Obstacle Course Part 1

1.5K 77 4
                                    




                 

"True love is usually the most inconvenient kind."-Kiera Cass, The Selection



***

"She what?"

Binuksan ni Arizona ang duffel bag at hinilera sa kama ang susuotin para sa morning exercises.

Isang kulay asul na shorts at kulay puting t-shirt na may logo ng The Gap ang napili niya.

Pagkatapos ng almusal, hinatid kaming lahat ni Coach sa Building B kung saan kami magi-stay for the weekend.

Ito ang dormitoryo ng mga estudyante.

Kapag dumarating ang mga Warriors, merong nakalaang kuwarto para sa aming lahat.

Sampung silid ang okupado namin at magkakatabi ang mga rooms.

Maliit lang ang kuwarto, may dalawang magkatapat na twin size bed, desk sa magkabilang dulo na nagsisilbing study table, night lamp at dalawang wardrobe closet.

May malaking bintana na napapalibutan ng grills at ang katapat ng kuwarto ay ang luntiang bundok.

Dati, kapag gumigising ako, pagkabangon ko ay binubuksan ko ang bintana para titigan ang paligid.

Di ko mapigilan ang umusal ng dasal para magpasalamat sa magandang bagay na nasa harap ko.

Ang makapal na hamog na pumapalibot sa bundok at parang nagsisilbing korona nito.

Ang masayang paghuni ng ibon ay pumupuno ng ligaya at nagbibigay ng pag-asa sa pagsisimula ng araw ko.

Bago ako pumunta sa shower room ay daig ko pa ang nanalo sa lotto.

Maliit lang na bagay lang naman ang magpasalamat pero ang epekto nito ay dama ko hanggang matapos ang exercises namin.

Sabi ni Rose, masyado daw akong positive thinker.

Pollyanna ang ginamit niya na term.

May dahilan ako para maging optimistic.

Kahit mahirap lang kami, masaya ang pamilya ko.

Sa school naman, consistent ang grades ko.

Pagdating naman sa Warriors, undefeated kami.

Maraming magagandang bagay ang nangyayari sa buhay ko.

Nang makilala ko si Arizona, lalo akong naging masaya.

***

Binuksan ni Arizona ang bintana at pumasok ang sariwang hangin.

Hindi amoy usok o polusyon kundi amoy bulaklak.

Sumilip ako at sa tapat ng kuwarto namin ay may malaking puno ng ylang-ylang.

"Why would Rose do that?"

Nakatayo siya sa tapat ko at pinagmamasdan habang kinukuha ko ang sariling damit.

"Because she's the one in charge of these things," sagot ko habang hinuhugot ang lumang jersey at kulay puting shorts mula sa backpack.

Maayos na nakatupi ang mga damit ko pero dahil siksikan sa bag, kailangang ilabas ko lahat.

"So what if we're in the same room?"

Lumapit sa akin si Arizona at pagtayo ko ay nakangisi ito.

"Don't you want me to be your roommate?" Pinaglaruan niya ang butones ng suot kong polo shirt.

Napalunok ako.

"Of course I do," sagot ko.

"But?" Tumaas ang kilay niya.

Arizona DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon