Off-Kilter

1.8K 91 5
                                    




                 

"I am glad it cannot happen twice, the fever of first love. For it is a fever, and a burden, too, whatever the poets may say." -Daphne Du Murier, Rebecca


***

Nagsabi na si Arizona sa daddy niya.

Habang nagbibihis kami sa locker room ay paulit-ulit na naiisip ko ang sinabi niya.

"Are you okay, Jules?"

Nagulat ako ng makitang nakatayo siya sa tabi ko.

Nakatayo ako sa tapat ng lababo at hindi pa din sinusuot ang jersey t-shirt.

"Yeah, I'm fine." Paulit-ulit akong kumurap.

Dumating na ang ibang Warriors at nagbibihis na din sila para sa practice.

"Are you going to put on your shirt or are you playing in your sports bra?" Nakangiti siya at nanunukso ang asul na mga mata.

Nagmamadali kong sinuot ang t-shirt at sabay kaming lumabas sa gym.

***

"Julia, ikaw ang bantay ni Reyes!" Sigaw ni Rose.

Nakapamewang siya at nakakunot ang noo.

Ako naman, wala sa sariling kinamot ang ulo.

Tumawag ng timeout si Rose at patakbong lumapit sa akin.

Apat na puntos ang lamang ng grupo nina Arizona.

Limang minuto na lang at tapos na ang practice.

"Okay ka lang ba?" hinawakan niya ako sa balikat habang naglalakad kami palapit sa bleachers.

Tumango ako.

Nilingon niya ang ibang players.

Ang iba sa kanila, nagtatawanan o di kaya ay umiinom ng tubig.

Nakaupo si Arizona sa bench at kausap si De Jesus.

Nakangiti si De Jesus at parang aliw na aliw sa kwento.

Kumakaway-kaway pa ang mga kamay ni Arizona na parang isang conductor sa orchestra.

"Hindi ako naniniwala sa'yo."
"Nagsabi na si Ari sa daddy niya." Pagtatapat ko.

Kumunot ang noo ni Rose.

"Eh bakit ganyan ang itsura mo? Daig mo pa ang nalugi." mahinang tanong niya.

"Alam mo ang ibig sabihin nito di ba?"

"Hindi ko alam." Prangkang sagot niya.

"Rose, ibig sabihin, kailangan ko na ding magsabi sa magulang ko."

Bigla siyang natawa.

"That's not how it works, Julia." Umupo kami sa bench malayo sa mga Warriors.

"Just because she came out to her dad eh ganun din ang gagawin mo." Paliwanag niya.

"Pero napipressure ako."

"Saan?"

"Akala ko kasi, nang sinabi niya to keep this a secret eh paninindigan niya. Tapos kanina, hinatid siya ng daddy niya."

"Anong sabi sa'yo?"

"Ingatan ko daw si Arizona."

Napailing siya.

"Kaya naman pala napressure ka dahil siguradong lagot ka kapag may ginawa kang kalohohan sa anak niya."

"Hindi ka nakakatulong." Inis na sinabi ko sa kanya.

Arizona DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon