Closer You & I

3K 98 0
                                    




                 

We were just holding hands.

Iyon ang sabi ko sa sarili ko habang nagwa-warm up kasama ang mga Warriors.

Pagkatapos ng stretching exercises, kasama na sa routine ni Coach na patakbuhin kami sa loob ng gym ng fifteen minutes.

Dahil nakatutok ang atensiyon ko kay Arizona at De Jesus habang magkasabay silang tumatakbo at nagkikwentuhan, hindi ko napansin si Rose at nabangga ko siya.

"Julia ano ba?"

Mabuti na lang at nahawakan ko siya sa braso dahil kung hindi, babagsak siya sa sahig.

"Naku, sorry!" paumanhin ko.

Imbes na magalit, napangiti ito.

"Kung sinu-sino kasi ang tinitingnan mo eh," tukso niya.

"Ano bang sinasabi mo?" patay-malisyang tanong ko.

Kaming dalawa ang nasa hulihan at malaki ang agwat sa amin ni Reyes dahil sa hindi lang jogging ang ginagawa nito kundi speed running.

"May kakaiba sa'yo ng manggaling kayo ni Blondie sa CR." Sagot niya.

"Anong ginawa niyo doon ha?" panunukso niya.

"Wala! Ang dumi ng isip mo," depensa ko.

"Eh bakit ganyan ang tono mo?" Hindi pa din siya tumigil sa pang-aalaska.

"Anong kakaiba sa tono ko?"

"Defensive ka, Julia. Tinatanong lang naman kita pero guilty ka na agad,"

Inirapan ko siya.

"Ang mabuti pa, tumakbo na lang tayo." Inunahan ko siya.

Baka kung ano pa ang sabihin ni Rose, mabuti ng lumayo ako.

***

Pagkatapos tumakbo, shooting practice na.

Nakapila ang doseng miyembro ng Warriors sa tapat ng ring at isa-isang nagso-shoot.

Ako ang nasa huli at nasa harap ko si Arizona.

Habang naghihintay kaming dalawa, humarap siya sa akin at ngumiti.

"How often do you practice?" tanong niya.

Si Reyes na ang magso-shoot at may limang player pa bago siya.

"Everyday except Sunday," sagot ko.

"Why?"

"Lord's Day," sagot ko.

Kumunot ang noo niya.

"What?"

"Sunday is the Lord's Day so we don't practice. This is a Catholic school remember?," paliwanag ko.

Natawa si Arizona.

"Is there something funny with what I said?" nagtatakang tanong ko.

"You look so cute when you're being dorky," sagot niya.

Namula ang pisngi ko.

"Why are you blushing?"

Hinawakan ko ang mukha ko.

"No, I'm not!"

Tatawa-tawang napailing si Arizona.

"I have no idea what I've gotten myself into,"

Dalawang player na lang at siya na ang magso-shoot.

Manaka-nakang tumitingin sa amin si Coach pati si Rose na nasa harapan at siyang naghahagis ng bola.

Arizona DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon