PART 14: ESCAPE FROM REALITY

326 21 14
                                    

(Erielle's POV)

I've been staying in the mansion for a week dahil isinama ako nila mommy sa engagement party ni Ate Andrea. Hindi sana ako pupunta pero nagpumilit si mommy. Hinahanap daw kasi ako ng mga reporters kaya wala silang nagawa kungdi magpanggap na tanggap nila ako, I mean to pretend that we are one BIG HAPPY FAMILY. Bullshit!

May family picture pa nga kami kasama nung mapapangasawa ni Ate pero for sure, kung maari lang, baka cropped yung mukha ko sa picture na iyon. Tss.

Natuwa naman ako dahil madami akong nakilala that night. Mga binatang anak ng mga ka-business collaborates ni Mr. Ricardo Delmundo... Hahahaha! Yeah, yan ang tawag ko sa kanya kasi di ba nga, hindi ko naman talaga siya daddy. At saka naniniwala ako na yun naman talaga ang gusto niyang itawag ko sa kanya. As if naman gusto niyang tawagin ko siyang daddy. Tsk.

So ayun nga, marami akong nakilalang bachelors at takang-taka sila kung bakit ngayon lang nila ako nakita. Gusto ko na sanang sabihin na pinalayas kasi ako ng mga magulang ko eh at ipinatapon sa malayong sulok ng planetang earth at nakatira talaga ako sa planet Pluto. Hahahaha! Pero ayun, bago pa ako makapagsalita, sumingit na si mommy at sinabi sa kanila na I was too independent kaya may sarili akong unit. Aish! Panira ng moment!

Pero sa dami nila, wala akong naalala kahit isa. Abala kasi yung isip ko sa kakaisip kay Yuane! Buwisit kasi yun! Bigla-bigla na lang sumasagi sa isip ko tapos dahil isang linggo ko na siyang hindi nakikita, nami-miss ko yung pagbabangayan naming dalawa. Aish!

Lumilipad pa yung isip ko nang biglang mag-ring yung phone ko. Unknown number kaya naman hinayaan ko lang na mag-ring. Baka kasi isa yun sa mga bachelors nung engagement party ni Ate Andrea. Wala akong panahong makipaglandian kahit isa sa kanila.

Wala sana akong balak na sagutin yung tawag pero ang kulit nung caller kaya sa pang-apat na tawag, sinagot ko na rin. At ganoon na lang ang lakas ng tibok ng puso ko nang malaman kong si Yuane pala. Parang biglang akong nakaramdam ng kakaibang tuwa pero siyempre, hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

Walang kagana-gana yung mga sagot ko sa kanya at ilang beses kaming nagbarahan pero deep inside me, natutuwa akong marinig ang boses niya kahit na nga sinabihan niya akong aanga-anga at saka ako pinagbabaan ng telepono. Aisssshhh!

Kinabukasan. Kinuha ko ang susi ng itim na Toyota CRV na siyang pinakapangit at pinakamurang kotse na pagmamay-ari nila Mr. Delumdo na ginagamit ko paminsan-minsan. Nakasakay na ako sa kotse nang bigla akong katukin ng isa sa mga drivers.

"Ma'am Erielle, saan niyo po dadalhin tong kotse? Kabilin-bilinan po ng mommy niyo na huwag kayong pagamitin ng sasakyan." Anito.

"Sabihin mo kay mommy, hihiramin ko lang to saglit. Ibabalik ko din agad."

"Pero ma'am, magagalit po yun. Bumaba na po kayo diyan."

"Manong Gary, pag hinanap ni mommy tong kotse, sabihin mo dinala ko kamo sa impiyerno. Sige po, bye!" at matuling pinaandar ang sasakyan bago pa man maisara ang automatic gate. Daig ko pa yung driver ng isang race car sa tindi ng pag-drift ko para lang hindi maipit yung kotse sa gate. Hahahaha!

Hinarang pa nga ako sa gate ng subdivision pero dahil tinakot ko ang mga guards, pinalabas na rin nila ako. At saka kahit naman takutin nila ako, babanggain ko lang yung harang eh makakalabas na ako. Bahala na si Mommy na magbayad ng damages if ever.

I drove the car away somewhere where no one who could recognize me. Somewhere I could breathe freely and have some peace of mind.

Habang tinatahak ko ang kahabaan ng EDSA going Southbound, I've decided to turn off the AC para tipid at saka ko binaba ang mga bintana. Di baleng mapolusyon, sanay naman na ang baga ko dun.

The Mischievous LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon