PINALAGPAS ni Zack ang mga sinabi sa kanya ni Erman. Sanay na rin siya sa mga isyu na ibinabato sa kanya. Tanggap na rin niya ang mga negatibong pananaw sa kanya ng ibang mas nakababata sa kanya. Kinagabihan ay dinalaw niya sa laboratory si Alessandro. Kasama nito si Rafael at Devey. Nagkukuwentuhan na lang ang mga ito habang nakaharap sa malaking incubator na may lamang bampira. Naalala niya, ang bampirang nasa loob ng incubator ay ang batang lalaki na nasagip nila sa panig ng kaaway noong ni-raid nila ang isa sa laboratory ng mga ito. Malaki na ito ngayon.
"Sino ba ang batang iyan?" tanong niya sa mga kasama.
"May kaugnayan siya sa lalaking nakakulong sa cage number fifty," tugon naman ni Alessandro.
"Ah, 'yong lalaking ayaw magpakilala? Naibalik na ba siya sa kulungan niya?" aniya.
"Oo. Mukhang wala naman siyang balak tumakas. Malamang narito sa loob ng academy ang interes niya," ani Alessandro.
"Paano mo naman nasabing may kaugnayan siya sa batang iyan?"
"Nag-match ang DNA nila. Maaring anak niya ang batang ito," si Devey ang sumagot.
"No. Hindi niya anak ang batang ito. Medyo malayo. Maaaring anak ito ng isa sa kapatid niya. Ang batang ito ay may fifty percent human blood, samantalang yaong bilanggong lalaki ay fourty percent ang human blood. Meaning, kung nagkaanak man siya sa isang tao, hindi papalo ng fifty percent ang dugo ng tao sa magiging anak niya. Maaring mas mataas pa. Ang batang ito ay isinailalim sa isang ekspiremento. Maaring parehong tao ang mga magulang ng batang ito dahil sa mga cells niya sa katawan. Dumaan siya sa riencarnation pero hindi siya pinatay para maging bampira, kundi idinaan sa ekspiremento. Ang dugo ng batang ito at ng bilanggo ang isinalang ko sa DNA test kaya nag-match. Ibig sabihin, ang ginamit na dugong itinurok sa batang ito ay nagmula sa bilanggo na iyon. Maaring may ibang vampire blood pang isinalin sa katawan ng batang ito kaya mas tumapang ang kombinasyon ng dugo. Hindi nila pinatay ang batang ito after ng dark riencarnation dahil maaring maglaho ang human side nito. Binuhay nila sa loob ng incubator ang bata. Nine month old siya noong isinailalim sa dark riencarnation," mahabang paliwanag ni Alessandro.
Naalala ni Zack ang tinutukoy ng estrangerong lalaki na kapatid nito na pinatay umano niya. Maaring ang kapatid nitong iyon ang nagsisilbing tatay ng batang nasa incubator. Ngayon siya nagka-interes na tukuyin kung sino ba talaga ang tinutukoy niyong kapatid. Inalala niya lahat na mga nilalang na napatay niya. Halos naman sa mga iyon ay miyembro ng black ribbon o 'di kaya'y mga sugo ni Dr. Dreel. Wala naman siyang maalala na inosente na napatay niya.
Binalikan niya ang bilanggo sa cage number fifty. Nakahilata na sa kama nito ang lalaking ipinagkakait ang identity. Alam niyang gising lang ito at pinapakiramdaman ang presensiya niya.
"Hey!" tawag niya sa atensiyon nito.
Umupo naman ang lalaki at humarap sa kanya. Tinitingnan lang saya nito ng matalim.
"I'd like to deal with you. Tell me about your brother and I will help you to give him a justice," aniya.
"For what reason, asshole?" supladong sabi nito.
"There's no other reason, man. I just want to know the story both of you."
"Are you insane? My brother's died because of you and the only way to give him a justice was to see your dead body!" asik nito.
Tumawa siya ng pagak. "I'm an asshole as you said. I admit it. But your words can't kill me. Go out there and do what you want. I know you can escape but I don't have idea why you didn't do it. What are you waiting for, Man?" aniya.