PART 18: THE JEALOUS GUY

325 16 12
                                    

(Yuane's POV)

Pinaandar ko ng matulin yung motor ko right after makarating ako sa may overlooking. Naiinis ako kay Erielle. Grrr. Imagine, paggising ko kaninang umaga, wala na siya. All she left is that stupid little note saying "bye". What the f*ck!

Effin sh*t! Pag nakita ko siya, naku talaga! Gugulpihin ko siya. Gugulpihin ko siya ng yakap ko at bubugbugin ko siya ng mga halik ko. Arrgghhh!

Pagdating ko sa bahay, hindi ko nakitang nakapark sa tapat ng unit niya yung kotse na ginamit niya so I really wonder kung bumalik ba siya sa mansion nila.

"Where the hell is she?" I asked myself without noticing that Indigo was there looking at me confused.

"Hey!" tapik niya sa akin.

"Oh, pre! Kanina ka pa ba dyan?" I asked him.

"Yeah. Sort of. At kanina pa kita pinagmamasdan. Why are you spacing out?" Anito na parang may ibang ibig sabihin.

"What do you mean?"

"Bakit titig na titig ka sa gate ng unit ni Erielle? Is there something wrong or are you plotting something against her while she's not around?"

"Huh? Nakatitig? Hindi no! May iniisip lang ako. I didn't noticed that I was staring at her gate. Kung ano-ano naiisip mo." Maang-maangan kong sagot.

"Okay. If you say so... By the way, where have you been? Kahapon pa kita hinahanap."

"Wala.. nagpahangin lang kung saan-saan. Why are you looking for me?" I said wanted to dismiss him.

"Nevermind, mukhang masama ang timpla mo so I'll be back. Pupuntahan ko na lang muna si Erielle." Aniya at akmang sasakay sa kanyang motor pero pinigilan ko siya.

"Where is she?" I blurted out. And that made him to look at me suspiciously.

"Why'd ask? Wala ka namang pakialam sa kanya right? Parati mo lang naman siyang inaaway di ba?"

"Just tell me where is she. I want to see her." Sigaw ko. Feeling ko biglang lumabas lahat ng litid ko sa leeg maging sa noo dahil sa inis ko. Buwisit! I wanted to know where she is and ask her what really I am to her.

"Relax! Why are you so mad? Hindi ko din alam kung nasaan siya. I was calling her phone pero mukhang nakapatay." Sagot niya.

"Puwede ba, wag mo na akong lokohin. Where is she? Tell me where is Erielle?"

"Yuane, hindi ko nga alam. Magbabakasakali lang ako. Baka nandoon siya sa mansion nila." Aniya na tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kuwelyo niya. "Tell me Yuane, do you like her?" Tanong niya habang inaayos ang kanyang kuwelyo.

Oo.. gusto ko siya. Gusto ko si Erielle. Sigaw ng puso at isipan ko but I don't have the courage to tell it to him. Baka pagtawanan niya lang ako.

"Huh? Nagpapatawa ka ba? Don't say nonsense!" Faking a smile, I answered him to deny the truth.. Bigla rin akong nag-iwas ng tingin.

"If you don't like her, why are you so eager to know where she is?"

"Wala lang. Ang tagal ko na kasi siyang hindi nakikita, maging sa school."

"Oh really? Di ba nga dapat happy ka dahil hindi mo siya nakikita? I remember, you wanted to ditch her so badly. So anong nangyayari ngayon? Bigla atang nag-iba ang ihip ng hangin."

"Wala kang pakialam." I said irritated. Para kasing iniimbestigahan niya ako sa paraan ng pagtatanong niya.

"I wanted to tell you this again... I like Erielle, so if you want to hurt her, ako ang makakalaban mo." Ani Indigo at saka pinaharurot na ang kanyang motor at iniwan ako.

The Mischievous LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon