And The winner Is.......

2.7K 121 2
                                    




                 


Halos dumagundong ang gym ng tawagin ni Coach ang pangalan ni Arizona.

Sa tabi ng players, nakaupo ang mga kaklase namin sa Our Lady Of Peace.

Walang peaceful sa kanila.

Nangunguna si Roy na sumigaw ng Gomez at nagsunuran ang iba.

Karamihan sa nga sumisigaw ay mga lalake.

Iyong ibang section at year, nag-boo.

Kilala kasi sa buong school na pamangkin ni Sister Margaret si Arizona.

Tiningnan niya ang mga humihiyaw ng boo.

Akala ko, may gagawin siya dahil sa inangat nito ang kamay niya.

Inabangan ko kung anong sorpresa meron sa kamay niya pero binaba niya din ito.

"You can't play in those," narinig kong sabi ni Coach sabay turo nito sa bota na suot ni Arizona.

"Why not?"

"You're going to play basketball not ride a motorcycle," sagot ni Coach.

Tinaasan siya ng kilay ni Arizona pero bumalik ito sa upuan at padabog na hinubad ang sapatos.

"Can I play now?" tanong nito kay Coach pagtayo.

Nakayapak ito.

"If you're going to waste my time, you can leave!" Tinuro ni Coach ang exit ng gym.

Kinuha nito ang bota na nasa sahig at aalis na sana pero tinawag ko siya.

"Here," mabilisan kong tinanggal ang suot kong rubber shoes.

Sa tantiya ko, pareho kaming 10 ½.

Kumunot ang noo niya at parang nadidiring napatingin sa sapatos ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Rose.

"Sayang naman kung hindi siya magta-tryout. Nandito na din naman siya eh." Katwiran ko.

"Huwag mo siyang pilitin, Perez." Galit na sabi sa akin ni Coach.

"Kung talagang gusto niyang maglaro, eh di dapat handa siya."

Dahil sa naiintindihan ni Arizona ang sinabi ni Coach, pairap niya itong tiningnan.

Akala ko, lalabas na ito.

Pero ng lumapit sa akin at kunin ang hawak kong sapatos, lihim akong natuwa.

Sinuot niya ito at sakto naman na nagkasya.

Naghiyawahan ang mga kaklase namin ng lumapit si Arizona sa gitna ng court.

Kasama niya sa line-up si Reyes, isang junior student na alam kong manok ni Coach.

Magkasingtaas silang dalawa pero mas malaki ang katawan ni Reyes at muscular ang build nito.

Nakalaro namin ito minsan at maliksi ito kung kumilos.

Parang palos kaya naman na-impress si Coach.

Walo na lang ang maglalaro at magkalaban si Reyes at si Arizona.

Bago magsimula ang laban, tinali ni Arizona ang buhok niya.

Pati ang sleeves ng suot niyang black t-shirt na may mukha ng miyembro ng The Cure, tinupi din niya.

Ready ng maglaro si Gomez kaya naman ng pumito si Coach, nakaabang kaming lahat.

Tinawag ni Coach si Reyes at Arizona para sa jump ball.

Arizona DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon