Chapter 11

11.5K 453 44
                                    


DALAWANG buwan pa ang lumipas. Hindi akalain ni Janet na labis niyang mami-miss si Zack. Magmula noong nalaman niya na umalis na ang binata ay hindi na ito nawaglit sa isipan niya. Halos gabi-gabi siyang inuusig ng damdamin niya para sa binata. Iginigiit niya na may kinalaman siya sa pag-alis ng binata. Maaring umiiwas din ito sa ibang kasama na bumabatikos rito.

"Ang layo naman ng iniisip mo."

Kumislot siya nang pukawin ng boses ni Erman ang isip niya. Nilingon niya ito. Sa kasalukuyan silang naroon sa isang safe house sa isla ng Mactan. Kanina ay tinatanaw niya ang direksiyon ng isla kung saan ang resort ni Zack.

"Napansin ko, palagi kang tulala, Janet. May problema ba?" pagkuwa'y usig ni Erman.

"Ahm, wala naman," kaila niya.

"Magsabi ka ng totoo, Janet. Nababasa ko ang isip mo," anito.

Bumuntong-hininga siya. "Alam mo pala, nagtanong ka pa."

Ngumisi si Erman. "It's about, Zack, right?" anito.

Walang pag-a-atubiling tumango siya.

"Well, that's an issue between you and him. Ayaw ko namang isipin mo na masyado akong pakialamero. Alam ko namang committed ka na kay Zack."

Tinitigan niya ito ng mataman. Ibig ba nitong sabihin ay sinusoportahan na nito ang pagkakaugnay niya kay Zack?

"Ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Zack, Janet? I can read your mind but not your hidden emotions," sabi nito pagkuwan.

Bumuntong-hininga siya. "Noong una ay hindi ko masyadong maintindihan. Pero ngayong hindi ko na siya nakikita ay hinahanap-hanap ko siya. Palagi kong inaalala ang mga sandaling magkasama kami. Maraming nagawa si Zack para makalimutan ko ang masasakit na nangyari sa nakaraan ko. Hindi lang niya iniligtas ng ilang beses ang buhay ko, kundi nagagawa niya akong pasayahin," pahayag niya.

"In other words, you fell in love with him."

Hindi siya nakasagot. Pero ganoon ang gusto niyang ipahiwatig. Noong unang beses pa lamang niyang nakita si Zack ay mayroong espisyal sa binata. Kahit ano pang negatibong naririnig niya tungkol kay Zack ay hindi niya ito magawang iwasan. Alam kasi niya sa kanyang sarili na mayroong magandang parte sa pagkatao ni Zack. Hindi rin niya iniisip ang dark side nito dahil nakilala niya ito sa mabuting paraan. Itinuturing niyang bayani ang binata.

"Hindi na ba babalik si Zack?" tanong na lamang niya.

"I don't know. But base sa reason na alam ko kaya siya umalis ay natitiyak ko na hindi na babalik si Zack."

"Anong reason?"

"Hindi opisyal na miyembro ng organization si Zack. Involve siya sa maraming grupo na karamihan ay sumasalungat sa batas at layunin ng sangre organization. Kaya naisip ng pinuno namin na ikonsidera siyang outsider. Aminado si Zack na hindi niya kayang maging loyal sa iisang organization kaya mas pinili niyang maging independent. But since his uncle or father is here; he considered himself as part of the family. Sa palagay ko ay na-hurt siya sa naging desisyon ni Tito Dario na mas mabuting wala sa sangre si Zack para hindi namo-monator ng ibang grupo ang kalakaran sa loob ng Sangre organization. Itinuring ng karamihang leader si Zack na isang human or vampire survilliance. Kaya siguro minabuti ni Zack na kusang lumayo," kuwento ni Erman.

Nakadama siya ng awa para kay Zack. Lalo siyang nakadama ng lungkot.

Pagkagat ng dilim ay minabuti ni Janet na magpalipas ng gabi sa isla. Hindi na siya natatakot manatili sa lugar dahil mahigpit na ang siguridad. Pagkatapos ng hapunan ay tumambay siya sa pampang ng dagat kung saan may mga yate. May mga umaaligid na mga bampira sa paligid ng isla para masiguro ang kaligtasan ng mga tao. Lumuklok siya sa malaking bato habang nakatanaw sa pinakamalaking yate sa kanyang harapan.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon