PART 24: PATCHING THINGS UP

255 16 2
                                    

(Yuane's POV)

After the party, I offered to send her home para naman makapag-usap kaming dalawa at pumayag naman siya. Thank God she did because I will drag her to come with me wether she like it or not.

Nang makaalis ang mga kaibigan niya, I automatically grabbed her hand and hold it firmly. She stared at me with that what-are-you-doing look she used to give me before but I just smiled at her and shrugged my shoulders.

We walked quietly, still holding hands. I'm feeling ecstatic that finally, she's in my arms again. Then bigla siyang tumigil sa paglalakad. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Tara, punta tayo sa beach." Aya niyang bigla.

"Ayos ka lang? Madaling araw na oh at saka may pasok pa tayo bukas." Sagot ko sa kanya.

"Hindi ko naman sinabing maliligo tayo eh. Pupunta lang naman tayo doon saka tanghali pa naman pasok ko sa school bukas." Sagot naman niya.

"Oh okay! Ikaw ang bahala."

"Tara!" aniya. Pumara kami ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na beach. Pagdating doon, magkahawak kamay pa rin kaming naglakad patungo sa may buhanginan. Then, naupo kami sa may malaking bato habang nakaharap sa dalampasigan sa ilalim ng maliwanag na buwan.

Nilingon ko si Erielle hoping she is looking at me too pero napakalayo ng tingin niya. Yung tipong tagus-tagusan na para bang nakikita niya yung dulo ng karagatan kahit na nga madilim sa parteng iyon.

"Why'd you have to come here?" Tanong niya pagkuwan. I looked at her and she's not smiling when she said that. Para pa ngang may galit sa tono ng kanyang pagsasalita

"Do I really have to explain that?"

"Yuane, hindi ka na dapat nagpunta pa dito. Hindi mo na dapat ako pinagmasdan sa malayo. Sana tuluyan ka na lang nagalit sa akin." Nakita ko yung mala-crystal na butil sa gilid ng kanyang mga mata na unti-unting namumuo pero pilit niyang kinokontrol ang kanyang sarili para hindi iyon tuluyang umagos. "Sana. Sana."

"Sana ano? Sana kinalimutan na lang kita? Yun ba yung gusto mong sabihin?"

"Oo. Maayos na ang lahat dito. Sana kinalimutan mo na lang na kilala mo ako. Yun ang dapat."

Buwisit na buhay to oh! Kanina lang, ang sweet namin sa dance floor, tapos magkaholding hands pa kami tapos ngayon. Ngayon... sasabihin niya na dapat kinalimutan ko na lang siya? What the f*ck is wrong with her?

Daig pa namin ang bipolar sa sitwasyon namin eh. Papalit palit ng emosyon all of a sudden.

"That's bullshit!" I screamed at her. "Do you think I didn't try my best to forget you? Nung umalis ka ng bansa nang hindi man lang nagpapaalam sa amin, sa akin, alam mo bang galit na galit ako noon. Gusto kong halughugin yung bahay niyo para lang makasiguro ako na hindi ka nila tinatago. Gusto kong murahin yung daddy mo na wala namang pagpapahalaga sa'yo." I brushed my hair, trying to control my feelings.

"Nagpalit ka ng number, dinilete mo ang account mo sa Facebook and you changed your email para lang hindi ka namin makontak. Oh yeah, you emailed Precy once to say that you're parents sent you abroad para mag-aral at biglaan ang lahat kaya hindi ka na nakapagpaalam. But that's it. Wala na kaming naging balita sa'yo. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit yun para sa aming mga kaibigan mo... sa akin... Napakasakit nun!"

"Bakit, sa tingin mo ba ginusto ko yun? Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan nung umalis ako nang hindi man lang kayo nakakausap? At sa tingin mo ba ganoon lang kadali na putulin lahat ng komunikasyon ko sa inyo? Nahirapan din ako Yuane." She replied, her tears already flowing like river.

The Mischievous LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon