PART 8: UNEXPECTED VISITOR

411 24 30
                                    

(Erielle's POV)

I'm really not a morning person so it's hard for me to get up early in the morning. Tutal, Linggo naman so I have all the time to stay in bed till noon. Yey! My baby, we will be together till the clock ticks at noon. Yun ang akala ko. Grrrr.

Sino ba ang walanghiyang tao na galit ata sa doorbell ko at kanina pa iyon pinipindot. Damn it! Hindi niya ba alam na nakakaistorbo siya sa aking pagtulog? Gusto niya bang gawin ko siyang itik?

I checked out the time, it's only 7:30 in the morning. Grrr. Whoever this person is, may kalalagyan talaga siya sa akin. Nanggigigil na tumayo ako ng kama, walang hila-hilamos at mumog man lang dahil gustong-gusto ko nang sugurin ang walang modong nilalang na magiging itik maya-maya. You'll be dead! Nakakuyom ang mga kamay na bulong ko.

"Bakit ba? Ano bang kailangan mo?" Sigaw ko agad pagkabukas ko ng gate. "Hindi mo ba alam na nakakaistorbo ka ng tao? Alam mo ba kung anong oras pa lang?" Sunod-sunod na talak ko without noticing that I didn't grabbed my robe to cover my sleepwear. Manipis pa naman yun at kitang-kita ang suot kong bra at panty. Gulu-gulo din ang buhok ko at meron pa akong muta at laway. The hell I care!

"I'm sorry. I didn't intend to wake you up so early in the morning. Alam ko namang hindi ka morning person but I'm really worried about you. Ilang araw ka na kasing hindi nakikipag-usap sa amin." He said while looking at me, his gazed on my chest part and I saw him getting all flustered. Tapos, bigla niyang binalik yung tingin sa mukha ko.

"What are you looking at? At saka bakit ka ba nandito ha Miko? Di ba nga both you and Precy have already had enough with all my tantrums? So what do you need now?" Tanong ko na nakapamewang pa at walang pakialam sa kung anong itsura ko ng mga oras na iyon. I really don't care. Di ba nga, he rejected me last year so I don't care even if he stared at me like that. As if naman may mababago kung titigan niya ng maigi yung katawan ko.

"Eriella naman. Hindi naman sa ganon. Mabuti pa, maligo ka na at magbihis, then I will treat you out today to make it up to you." Anito na iniiwasang mapatingin sa ibabang bahagi ng katawan ko. "At saka puwede bang doon tayo mag-usap sa loob? Baka may ibang makakita sa'yo."

"Ayoko. Si Precy na lang ayain mo o kaya yung mga babae mo na parati mong ka-date. Tutal, sila naman yung mas masarap kasama kesa sa akin. At hindi pa sila bayolente na tulad ko." Sagot ko sa kanya. "At saka wala akong pakialam kung may ibang makakita sa akin. Bakit, mukha ba akong katawa-tawa?" Isasara ko na sana yung gate pero humarang siya doon.

"Hey! Huwag ka namang magalit. Peace na tayo." Anito na nagmamakaawa pero naiinis pa rin ako tuwing naaalala ko yung sinabi niya sa akin tapos pinaalala niya pa kung bakit ni-reject niya ako. "Hindi ko naman sinabing nakakatawa itsura mo. Medyo revealing kasi eh. Hindi ka man lang nagtakip ng robe bago ka lumabas."

Grr.. Dahil sa inis. Sinipa ko bigla yung paa niya kaya bigla siyang napaaray. "A-Y-O-K-O. Ayoko! Hindi tayo bati dahil ayaw ko. Gets!" Tapos tinignan ko siya nang masama. Yung tingin na nakamamatay. "At ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi ako nakapag-robe dahil sa pagmamadali kong bumaba para gawin kang itik."

"Erielle!" Sigaw nito."Sumusobra ka na ah. Porket babae ka, akala mo hindi kita papatulan." Anito na mukhang naiinis na din ata sa pananakit ko. Pero bago pa man siya makagawa ng kung ano, may biglang nagsalita na nakapagpalingon sa aming dalawa.

"Ano to? Ang aga-aga, naglalampungan kayong dalawa." Anang walang modong tao na walang iba kungdi si Yuane na noo'y nakasuot lang ng sandong puti at nakashorts na may tatak na Nike na halatang galing ata sa pagja-jogging dahil pawisan. Pero mukha pa rin siyang mabango kahit ganoon ang itsura niya. Aish! Letse! Ano bang nagawa ko kahapon at madaming kupal na umiistorbo ng pagtulog ko?

The Mischievous LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon