PINILIT ni Janet si Alessandro na payagan siya nito na makausap ng personal si Dwen. Hindi makapag-desisyon si Alessandro kaya pagsapit ng tanghali ay sumama siya kay Elias sa pagpapakain sa mga bilanggo. Nasa cage fifty raw si Dwen kaya naglakas-loob siya na puntahan ito. Naabutan niya ang lalaki na nakahiga sa kama.
Habang abala pa sa pag-distribute ng pagkain si Elias ay kinuha na niya ang atensiyon ni Dwen. "Dwen!" tawag niya rito.
Awtomatikong tumingin sa kanya ang lalaki. Bumangon ito at humakbang palapit sa kanya. Dumestansiya siya sa rehas sa takot na mahaklit nito. Matalim kasi ang tingin nito sa kanya.
"I'm Janet. I just want to know if do you have idea about Luke. I'm his fiancee," wika niya.
Napamata ang lalaki. Lumapit pa ito hanggang sa may tatlong dangkal na lang ang pagitan nila. "Are you sure?" nagdududang tanong nito.
Tumango siya. Upang mas makombinsi ito ay dinukot niya ang pendant sa bulsa ng pantalon niya saka iniabot sa lalaki. Tinanggap naman nito ang pendant.
"Open it," udyok niya.
Binuksan naman nito ang pendant at matamang tinitigan ang laman.
"The man beside me was Luke. He got that pendant as my gift for our anniversary. Someone give it to me. I want to know if Luke was connected to you," aniya.
"Very closer. He's not just connected to me. He's my brother," bunyag nito.
Nawindang siya. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin nito.
"And the reason why I'm here is to give him a justice," patuloy nito.
Napalunok siya. "What happened to him?" balisang tanong niya.
"He's almost dead after the incident in hotel. Someone trying to kill me. I did't expected that Luke will protect me but he never did. I don't want him to die without talking to me. Before he dies, I did the dark reincarnation, the only way to get him back. He's back, but not a human form. He's back as a vampire," kuwento nito.
Hindi namamalayan ni Janet ang pagdaloy ng maninipis niyang luha. Pero hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman niya dahil noon pa man ay nakombinsi na niyang patay na ang Luke na nakilala niya.
"Where is he now?" humihikbing tanong niya.
"I don't know."
"Janet!" tawag ni Elias.
Nagulat siya nang bigla siyang hatakin ni Elias palayo sa kulungan ni Dwen. Nang makita siyang umiiyak ay hindi nakakibo si Elias. Nang may dumating na mga security ay nagtiuna na siyang umalis. Binalikan niya si Alessandro sa laboratory.
"What's wrong?" bungad nito sa kanya pagbukas nito ng pinto.
Dagli siyang pumasok. "Alam n'yo ba na kapatid ni Dwen si Luke?" tanong niya.
Napamata si Alessandro. "No!" mariing sagot nito.
"Nakausap ko siya."
"Really?"
"Inamin niya sa akin ang totoo, pero alam ko marami pa siyang alam. Kung hindi ako nagkakamali, ang bampirang sinabi ninyo na tumakas ay si Luke. Si Luke 'yon!" giit niya.
"Let's find out. Naisip ko na ito noong sinabi ni Zack na maaring si Luke ang bampirang iyon dahil sa pendant. That's why we decided to cooperate with him privately without consulting the organization's leader. Si Rafael ang nakakita kay Luke, and for the second time; he encountered him outside together with the black ribbon soldier. Nasa panig siya ng kaaway kaya mahihirapan tayong makausap siya. Isa na siyang bampira, meaning, there's a changes. Namulat siya sa panig ng kalaban, kaya maaring na-adapt niya ang kalakaran doon. You have to accept the truth, Janet."