The Test

1.8K 93 4
                                    

A/N:

I would like to thank my friend @TLGuanzonfor her input in this chapter.

The story evolved into something better because of her ideas and patience with my process.

Enjoy!

***

"One is loved because one is loved. No reason is needed for loving."-Paulo Coelho

***

Mula ng umamin ako kay Nanay, hindi niya na ako kinikibo.

Kung meron siyang sasabihin sa akin ay pinapadaan niya kay Tatay o di kaya kay Sandra.

Kinausap din ako ng Tatay ko.

Tinanong niya kung baka nasa isip ko lang ang lahat.

Na darating ang panahon na magrerealize ko na mali ang ginawa ko.

Imbes na magsalita ay nanahimik na lang ako.

Sarado ang utak nilang dalawa.

Kahit anong paliwanag ang gawin ko, hindi nila ako maiintindihan dahil iba ang pinanggagalingan nila at ganun din ako.

This is a classic parent-child situation.

Para sa kanila, I made mistake and I need to be punished for my wrongdoing.

Hindi ba nila makita na ang kailangan ko lang naman ay ang pang-unawa nila?

Pero iba ang gusto nilang mangyari.

Gusto nila na bawiin ko ang sinabi ko at iwasan si Arizona.

Hindi ko pwedeng gawin iyon.

Nasasaktan din ako sa nangyari pero mas lalo akong mahihirapan kung hihiwalayan ko siya.

Mahal ko si Arizona.

She's the only one that makes sense to me right now.

Kahit nahihirapan ako, isipin ko lang siya, lumalakas ang loob ko.

"Kinse anyos ka pa lang, Julia. Anong alam mo tungkol sa mga bagay na 'to?" tanong ni Tatay bago niya ako iniwan sa ilalim ng puno ng mangga.

***

Bukod kay Arizona, isang bagay pa ang nagbigigay sa akin ng lakas ng loob ay ang nalalapit na UPCAT exams.

Ayokong maapektuhan ang pag-aaral ko dahil lang sa silent treatment sa akin ng Nanay ko.

Pagkatapos ng pagkapanalo namin ay ito naman ang pinagtuunan ko ng pansin.

Nag-offer si Rose na sumabay na ako sa kanya.

Susunduin niya ako sa school at diretso na kami papunta sa UP.

Sasama din si Arizona at ang sabi pa nito, siya na ang bahala sa baon namin.

"Just concentrate on your exams. I'll even bring extra pencils or pens for both of you."

Mula ng umamin ako kina Nanay ay mas lalong naging maasikaso si Arizona.

Lagi siyang nakaalalay sa akin.

Kapag kaming dalawa lang sa locker room or di kaya sa likod ng building, lagi niya akong tinatanong kung kumusta na ako.

Kung kinakausap na ba ako ni Nanay?

Kung nakakatulog ako sa gabi?

"I'm sorry you're suffering, Jules." Sabi niya sa akin habang nagbibihis kami pagkatapos ng basketball practice.

Arizona DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon