The New Girl In Town

12.2K 243 23
                                    




1988

"Julia, gumising ka na!"

Mabilis na dumilat ang mata ko ng marinig ang boses ni Nanay.

Nalanghap ko ang amoy ng ginigisang bawang.

Sigurado ako na nasa kusina siya at naghahanda ng almusal naming magkapatid.

Imbes na tumayo, nanatili akong nakahiga at tahimik na nagdasal.

Pagkatapos ay nag-inat muna ako at hinintay na tuluyang magising ang aking diwa.

Alas-siyete pa ang simula ng flag ceremony pero alas-singko pa lang ng madaling draw ay ginigising na kami ni Nanay para maghanda.

Dahil malapit lang ang St. Michael's sa tirahan namin, naglalakad lang kami ni Sandra papasok.

Sa hapon, sinusundo naman kami ni Tatay bago siya umuwi.

Driver ang trabaho niya at dahil sa maaga siyang namamasada, hindi niya kami naihahatid sa eskuwelahan.

"Hindi ka ba babangon?" Sigaw ulit ni Nanay.

Galit na siya at kailangan ko ng gisingin si Sandra kung ayaw naming masermonan pareho.

"Huwag mong hintaying pumunta ako sa kuwarto ninyo at gisingin ko kayong dalawa ng hawak kong sandok!"

"Bumangon na po ako, Nay." Sagot ko.

Niyugyog ko si Sandra na naghihilik pa dahil sa himbing ng pagkakatulog.

"Ano ba? Natutulog pa ang tao eh." Inis na hinawi niya ang kamay ko.

"Gumising ka na kung ayaw mong mapalo." Hinila ko ang kumot na nakabalot sa kanya pero pilit niyang hinila ito.

"Ate, fifteen minutes pa please?"

"Tanghali na! Baka mahuli kayo sa pagpasok. Hindi ba talaga kayo babangon ha?" Nakakakulili ang boses ni Nanay.

Padabog na tumayo na ako mula sa maliit na kahoy na kama na hinihigaan namin.

"Bahala ka kung ayaw mong bumangon!" Pananakot ko kay Sandra.

Sinuot ko ang tsinelas na nasa gilid ng kama at muntik na akong madapa dahil sa nasagi ko ang pusa naming si Mistika.

Umingit ito dahil nasaktan.

Nagsorry ako na parang tao ang naapakan ko.

"Ikaw naman kasi. Ang hilig mong humiga sa lugar na maaapakan ka." Kinarga ko siya at binitbit palabas ng kuwarto.

Nang makita ako ni Nanay,hinanap niya si Sandra.

"Tulog pa po."

Nakapamewang siya habang nagluluto at umiling ng marinig ang sagot ko.

"Ang batang iyan talaga, parang mantika kung matulog."

Nilapag ko si Mistika sa gilid ng sofa at pumasok na ako sa banyo para maligo.

Bago ko isara ang pinto, narinig kong sumigaw ulit si Nanay at tinawag si Sandra.


"Malilate na tayo dahil sa kagagawan mo," Paninisi ko kay Sandra habang tumatakbo kami papasok sa gate ng St. Michael's Academy.

Fourth year high school ako samantalang sophomore naman siya.

"Ang tagal mo naman kasing maligo." Depensa niya.

"Kasalanan ko pa ngayon? Eh kung hindi ka pa pinuntahan ni Nanay sa kuwarto, hindi ka pa babangon." Lalo kong binilisan ang pagtakbo para hindi kami mapagsarhan ng gate.

Arizona DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon