PART 16: BETCHA BY GOLLY PIG

262 19 5
                                    

(Erielle's POV)

Amoy na amoy ko ang pabango niya dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Grabe, lalaking lalaki yung amoy niya. Nakakaadik.. OMG! Pero wait nga, hindi ako makahinga. Grabe naman to, niligtas niya ba talaga ako o gusto niya akong patayin sa yakap? Kumag na ito.

Bitiwan niya naman ako ng sabihan ko siya. Pero parang ang awkward lang ng feeling. Kasi naman eh. Bakit kasi parang kinikilig ako sa ginawa niya?

Hay naku, mali to. Mali talaga.. Teka, di ba gagantihan ko pa siya? Hmmm... Madala na nga dun sa exciting event na nakita ko kanina. Dinala ko siya doon sa may kumpulan ng mga tao. Naghihiyawan ang mga ito dahil sa magiging palaro ng araw na iyon.

"Welcome sa ating palarong tinaguriang "Betcha By Golly Pig." Anunsyo ng may hawak ng microphone.

"Ang rules ng palarong ito ay simple lang. Paunahan lang makahuli ng dalawang biik na nakakulong dito sa may putikan. Ang mananalo ay mag-uuwi ng P 2,000.00 pesos." Anito kaya naman naghiyawan ang mga tao. "Woooohhhh...wooohhhh!"

"Maari lamang pong magtaas ng kamay ang mga nais lumahok at pumasok sa loob kung saan naroroon ang mga biik."

Apat na lalaki agad ang nagpresinta at pumasok sa square kung saan nandoon ang mga nagtatakbuhang mga biik. At may dumagdag na dalawang matabang babae na para bang nanay ata nung mga biik. Hehehehe! Peace men.

"Anim lang ba ang may lakas ng loob na humuli sa ating mga biik? Wala na bang sasali?" tanong ng announcer.

"Siya po. Si Yuane po. Sasali po siya." Sigaw kong bigla kaya natuon ang tingin ng mga tao sa amin.

"Anong pinagsasasabi mo diyan?" Tanong niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Yuane! Yuane! Yuane!" Sigaw ko at biglang nagsigawan din ang mga tao.

"Yuane! Yuane! Yuane! Yuane! Yuane!"

"Mukhang may magiting tayong manlalaro ngayong taon. Mr. Yuane, maaari ka ng pumasok sa loob."

Atubili pa ang binata na pumasok pero nahiya ito sa mga taong naroroon kaya naman pumasok ito sa loob ng mini arena. Tumingin pa muna siya sa akin ng matalim na para bang gusto akong sakalin ng mga oras na iyon. Binigyan ko lang siya ng matamis kong ngiti. Hahahahaha!

Bigla akong napalunok nang hinubad niya yung suot niyang t-shirt at lumantad ang mala-model niyang katawan. Shit, para akong kinikiliti! Hinubad niya din pati sapatos niya saka inihagis sa akin. Langya, muntik pa akong tamaan sa mukha. Buwisit ka talaga!

Bumilang ang announcer ng "5,4,3,2,1" at nagsimula na ang paligsahan.

Hahahahaha! As in nakakatuwa kasi lahat sila, hinahabol yung tatlong biik na naroroon. May mga natumba sa putikan, meron namang nadulas. Grabe, lahat sila punong-puno ng putik. Tawa lang kami ng tawa kaya bigla akong nagulat ng biglang iabot sa akin ni Yuane yung biik.

"Oh, hawakan mo." Aniya.

"Oh my God!" Tili ko kasi ang dumi nung biik. Punong-puno ng putik yung damit ko at para bang biglang gustong kumawala nung biik kaya hinigpitan ko yung hawak ko. I hate you Yuane! Grrrr!

Habang nagngingitngit ako, biglang sumigaw yung announcer ng "We have a winner!" kaya napalingon ako. Nakita ko si Yuane na hawak-hawak yung isang biik sabay lapit sa akin.

Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao at bigla na lang... as in bigla niyang binitawan yung biik at saka ako binuhat. Hala ka!

"Waaaaahhhh! Yuanito, ibaba mo ako." Tili ko at walang ano-ano ay ibinagsak niya ako sa putik. As in ibinagsak ako, una puwetan ko.

Arayyyyyy kupo! Nakahawak ako sa puwetan ko nang bigla siyang lumuhod sa harap ko ng nakangiti. Alam mo ba yung ngiti na nang-aakit, isama mo pa yung maganda niyang katawan na lantad na lantad na parang ang sarap hawakan kahit pa nga may putik iyon.

"You ask for it. Now we're even." Then he pat me on my head. Waaaaahhhhhhh!

My hair. My hair. It's my haiiirrrrrrrr! Sa sobrang inis ko, bigla ko siyang tinulak at natumba kaming pareho. Siya sa ilalim at ako ang nasa ibabaw niya.

"Ang adik mo. I hate you! Look what you've done to my hair? Argggghhh! Nakakainis ka Yuane." Without realizing that we were in an awkward position. Nakangiti lang siya sa akin ng nakakaloko kaya lalo akong nainis.

"Okay lang yan, maganda ka pa rin naman eh. You can be the queen of putik! Hehehe!" panga-asar niya sa akin. Sa inis ko, pinunasan ko ng putik yung mukha niya at hindi man lang siya pumalag. Natauhan lang ako ng biglang maghiyawan ang mga tao.

"Kiss! Kiss! Kiss!" Sigaw ng mga ito kaya bigla akong napalingon then tinignan ko siya. Doon ko na-realize na ang sagwa ng posisyon naming dalawa. Bigla akong napatayo sabay layo sa kanya.

"Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!" Sigaw pa rin ng mga tao. Inakbayan niya ako then give me a smack on my lips na lalong ikinahiyaw ng mga taong naroroon.

"Ang sweet naman ng ating winners. Let's give them a round of applause." Anang announcer.

"Ang sarap ba ng putik?" bulong niya sa akin na noo'y nakaakbay pa rin.

"Oo, ang sarap. Ang sarap sarap." At saka ko siya siniko bago ako tumakbo palayo.

"Araaayyyy!" Sigaw niya na ikinagulat ng mga tao.

"Now we're even! Bleeeeehhhh!" I stick-out my tongue at him.

4

 ------

A/N: Seriously, ilang beses na akong naka-attend ng fiesta pero never ko tong na-experience... Why oh why? Syempre, ayoko kayang maputikan and besides, ang hirap kayang hulihin yung baboy.. Geez... Hahaha!! Arte lang..

Pero kilig siguro talaga kapag ang kasama mong huhuli ng baboy eh yung crush mo.. Shemay, kahit maligo pa ako ng putik kung si Mr. Crush naman ang kasama ko,, okay lang.. as in okay lang talaga.. Hahahaha!!! 

landi much! *_*

The Mischievous LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon