PART 25: LAST DAY WITH YOU

251 15 2
                                    

(Yuane's POV)

It's been a week since I last saw Erielle and it felt like eternity. Parang kulang ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang mga ngiti niya, hindi ko naririnig ang tawa niya. Miss ko din yung petty quarrels naming dalawa. For the last four months, our relationship was like a see-saw; it was full of ups and downs, yet we remain together. We tried to be strong for each other.

Sa tuwing nandiyan ang parents niya, we're not allowed to see each other that's why I really hated when they come to visit her. I wanted to tell her that pero ayaw ko namang maging selfish. Parents niya pa rin ang mga iyon at masaya ako na magkasundo na sila. How about me?

Until when am I going to hide from them. I know they only wants the best for her, pero para sa akin, wala ng iba pang nararapat para sa kanya kungdi ako. Ako lang at wala ng iba pa.

I was holding our picture together. Her wide smile that emits sunshine aura rays that made me fall in love with her every single day. Hindi ko na makakaya na muli pa siyang mawala sa akin. Minsan, namimiss ko din yung dating kami, yung parating nagbabangayan sa tuwing magkikita pero mas namimiss ko yung mga panahong magkayakap kami, magkahawak kamay at tila ba kami lang yung tao sa mundo.

Nagpasya ako ng puntahan siya sa bahay niya kesehodang naroon pa ang parents niya. Magalit na sila kung magalit pero wala na akong pakialam. Miss na miss na miss ko na si Erielle. Kaya naligo ako agad, nagpaguwapo, nagpabango at saka nagpasyang lumabas ng bahay.

But I was surprised nang buksan ko ang pinto.

There she was, standing in front of me smiling sweetly. I guess she was about to push the doorbell when I opened the door.

"Hi!" bati niya sa akin. Without realizing it, I throw myself at her and sealed her lips with mine; a long passionate and solid kiss. We're catching our breath when I let go of her.

"You seems pretty hungry with my lips that you want to eat me alive." She said laughing. Hinigit ko ang bewang niya at saka niyakap siya nang mahigpit na mahigpit. Yumakap din naman siya sa akin.

"I'm sorry. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Miss na miss na miss na miss na talaga kita."

"I missed you too... Love you."

"I love you more." Then I planted kisses all over her face.

"So, where are you off to? Mukhang may lakad ka ata?" tanong niya sa akin.

"Pupuntahan sana kita eh."

"May mental telepathy ata tayong dalawa eh. Gusto na kitang makita kaya nagpunta ako dito sa bahay mo." Aniya.

"Umalis na ba ang parents mo?" tanong ko.

"Not yet. Bukas pa sila babalik ng Pilipinas." Bigla ko siyang inilayo sa akin..

"Then paano ka nakapunta dito? Anong sinabi mo sa kanila? Alam ba nila na umalis ka ng bahay? May kasama ka bang body guards? Tumakas ka ba sa inyo?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Hahahahaha! Hahahaha! Hahahaha!" tawa lang ang sagot niya sa akin saka hinawakan ang magkabila kong pisngi at saka kinurot ang ilong ko. Favorite niya talagang gawin yun. "Don't worry, hindi ako tumakas ng bahay, wala din akong kasamang bodyguards. I told them I'm going out with a friend of mine at pumayag naman sila."

"Friend of mine?" ulit ko. Para bang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng marinig ko yun. Alam ko naman yung sitwasyon naming dalawa pero masakit pakinggan. It felt like a knife was deeply struck in my heart and I started to bleed that moment.

"I'm sorry. Alam mo naman yung sitwasyon natin di ba? Besides, sabi ni daddy, bawal pa akong mag-boyfriend as long as hindi pa ako nakaka-graduate. I know you understand me, right?" Aniya na nagpa-puppy eyes pa. Imbes na sumagot, niyakap ko na lang ulit siya.

The Mischievous LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon