PART 2: THE SECOND CLASH-OFF

459 29 58
                                    

(Erielle's POV)

"I never liked numbers especially when it's mixed with alphabets. My brain couldn't contained it all that it feels like it's going to explode any moment." I whined as we walk in the hallways.

"Kailan ba gumana yang utak mo? Puwedeng-puwede mo nga yang ibenta ng mahal kasi slightly used. Hihihi! I-post natin sa Sulit.com. Post-usap-deal." Hagikgik na tugon ng kaibigan kong si Precy.

"You wanna die?" I glared at her.

"Nagbibiro lang naman ako. Ikaw naman, masyado kang seryoso." Aniyang natameme dahil alam niyang ayaw ko ng inaasar ako.

"Nasaan ba si Miko? Sabi niya ililibre niya tayo ng meryenda." I said as I searched through my bag to get my phone kaya naman hindi ko nakita na mayroon pala akong makakasalubong.

Feeling ko nauntog ako sa semento at biglang umikot ang aking paningin kaya nabitawan ko ang dala kong bag pero mabuti na lamang at hindi ako natumba.

"Okay ka lang?" Tanong ni Precy.

"Yeah, I'm fine." I said atsaka hinarap ang kung sinuman ang bumunggo sa akin. Pagtingin ko, tatlong nagguguwapuhang lalaki ang tumambad sa aking harapan. Teka, may photo shoot ba sa school at narito ang mga model sa harapan ko? Aish! Bakit ba yun ang iniisip ko? Erase, erase. Binunggo nila ako. Tama, BINUNGGO nila ako. I don't care even if they were oozing with sex appeal. Wala talaga akong pakialam kahit na biglang nabuhayan yung mga hormones ko nang makita ko sila. Aish. Stop it Eriella. There is no time for this.

"Hoy ikaw! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Angil ko sa lalaking nasa gitna na saksakan ng kaguwapuhan pero mukhang pinaglihi sa sama ng loob dahil sobrang lukot ang mukha nito na nakatingin sa akin. His stare is too strong and mysterious. For sure, he was the one who blocked my way. I rolled my eyes when he smirked at me. Tapos bigla na naman siyang sumimangot.

"Hindi ko kasalanan kung aanga-anga ka sa paglalakad. Kung puwede lang, umalis ka nga sa dinadaanan ko." Anang lalaki na akala mo hari ng daan. Nakasimangot ito habang nakangiti lang yung dalawang kasama niyang lalaki.

"Bakit, iyo ba tong daan?" Singhal ko sa kanya. Kapal ng mukha niya. Porket guwapo, akala mo kung sino. Pinaglihi naman sa ampalaya. Hmp!

"Girl, tara na. Baka mapahamak ka pa." Awat sa akin ni Precy na mukhang kilala kung sino ang tatlong guwapong lalaki. Well, hindi na ako magtataka dahil mahilig talaga siya sa guwapo at inaalam niya ang tungkol sa mga yun. She has this small notebook where she wrote down all the information of all the guys she had a crush on: from the name up to the size of their brief. Imagine that!

"Bakit ba? Sino ba sila? Sila ba ang may-ari ng school na ito? Hoy ikaw mayabang, pag-aralan mo kaya ang salitang "gentleman". Wala ata yun sa bokabularyo mo eh." Wala akong pakialam kung guwapo pa silang tatlo, lalo na tong lalaki na nasa gitna na makalaglag-panty ata ang kakisigan na parang si Adonis, yun nga lang, magkadugtong ata ang makakapal niyang kilay at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. He tilted his lips and narrowed his eyes as he looked at me that made me shiver. Nagulat ako nang biglang hawakan ng binata ang balikat ko at isinandal ako sa pader. Oh crap!

"Ikaw Ms. Bungangera, bakit hindi mo pag-aralan ang salitang pag-iingat? Isama mo na rin yung salitang mahinhin at katahimikan. Sa uulitin, kikilalanin mo kung sino ang kinakalaban mo. I guess you are not well-informed." Anito na inilapit ang mukha sa akin. Halos ga-dangkal lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko at amoy na amoy ko ang mabangong hininga na lumalabas sa kanyang bibig.

The Mischievous LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon