Blessed

1.3K 82 3
                                    

"Trust your heart if the seas catch fire, live by love though the stars walk backward." -e.e. cummings

***

                 

Ang nalalapit na basketball game, second grading period at ang excitement mula sa mga kaclose namin na Warriors ang sumalubong sa amin ni Arizona.

Nanghihinayang na kinuwento nila sa amin ang pagkatalo nila mula sa Dominican Montessori Defenders.

Tatlong puntos ang lamang ng kalaban.

Ang sabi ni Padilla, okay lang sana kung malakas na team ang Defenders. Madali nilang matatanggap ang pagkatalo.

Pero dahil sa kabado ang mga bagong players at wala kami ni Ari, kahit anong pep talk ang gawin ni Coach, hindi sila makapagfocus sa laro.

Nagtake advantage ang kalaban sa kahinaang ito.

"Pinaglaruan nila kami sa court." Sabi ni Padilla.

Napansin ko na isolated sa grupo si Tan at Melissa.

Di tulad ng iba nilang kasama na nakikipagkwentuhan sa amin, malimit na silang dalawa lang ang nakaupo sa isang sulok sa bleachers.

Tinanong ko si Rose kung bakit humihiwalay sa grupo ang dalawa.

"Guilty." sagot niya.

"Hindi sila kinakausap ng mga Warriors ng malaman nila na suspindido kayong dalawa."

Naglalakad kami papunta sa gym, bitbit ang net bag na naglalaman ng mga bolang gagamitin para sa practice.

Wala pa ang ibang players kaya nagkaroon kami ng chance na mag-usap.

Nilapag niya ang dalang bag sa sahig at pinunasan ang pawisang noo.

"Nga pala, Julia. Merong sinabi ang mga senior players na gusto kong sabihin sa'yo ng personal."

Tinigil ko ang pagtanggal ng string ng net bag.

"Anong sabi nila?" Tumayo ako sa tapat ng best friend ko na seryoso ang itsura.

"Alam daw nila ang totoo."

Pinagpatuloy ko ang pagtatanggal ng string at hindi ako makatingin sa kanya.

"Huwag daw kayong mag-alala. Safe ang secret ninyo."

Ngumiti siya at isa-isang nilabas ang mga bola.

***

Dati, ingat na ingat ako sa grades at scholarship ko.

Dito umiikot ang buhay ko dahil meron akong pangarap na gustong tuparin.

Kahit mahirap, kahit parang imposible lalo na kapag naiisip ko ang perang kakailanganin para makapasok ako sa medical school, ginagamit kong motivation ang challenge na ito para lalo akong magpursigi sa pag-aaral.

Pero ng makilala ko si Arizona, ang daming nabago sa buhay ko.

Nang masuspindi kaming dalawa, doon ko narealize kung gaano ako kamahal ng magulang ko.

Nakita ko suporta nila para sa amin.

Doon ko din napagtanto na hindi magwawakas ang mundo.

Na meron pang ibang paraan kung sakaling maalis ako sa St. Michael o kung matiwalag ako sa basketball team.

Meron akong magagawa kesa sa magmukmok o umiyak sa isang sulok.

Kahit alam ko na malaking kawalan ang oportunidad na nasa kamay ko, basta hindi ako susuko o mawawalan ng pag-asa, patuloy ang pag-ikot ng buhay.

Arizona DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon