Chapter 4

12.8K 473 21
                                    


HINDI na natahimik si Janet buhat sa magkasunod na gabing inuusig siya ng alaala ni Luke. Madalas niya itong napapanaginipan at minsan pa'y wari nakikita niya ito, lalo na kapag nag-iisa siya. Para makaiwas sa hindi normal na mga naiisip niya ay nakisalamuha siya sa grupo ng kababaihan roon sa academy. Madalas kasi ay naroon lang siya sa pabrika at nagpapakaabala sa trabaho.

Pumasok siya sa suite ng mga babae. Malawak ang kuwarto na may division para sa silid tulugan. May sarili din itong lobby at banyo. Nadatnan niya sa mini sala set ang grupo nila, Charie, Zyjara, Narian, Rena at Rebbeca. Puro lalaki ang paksa ng mga ito. Bihira siya nakikisalamuha sa mga ito dahil palagi siyang naa-out of place. Pakiramdam niya'y hindi siya nababagay sa grupo.

"Oh, Janet, halika nga dito!" tawag sa kanya ni Rebecca.

"Bakit ang lungkot mo?" kaswal na tanong sa kanya ni Rena. Si Rena ang ex-girlfriend ni Erman, na umanoy mas pinili ang maging bampira.

Naikuwento sa kanya ni Erman na hindi ito pabor sa kagustuhan ni Rena, na maging bampira. Noong pinapili nito ang dalaga ay mas pinili ni Rena ang kagustuhan kaysa sa pagmamahal ni Erman. Kahit nanliligaw sa kanya si Erman ay ramdam pa rin niya na mahal pa rin nito si Rena, dahil hanggang ngayon ay hindi nito kinikibo ang babae.

Si Zyjara at Narian naman ay magpinsang buo na dating naglilingkod sa batas bilang pulis, pero dahil hindi na umuubra ang hukbong sandatahan sa mga bampira at virus ay mas pinili ng mga ito na makiisa sa sangre organization. Masaya ang mga ito sa piniling buhay, hindi katulad niya na ibinabaon pa rin ang sarili sa kinamulatang pamumuhay.

Kahit naiilang ay nakihalubilo siya sa mga ito. Umupo siya sa tabi ni Rena, na may hinihigop na blood juice. Nang alukin siya ni Rena ng mixed nuts ay mariin niya itong tinanggihan.

"Napansin ko na ilag ka pa rin sa amin. Hindi ka pa rin ba naka-move on sa nangyari sa buhay mo, Janet?" mamaya'y sabi ni Rena.

Bumuntong-hininga siya. "Nakapag-move on na ako," aniya.

"Oh, eh bakit parang namatayan ka pa rin?"

"Nami-miss ko lang ang dati kong buhay."

"Come on. Tanggapin na natin na hindi na maibabalik ang normal na pamumuhay ng mga tao."

"Hindi ganoon kadaling talikuran ang buhay kung saan ka namulat. Siguro para sa iyo ay okay lang. Pero magkaiba tayo ng sitwasyon. Almost perfect ang buhay na pinaggalingan ko. Nawala iyon sa akin sa masaklap na paraan. Namatay ang mga magulang ko dahil sa virus. Lahat na mahal ko sa buhay ay nawala na walang kalaban-laban," madamdaming pahayag niya.

Hindi kaagad nakaimik si Rena. Suminsim ito ng blood juice. "Yeah, you're right. We come from a deferent situation. I choose to stay alone without turning the past, 'cause I don't have a perfect life before. Naisip ko, tama lang itong pinili kong buhay. Atleast masaya ako rito," seryosong sabi nito.

"Kaya mo ba tinalikuran pati ang nilalang na nagmamahal sa iyo?" usig niya.

Tiningnan siya nito nang mataman. Malamim na paghinga ang naitugon nito sa kanya.

Pumitlag siya nang biglang hampasin ni Rebecca ang kanang braso niya. "Girls, huwag kayo masyadong seryoso, baka mabuntis kayo niyan na virgin! Alam n'yo ba, ayon sa aklat ng paranormal; ang babaeng tahimik raw ay natitipuhan ng mga engkanto, kaya sila tinataniman ng binsi sa sinampupunan," pananakot ni Rebecca.

Nagtawanan ang iba nilang kasama maging ang ilang kababaihan sa paligid nila. Ngumiti lang siya. Isa siya sa believer ng paranormal. Isang half-vampire, half-human si Rebecca, pero na-adapt nito ang asal ng isang ordinaryong tao.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon