Kristoff Salvador.. You're the smile to my face and the beat to my heart.. Thank you for being there.. I love you." And I end the video.. Hindi ko na kaya.. Biglang sumikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga ng maayos..

     Nasaan ka na ba Kristoff?! Mababaliw na ako sayo ehh! Sinarado ko yung laptop ko at nahiga.. Sunod sunod na umagos ang luha ko.. 1 week na akong ganito at dahil sakanya yun.. Ang sakit lang kasi hindi ko naman alam na parehas kami ng sitwasyon at hindi ko siya natulungan.. Miss na miss na kita Mr. Nobody.

      At di ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak..

    **end of Jewel's PoV**

    *Kristoff's PoV*

     "Kristoff napanood mo ba yung vlog ni Jewel?!"tanong ng kaklase kong babae.. Jewel? Bakit parang pamilyar..

      "Hindi eh."sagot ko.. Nakakahiya.. After ng incident ay naging feeling close na itong mga kaklase ko saakin at ang weird ng feeling na parang may babaeng bigla nalang nahahalo sa thoughts ko pero blurred ehh.. Hindi ko siya masyadong makita pero mukhang masaya ako kapag kasama ko siya..

      And the name Jewel is very familiar to me.. I think i know her..

     "Nakikinig ka ba Kristoff?"

     "Ha?"

     "Sabi ko panoorin mo yung vlog niya.. She mentioned you."sabi niya saakin.

     "Ako? Bakit daw?"tanong ko sakanya.

     "Panoorin mo nalang! Sige na mauna na ako!"sabi niya at tumakbo palayo.. Uwian na kaya nagdesisyon na akong maglakad pauwi.. Habang naglalakad ay may nabangga akong babae.

    "Ouch!"

    "Sorry miss!"sabi ko at inabot ang kamay ko sakanya.. Napatingin siya saakin at mukha siyang gulat  na gulat. Tumayo siya sa pagkakaupo niya at bigla nalang niya akong niyakap.

   "Akala ko kung ano nang nangyari sayo."sabi niya.. Teka..

    "Sophie?!"tanong ko.. Siya yung ex girlfriend ko na iniwan ako.. Bumitaw siya sa pagkakayakap..

    "Long time no see Kristoff.. Okay na ba pakiramdam mo?"nagaalalang tanong niya.

     "What do you want?" Tanong ko sakanya.

     "Sorry kung iniwan kita Hanggang ngayon mahal pa rin kita!"sabi niya at umiyak.

     "Sorry pero hindi na kita mahal.. At narealize ko na hindi ikaw yung babaeng kayang manatili sa buhay ko. Mauna na ako "sabi ko at iniwan ko siyang tulala sa park..

      Bigla akong napatingin sa side at may isang babae akong nakita na umiiyak.. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero alam kong saakin siya nakatingin. Lalapit sana ako sakanya pero bigla siyang tumakbo palayo..




Until The EndWhere stories live. Discover now