PAGMULAT ni Janet ng mga mata ay deretso ang tingin niya sa kulay gatas na kisame. Bumalikwas siya ng upo nang maalala ang nangyari. Bumaling ang tingin niya sa bed side table na may nakapatong na tray ng pagkain na may kasamang dalawang kapsula ng hindi pamilyar na gamot. Kinapa niya ang kanyang katawan. Iba na ang suot niyang damit, maging panloob niya.
Kumislot siya nang biglang bumukas ang pinto. Marahas niyang binalingan ng tingin ang kabubukas na pinto kung saan pumasok si Zack. Saka lamang niya napagtanto na naroon siya sa kuwarto nito.
"Good morning!" nakangiting bati nito. Isinara nito ang pinto saka humakbang palapit sa kanya. Lumuklok ito sa paanan niya. "Kumain ka na para makainom ka na ng gamot," anito.
Bumango naman siya at lumipat sa tapat ng mesa kung saan ang pagkain. Tinitigan niya ang dalawang klaseng gamot. "Bakit may gamot?" tanong niya. Nararamdaman din niya ang kirot sa kaliwang braso niya.
"May doktor na tumingin sa 'yo kanina. Masyadong mababa ang blood presure mo at nilalagnat ka kagabi. Nag-request na ako ng psychiatrist para masuri ka," anito.
Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. "Wala akong sakit sa pag-iisip!" asik niya.
"I know. Pero sa napapansin ko sa 'yo kagabi, hindi normal 'yon. Kung talagang may humahabol sa 'yo, dapat ay nakita ko siya. Wala akong naramdaman na negative energy sa paligid natin kagabi. Labis ang panginginig mo dahil sa takot. Nahirapan akong pakalmahin ka kaya naisip ko na makakatulong kung magpapasok ako ng mas intense na emotion sa katawa mo. Mabuti naman tumalab ang ginawa ko. But I apologize, I don't want to have sex with you in a rude way. Iyon lang ang naisip kong mainam gawin noong mga sandaling iyon. Nagdedileryo ka na kasi. Medyo nataranta din ako. Good thing, hindi ka na nagpumiglas," sabi nito.
Uminit ang mukha niya nang maalala ang nangyari. Hindi na niya magawang singhalan si Zack, sa halip ay nagpapasalamat siya rito. Nahihiya lamang siyang personal itong pasalamatan.
"Kumain ka na. Huwag kang mag-alala, kakausapin ka lang naman ng isa sa kasama namin na eksperto sa pag-iisip, para mapag-aralan kung ano talaga ang nangyayari sa 'yo. Sorry nga pala kung nakialam na ako sa pagbihis sa 'yon. Basang-basa kasi ng pawis ang mga damit mo kaya pinalitan ko. Pagkatapos mong kumain ay dadalhin kita sa opisina ni tito Erron, 'yung tatay ni Erman. Eksperto siya sa pagbasa ng isip ng ibang nilalang. Mapag-aaralan niya kung may koneksiyon ba sa memorya mo ang mga nakikita mo, o sadyang mayroong nilalang na nagmama-manipulate sa isip mo. Maliligo lang ako," anito saka tumayo.
Kumain na lamang siya. Nilubos niya ang pagsubo nang mabilis habang nasa loob ng banyo si Zack. Patutunayan niya na wala siyang sakit sa pag-iisip at hindi lamang likha ng imahenasyon niya ang kanyang mga nakita.
Tamang-tama paglabas ni Zack ng banyo ay tapos na siyang kumain. Nakaupo na lang siya sa gilid ng kama. Hindi niya naiwasan ng tingin ang katawan ni Zack, na tanging puting tuwalya lamang ang sapin pan-ibaba. Nasilayan na naman niya ang magandang hubog ng katawan nito. Hindi siya makapaniwala na kagabi lang ay inangkin ng katawang iyon ang kanyang pagkababae.
Hindi niya inaasahan na walang abog na magbibihis sa harapan niya si Zack. Naibaling na lamang niya ang tingin sa dingding na may naka-display na iba't-ibang size ng pana. Minsan na ring iniligtas ng isa sa mga pana ni Zack ang buhay niya, at hanggang ngayon ay hindi pa siya personal na nakakapagpasalamat rito.
"Are you ready?" pagkuwa'y tanong ni Zack.
Pagtingin niya ulit rito ay may suot na itong itim na pantalon at hapit na itim na t-shirt. Tumayo naman siya at lumakad palapit sa pinto. Nauna na siyang lumabas. Nakakadalawang hakbang pa lamang siya ay huminto siya nang mamataan si Erman na patakbong sumusugod sa kanya. Bigla itong huminto may isang dipa ang pagitan sa kanya.