PART 21: ENCOUNTER WITH MR. DELMUNDO

273 17 4
                                    

(Erielle's POV)

Simula ng umamin sa akin sina Indigo, Yuane at Miko, parang lalong naging magulo yung mundo ko. I mean, things became Uber-complicated as it is pero maayos na kami ni Indigo at Miko. Tanging si Yuane na lang ang hindi ko kayang harapin. Hay buhay!

Hindi ko kasi alam kung dapat ba akong maniwala sa kanya eh. Shemay! Pero ayaw ko mang isipin, natutuwa ako dahil feeling ko, ang ganda-ganda ko. Imagine, tatlong lalaki ang nagtapat sa akin ng pag-ibig nila. Daig ko pa si Sarah G. Hehehe!

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ni Precy. She narrowed her eyes as if trying to examine me but I just flipped my hair, and smiled. Nandoon kami sa may coffee shop. Thank God at wala yung tatlong asungot.

"Wala naman. May naalala lang akong bigla."

"So, ano na bang decision mo regarding sa panliligaw sa'yo nung tatlo?" She asked as she sipped on her frappe.

"I don't know. Hindi ko alam kung paano ko sila pagbabati-batiin eh. I mean, Indigo and Miko are in good terms. Pero si Yuane, hindi ko alam. Alam mo namang malaki ang topak nun eh."

"It's not what I mean girl. Sino ba sa kanila ang gusto mo para naman matigil na sila sa pangungulit sa'yo. Besides, masyado na atang mahaba ang buhok mo no? Gusto ko na ngang putulin eh." Aniya.

"Ang hirap naman kasi mamili eh.. I like all of them in different levels.. They gave me butterflies whenever I'm with them. Not literally butterflies, pero napapasaya nila ako." Sagot ko. Totoo naman yun.. Kapag ka-date ko sila ng hiwa-hiwalay, lahat yun may kilig, maliban nga pala kay Miko because I already turned him down. Pero ayaw niya talagang tumigil eh.

"Even with Miko?" tanong ni Precy with that sad look in her eyes. Yung tingin na punong-puno ng pagsamo at kawalan ng pag-asa.

"Tell me honestly, you do like him, right?" I asked her bluntly na ikinalaki ng kanyang mga mata.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo dyan. Wala akong gusto kay Miko no? Wala talaga. As in wala." Tarantang sagot nito sabay inom sa mainit kong kape. Napaso tuloy yung dila niya. "Aaah.. ang init."

"Hahahahahahahaha! Gotcha!"

"Hey, what do you mean gotcha? I said I don't like him." Nakasimangot na tugon nito matapos uminom ng malamig na tubig para sa napaso niyang dila.

"Your mouth says no but your heart says yes. You don't have to be defensive. Hindi ka naman matataranta kung wala talaga di ba?" I said smiling as I grab the last muffin I had in my plate.

"Hay, hindi nga kasi. Mali ka lang ng akala." She said still denying her feelings. Ni hindi nga siya makatingin ng deretso sa akin.

"Precy, I'm your friend. You've been there for me always. You don't have to keep it from me."

"But..." She said pausing for a while. "It's hopeless. Miko loves you." Napabuntong-hiningang wika ni Precy. Napasandal pa ito sa upuan, feeling helpless.

"Girl, I already moved on. I don't have any feelings for him. What you need to do now is to divert his attention to you."

"How would I do that? He's always eyeing on you. Kung puwede nga lang siyang lasingin saka pagsamantalahan, ginawa ko na. Para wala na siyang kawala sa akin." She said pouting her red thin lips.

"Hahahaha! Well, I will set you up with him. Basta, gagawa ako ng paraan na parating kayong dalawa ang magkasama. Then, make sure you will tell him what you feel."

"Pero..."

"Wala ng pero pero... basta.. I will help you."

"Erielle..."

The Mischievous LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon