Arizona From A Different Angle

3.3K 139 1
                                    




                 


Kapag Sabado, pagkatapos ng basketball practice, sumasama ako kay Tatay sa pasada.

Hindi ang pagkukonduktor ang dahilan kung bakit ako nagpupumilit na sumama sa kanya kundi gusto kong matutong magmaneho.

Pinapanood ko ang ginagawa niya at noong nakaraang taon ay pinayagan niya ako na mag-aral.

Bago kami umuwi pagkatapos ng biyahe, pumupunta kami sa isang bakanteng lote kung saan tinuturuan niya ako.

Noong umpisa, mahirap dahil sa hindi naman power steering ang jeep bukod pa sa mabigat ito.

Pero ng maging gamay na ako, naging madali na lang ang lahat.

"Kapag nalaman ng Nanay mo na marunong ka ng mag-drive, siguradong lagot tayong dalawa," nakangiting sabi sa akin ni Tatay ng mapaandar ko ang jeep ng mag-isa.

"Secret lang natin 'to Tay," sabi ko sa kanya.

"Hindi pwede, anak. Ako ang magsasabi sa kanya para ako lang ang mapagalitan,"

***

Pagkatapos ng basketball practice, hinintay ko si Tatay sa gate ng school.

Dahil halos maga-alas kuwatro na kami natapos , sigurado ako na gagabihin kaming dalawa sa kalsada.

Ang ruta niya ay Divisoria/Pasay Taft.

Kapag may pasok, madaling mapuno ang jeep.

Pero dahil Sabado, konti lang ang pasahero lalo na kung hapon.

Kaya naman todo-kayod ang aking ama.

Buti na lang at iskolar kaming dalawa ni Sandra sa St. Michael dahil hindi kakayanin ng magulang ko ang tuition.

Tumutulong si Nanay sa pamamagitan ng manicure at pedicure.

Lagi ngang kinakantiyawan si Tatay ng mga kasama niya dahil sa ang linis ng kuko nito bukod sa merong colorless na nail polish.

"Kayo na ang mag-asawa ng manikurista," natatawang paliwanag niya sa mga kasama.

***

Maga-alas sais na ng gabi ng mapadaan kami sa City Hall.

Malayo pa lang ay namataan ko ang isang babae na nakatayo sa ilalim ng isang puno.

Kahit saan ko siya makita ay hindi ako pwedeng magkamali na si Arizona iyon.

"Tay, pwede po bang tumigil kayo sa tapat ng babaeng iyon?" tinuro ko ang pwesto ni Arizona.

"Bakit anak? Kilala mo ba siya?" tanong ni Tatay.

"Kaklase ko po siya," sagot ko.

"Ano kaya ang ginagawa niya dito?"

Papunta na sa lugar ni Arizona si Tatay.

Nagmenor siya ng malapit na kami.

Sa itsura ni Arizona, parang natatakot ito.

Tinitingnan siya ng ibang taong sa paligid niya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng kanyang backpack.

Tumigil si Tatay sa tapat niya at pasigaw kong tinawag ang pangalan niya.

Hinanap niya ang pinagmulan ng boses at nilabas ko ang ulo ko para makita niya ako.

Kinawayan ko siya at nagmamadali itong lumapit.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"English speaking anak?" tanong ni Tatay.

Arizona DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon