PART 17: WHERE IS MY PEACE OF MIND

266 12 6
                                    

(Erielle's POV)

Sa wakas, natahimik din ang buhay ko matapos ang pakikipagbakbakan sa mga baboy, sa madumi at mabahong putik at sa nakakakilig este nakakainis na si Yuane.

Naglalakad ako sa may dalampasigan at hinayaan ko lang na basain ng alon ang aking mga paa. Nakalubog na ang araw at hindi gaanong maliwanag ang buwan ng gabing iyon. Para bang nakikisama ang langit sa nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Paano ba ako magkakaroon ng peace of mind kung alam kong kasama ko sa lugar na ito si Yuane? He is one of the reasons why I wanted to be alone... I wanted to clear my thoughts and my feelings. At hindi mangyayari yun kung makikita ko siya.

I keep walking along the shore at nakakita ako ng isang paper lamp na pinalipad sa hangin. Naalala ko tuloy yung gabi ng engagement ng kapatid ko. Actually, I remember all of what happened that night. ALWAYS.

Yeah, family ko sila kahit na nga hindi nila ako tinuturing na kapamilya. Ni hindi ako ituring na kapatid o kapuso. Para sa kanila, isa akong tagalabas na hindi dapat papasukin sa kanilang mundo dahil baka magkaroon iyon ng lamat. Kumbaga isa akong anay sa napakagandang muwebles, at walang sinuman ang may nais ng isang anay.

I smiled bitterly. Why am I the only one suffering? Bakit kailangang ako ang magbayad sa kasalanang wala akong kaalam-alam? Bakit kailangang mamuhay akong mag-isa? At bakit kailangang manlimos ako ng pagtingin sa kanila?

All my life, I've been begging for love and their attention. Hanggang sa lumaki ako at magkaisip, ni minsan hindi ako nakaranas na mahalin. I felt terrible.

This world is so cruel to me.

Then out of the blue, nakita kong papalapit sa akin si Yuane na nakalantad ang kalahati ng kanyang katawan na akala mo may pictorial. Bigla tuloy kumalabog na naman yung puso ko at bigla na lang sumikip ang aking dibdib at nahirapan akong huminga. I have to catch my breath all of a sudden. Hala! Ano na bang nangyayari sa puso ko. Lagi na lang nagwawala tuwing malapit si Yuane. OMG! Sheesh. This is the reason why I don't want to be with him for the meantime.

Parang gusto kong tumalikod at tumakbo palayo kesa ituloy ang paghakbang paharap sa binata. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Baka kasi... baka.. baka bigla na naman akong makapagsalita ng kung ano-anong kabalbalan. Minsan pa naman, naiisip ko pa lang, nasasabi na ng labi ko. Shemay!

Tumigil ako sa paghakbang. Kasi naman eh. Bakit kasi ganun na lang katamis yung ngiti niya sa akin. Naka-shorts lang siya tapos walang pang-taas kaya ayun, kitang kita yung maskulado niyang katawan. Nate-tempt tuloy akong yakapin siya.. Grrrr! Sino ba kasing nagsabi sa kanya na normal lang na maghubad ng damit kapag nasa may beach? Hindi niya ba alam that he's freakin' hot when he's looking like that?

Ipinilig ko yung ulo ko sabay talikod sa kanya. Baka kung ano pa ang magawa ko. Mas mabuti ng umiwas na lang kesa makipagsapalaran. Binilisan ko yung lakad ko palayo sa kanya pero ayun. hindi rin ako nakalayo kasi ang lalaki ba naman ng hakbang niya. Nagulat na lang ako ng hawakan niya yung balikat ko.

"Hey, where do you think you're going?" aniya na nakahawak sa balikat ko. I felt a chill down my spine when I felt his breath when he speaks.

"Hmmm, magpapahangin lang... maglalakad-lakad." Sagot ko na hindi man lang humaharap sa kanya. Bigla akong napalunok nang sabihin ko iyon. My palms started to sweat, and my knees became weak.

"Kanina ka pa lakad ng lakad at pahangin ng pahangin, baka bigla mo na lang maisipang magpakalunod sa dagat. Kargo de konsensya pa kita."

Tinapik ko yung kamay niyang nakahawak sa balikat ko. "Eh ano naman kung magpakamatay ako? Okay nga yun para matahimik na ang buhay nating lahat. Buhay ng parents ko, ng mga kapatid ko, nila Precy, ikaw at siyempre buhay ko."

The Mischievous LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon